Saturday ngayon at nakatunganga lang ako sa amin, ako lang ulit ang tao dito at hindi ko alam san sila nagpunta bahala na sila sa buhay nila, chos HAHAHAHA.
Pero seryoso, iniisip ko yung nangyari nung isang araw, yung naisip ko na may feelings na 'ko kay Dash, ewan ko hayss. Hindi ko pa ito nararamdaman sa iba e ngayon palang. Ang weird but at the same time ang sarap sa pakiramdamam.
Napagdesisyunan ko na lang na mag gym, feeling ko tumataba na 'ko. Kain pa more, nagayos na ko ng sarili and Im wearing moving black sports yoga gym bra and a training leggings and a black shoes, nagdala na rin ako ng bottled water and extra shirt.
Nang nakarating don ay agad na kong bumaba sa sasakyan, siniguro ko munang nakalock ang mga doors bago lumabas. Kilala na ko ng mga tao dito kaya agad nila akong pinapasok.
Inayos ko muna ang buhok ko and i tied my hair in a messy bun. Sinalpak ko ang aking earpods sa tenga dahil naiingayan ako. Dumiresto na ko sa threadmill and i will use it for 15 minutes and after that i will use the stationary bicycle.
I press the green start button and i started walking slowly. I take a half step back off the console. I drop my arms down and to my side and started running. I used my arms for driving those elbows straight back. And i do that for almost 15 minutes.
Inhale, Exhale. Inhale, Exhale. Ohhhh!!
After that i go to the stationary bicycle and i will use it for 20 minutes, i asked for help to adjust the seat height, they helped me naman. I do the 'one two one two" steps and i keep my
head up and and my shoulders down away from my ears and i keep my feet flat as i pedal, i increase my speed, 4rpm. Four, three, two, one and i slow it back.Huminga ako ng malalim at umupo muna sa isang couch, nakakapagod pero worth it. Aircondition dito sa loob pero pinagpapawisan ako ng sobra, pumikit ako ng mariin habang inaabot ang towel sa gilid ko pero wala akong makapa! Asan na yon?!
Minulat ko ang mata ko at tumambad sa akin ang pagmumukha ni Blaze, pinagsadahan ko sya ng tingin mula ulo hanggang paa and he's wearing outdoor voices high stride shorts, a gym bodybuilding tank top (color gray) and a cross trainer sneakers. Mukhang kakatapos niyang maligo kasi basa pa ang buhok niya at dala na niya ang gym bag niya, aalis na siguro siya pero anong ginagawa niya sa harapan ko?
Nagtataka na 'ko kase nakatitig lang sya sakin, Problema neto? Ano na naman ba?
"What?" nagtataka kong tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga sya ng malakas sakin.
"Boyfriend mo ba 'yon?" I can feel the cold and irritate in his voice, what have I done to this man? I'm not worried about why his voice is cold, I'm just wondering. And who is my boyfriend that he is referring to?
Takang taka ko syang tinignan "Pinagsasabe mo, Blaze? Sa pagkaka alam ko wala akong boyfriend" ngayon ay may halong inis na sa boses ko.
"The man with you at the restaurant the other day" inis niyang sagot dahil siguro hindi ko nakuha kung sino ang tinutukoy niya, aba malay ko ba hindi naman ako manghuhula no and wait? Si Dash ba tinutukoy niya?
Ang engot mo Shaniah sya lang naman kasama mo sa restaurant nung nakita mo sila syempre si Dash tinutukoy niya.
Nagulat man ako pero ngumiti parin ako sa harapan niya, ngiting nakakainis. "E ano naman sayo kung boyfriend ko yon?" tanong ko sa kanya, hindi ko alam bakit nakangiti ako, siguro sa idea ni Blaze na boyfriend ko sya? Nilingon ko sya at nagsalubong na ang kilay niya at umigting ang panga niya.
"So, boyfriend mo nga yon? Seriously Shaniah? Nireject mo 'ko ng dahil lang don sa lalaking yon? parang biglang nag init ang ulo ko nang marining ang salitang "lang". Nila lang niya lang si Dash.
"Blaze, una sa lahat hindi kita boyfriend. Ikaw ang may gusto sakin, tapos ako walang pagtingin sayo, kaibigan lang talaga pero baka pati yon mawala" malamig kong tugon ko sa kanya. Nagtangis ang bagang niya at tunalikod na sa akin pero hindi pa man sya nakakadalawang hakbang ay lumingon ulit sya sakin, akala ko may sasabihin sya pero wala, binuka niya lang ang bibig niya pero hindi niya sinabi ang gusto niyang sabihin, umiling lang sya at tinalikuran na 'ko.
