KABANATA 6

17 2 0
                                        

Hindi pa ako kumakain mula kanina at kanina pa ako nakaupo dito sa likod ng pinto ko. Wala akong gana, Nawalan na'ko ng gana sa lahat. Nakakapagod. Kaya kahit gusto ko nang kumain, hindi parin ako tumatayo.

Nawala ang pagkalutang ko nang biglang bumukas ang pintuan at naitulak ako nito dahilan nang pagkasubsob ko, pagharap ko para malaman kung sino ang pumasok ay nakita ko si Cheska na abot tenga ang ngiti.

Please, wag ngayon. Im physically and emotionally tired right now, hayaan mo muna akong magpahinga.

"So....How are you my dear sister?" panimula ni Cheska na hindi matanggal tanggal ang ngiti sa kanyang mukha. "Bakit ka nagkukulong ngayon dito ha "ATE"?? nakataas pa ang kilay niya nang banggitin niya ang salitang "ATE".

"Please Precious, wag ngayon. Gusto ko nang magpahinga" ramdam na ramdam ko ang tamlay sa aking boses. Tumawa ng malakas si Cheska, tawa na nakakainsulto.

" Weh? Are you jealous? Kitang kita ko sa mga mata mo ang selos kanina Shaniah, bakit? Iniisip mo ba na sana ikaw na lang na sa posisyon ko ah? Sorry ka na lang" sigaw ni Cheska sa mismong mukha ko. Akala ko titigil na siya pero hindi pa pala " Alam mo Precious, hindi ko alam kung manhid ka lang talaga or what. Ayaw ko sayo kaya ganito ang trato ko sayo, hindi mo ba napapansin? Kapag may family events, ako ang laging tinatanong kung sasama ba ako at kung ano ang susuotin ko. Ako lagi ang sinasama ni Daddy sa company, Ako ang laging kasama ni Mommy kapag malungkot sya, Okay lang sa kanila kung magkaroon ako ng boyfriend. Okay lang din sa kanila kung anong kurso ang gusto kong kunin, walang pumipigil sa akin" mahabang sabi niya at bawat salitang sinasabi niya ay tumatatak sa isip ko at para akong tinutusok kasi lahat ng yan totoo.Bakit ngayon niya oa naisipang sabihin yan? Hindi ako manhid o bulag para hindi mapansin iyan. Sadyang pinagwawalang bahala ko na lang. Hinarap ko Cheska na nakangisi parin hanggang ngayon.

"Anong gusto mong iparating Precious? matamlay kong tanong sa kanya.

"Na hindi ka bagay dito, minsan nga iniisip ko na baka ampon ka lang e, iniisip mo rin ba yon ha shaniah? anong nararamdaman mo kapag naiisip mo yon? Masakit ba?" tanong niya na may halong pag aalala, fake concern.  "Alam mo inggit na inggit ako sayo kasi ikaw ang next na mamamahala ng company e wala ka naman alam tungkol sa business, ako dapat iyon. Ang hilig mo talaga mang agaw no? nagagalit na 'ko sa totoo lang pero pinipigilan ko lang. Ayoko sa lahat ang magalit dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko.

"Mangaagaw, Plastic at Mal4ndi" sambit ni Cheska at sa pagkakasabi niya ay dahan dahan na para bang pinapaintindi niya sakin iyon. Hindi ko na napigilan ang galit ko at hindi pa man sya nakakapagsalita ay dumapo na ang palad ko sa kaliwang pisngi niya, napaupo siya at nakita kong dumugo ang labi niya. OMG, hindi ko sinasadya.

Lalapitan ko sana sya pero biglang bumukas ang pintuan at iluwa nito ang mga magulang ko na gulat gulat sa nangyayari. Agad tumakbo si Mommy kay Cheska at si Daddy naman ay galit na galit ang tingin niya sakin.

"Sinaktan mo ang kapatid mo, Shaniah?" tanong agad ni Daddy sa akin, hindi man lang tanungin kung anong nangyari.

"Daddy, h-hindi ko po sinasadya, nabigla lang po ako" sagot ko, naiiyak na naman ako.