Bumuntong hininga ako ng malakas, nawalan na ako ng gana ipagpatuloy ang pag g-gym ko, uuwi na lang ako. Dumiretso na ako sa cr para maligo, may locker ako dito pero nagdala parin ako ng extra shirt, oversized shirt.
Naligo na ako at nagbihis na and right now I'm wearing white oversized shirt and maong shorts. Dumiretso na ako sa sasakyan ko at nagdrive na pauwi.
Nang nakauwi ay napansin kong wala pa ang parents ko at ang kapatid ko. So? HAHAHAHAHAHAHA okay lang. Dumiretso na ako sa kwarto ko at agad nag dive sa kama.
Patulog na ako ng ma alala na aalis pala kami ni Dash bukas, mag c-church kami. I want to feel your presence again, Lord. Hindi ako mag c-church bukas dahil lang ininvite ako ni Dash or what mag c-church ako dahil gusto ko.
Hapon na nang nagising ako, naligo muna ako at bumaba. Pagkababa ko ay tahimik parin, wala parin sila. Saan kaya sila nagpunta?
Nagluto na lang ako ng pagkain ko, im starving, hindi pala ako naglunch kanina dahil nakatulog ako ang tinatamad din akong magluto.
Nagluto lang ako ng fried chicken, leg part and wings tska nagbukas na lang ako ng de lata, 555 Afritada. Syempre hindi mawawala ang toyo, suka at asin. So let's eat mwhehehe!
Pagkatapos ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko, naisipan kong tumambay sa likod namin, sa garden. Hindi mainit don, mahangin at presko nga. Kinuha ko muna ang librong babasahin ko, babasahin ko muna ngayon ang isang story ni Jonaxx na Waves of Memories, isa isa mga fav story ko.
Ang ganda kasi, plot, characters, the transition and i will rate it 1000/10, nabasa ko na to ng ilang beses and babasahin ko ulit ngayon. Kakatapos ko lang last week nung Iloveyousince 1892 ni Binibining Mia and yun ang favorite story ko, and until now hindi ko parin matanggap ang ending pero worth it naman.
Hindi ko namalayan na ilang oras na akong nagbabasa kung hindi lang tumunog ang phone ko na nagpapahiwatig na 6:00 na, nag aalarm kasi ako. Alas sais na pero wala parin sila, hindi ba nila naiisip na wala akong kasama dito? Kung kumain na ba ako? Kung kumusta kaya ako dito? Hindi man lang sila nag text hayss.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa nang biglang tumunog ang cellphone ko, may tumatawag and unknown number, sino kaya to? Baka sina Mom? Nakigamit ng phone dahil nalowbat sila? or wala silang load kaya nakitawag sila para kamustahin ako? OMG!!
Sinagot ko ang tawag pero walang nagsasalita "Hello"? masaya kong tugon pero wala paring nagsasalita, may naririnig akong bumuntong hininga, huh? sino yon? "Hello?Who's this?" tanong ko ulit.Hindi parin sya sumasagot at nang papatayin ko na sana ang call pero biglang nagsalita ang nasa kabilang linya na nagpatigil at nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"It's me, Dash" I don't know if what I heard was wrong because of the tenderness of his voice, very soft and very calm and with his very tender voice I forgot who I was talking to. Nakakapanibago at nakakagulat dahil hindi ko inaasahan na tatawagan niya ako at lalong hindi ko inaasahan na sya ang kausap ko ngayon.
Dash, anong ginagawa mo sakin? Pinapa bilis mo ang tibok ng puso ko, napapasaya mo ko na hindi magawa ng iba. Napapabilis mo ang tibok ng puso ko nang walang kahirap hirap.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
see u next chapter, mwah
Thankyou, have a nice day <3
YOU ARE READING
My Peculiar Love
Teen FictionSi Shaniah Avery Sanchez ay isang cold and self centered woman. Mas gusto niyang mapag-isa. Ayaw niya ng nilalapitan, pinipilit at nililigawan dahil para sa kan'ya ay mga distractions lang sila sa pag aaral nya, tutok na tutok siya sa pag aaral dahi...