"Daddy s-sinampal n-niya p-po ako a-at tinulak" may itutuloy pa sana siya pero hindi na niya naituloy dahil bigla na lang humagulgol. Napalingon ulit si Daddy sa akin.

"What? You did that, Shaniah?!!! sigaw ni Daddy, napapikit ako hindi dahil sa takot kundi sa awa, awa sa sarili ko. Dahil sa mga ganitong sitwasyon, wala akong kakampi at hindi ko man lang mapagtanggol ang sarili ko.Dahil kahit anong explain ko sa kanila ako parin ang mali at baka sabihin pa nilang sumagot sagot ako, No! Inexplain ko lang ang side ko!

"Shaniah, ikaw ang ate, ikaw dapat ang may mahabang pasensya. Nagalit ka oo pero wag naman sanang humantong na sasaktan mo ang kapatid mo" galit na sigaw ni Daddy, napalingon ako kay Mommy upang maghingi sana ng tulong at comfort pero nag iwas lang siya ng tingin. Wala akong nagawa kundi ang ang mag buntong hininga. Hindi ka pa ba sanay, Shaniah?

Bumuntong Hininga ng malakas si Daddy "Now, say sorry to your sister" napalingon ako kay Daddy nang sabihin niya iyon. Ako pa ang mag ssorry? Daddy ako ang nasaktan, hindi lang physically.

"P-pero D-dad- hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil naunahan ako ni Daddy.

"Walang pero pero, Mag sorry kana. Ganyan ka ba talaga, Shaniah? Sorry lang ang hinihingi namin sayo, napaka pride mo, wala kang pakealam kung nakakapanakit ka nang iba dahil ang inaalala mo lang ang sarili--- hindi ko na sya pinatapos dahil ayaw kong madagdagan na naman ang bigat na nasa puso ko. Tama na!

"Sorry" sambit ko. Napalingon ako kay Cheska na ngayon ay nakangiti na sa akin. Ngiting tagumpay dahil nakita na naman niyang nagalit sa akin si Daddy.

"Good humarap sya kay Cheska na ngayon ay wala na ang nakaka asar niyang ngiti dahil napalitan iyon ng "nakaka awang itsura". "Anak, are you okay? May masakit ba sayo?" mahinahong tanong ni Daddy kay Precious.

"Masakit lang po ang balakang ko Daddy, at ang labi ko" kunwaring matamlay na sagot ni Precious.

"Halika, Anak. Gamutin natin ang sugat mo" hinawakan ni Daddy ang braso ni Precious at nagsusumigaw yon kung gaano kaingat ang hawak ni Daddy. Nilingon muna ako saglit ni Daddy at tinulungan nang lumabas si Cheska. Napalingon naman ako kay Mommy na nakatitig sa akin, tumango lang sya at sumunod na kina Daddy!

Napaupo ako sa sobrang panghihina pagka alis nila. Ang bigat ng nararamdaman ko. Wala akong sugat pero ang sugat sa puso ko unti unting sumasakit, nakakapagod. Pagod na hindi nadadala sa tulog lang. Pagod na hindi mo alam hanggang kailan magtatagal sayo or kung mawawala pa ba?!

Inisip ko lahat lahat ng sinabi ni Cheska sa akin. Ampon nga ba ako? Imposible. Paano kung oo? Ano nang mangyayari sa akin? Shaniah, please Stop!

Kung sana may kaibigan lang ako na mapagsasabihan ng lahat ng sama ng loob, hinanakit at kung gaano kabigat ang nararamdaman ko ngayon. Kaso wala, kasalanan ko din naman bakit wala akong kaibigan. Hindi ko pa kaya, dahil sa tuwing naiisip ko ang nangyari sa akin noon habang may kaibigan ako, nawawalan ako ng ganang makipag kaibigan!

Napaisip ako sa sinabi ni Cheska  sa akin na kapag malungkot si Mommy ay ang kasama niya ay si Cheska? Hindi ko pa nakikitang naging malungkot si Mommy or hindi lang talaga kami laging magkasama kaya hindi ko napapansin? Kailan sya naging malungkot at anong dahilan?

May hindi ba ako alam?

♡♡♡♡♡♡♡♡♡
See u next chapter, mwaa
Thank You, Have a nice day!

My Peculiar LoveWhere stories live. Discover now