Monday na naman ngayon at muntikan na naman akong malate dahil hindi tumunog ang alarm ko at hindi rin ako ginising ni Mommy, hindi ko alam kung bakit.
Ilang minuto lang akong naligo pagkatapos ay nagbihis na at umalis, hindi na ako nag almusal dahil wala rin namang pagkain..Pagkadating ko sa school ay nakasabay ko pa ang Prof. ko at buti na lang hindi ako pinagalitan.
Pagpasok ko sa room, as usual maingay na naman at napansin ko si Blaze na nakatingin sa akin, hindi siya ngumiti or kahit ano nakatitig lang, Nagsukatan kami ng tingin pero sya rin ang unang umiwas. Nagsimula ang klase namin ng normal at hindi rin ako nilapitan ni Blaze, ayos yan.
-dismissal-
As usual, papunta na naman ako sa favorite kong fasr food chain hshs. Nang nakarating na ay dali dali na akong lumabas ng sasakyan, naramdaman kong nagvibrate ang shoulder bag ko, may tumatawag yata. Kinapa ko nang kinapa ang bag ko pero hindi ko mahanap, patuloy parin ako sa paghahanap habang naglalakad nang sa wakas ay nakuha ko na sa bag ko ay may nakabungguan naman ako at napaupo ako sa batuhan dahil tumama ako matigas niyang dibdib.
Naglahad ito ng kamay sakin pero hindi ko tinanggap, inangat ko muna ang tingin ko sa lalaking nakabungguan ko at muntik na akong mabuwal dahil nakasalubong ko ang kanyang mga berdeng mata.
Lintek naman oh, nagmumove on na ko e, ngayon ang umpisa bakit naman ngayon pa sya nagpakita, wala na.
Tinanggap ko ang alok niyang kamay at hinayaan syang tulungan akong tumayo. Sinuri naman niya ako kung may sugat ako at nang napansin niya ang sugat sa siko ko ay umigting ang kanyang panga.
Nang nag angat sya ng tingin sa akin ay agad akong umiwas.
"May firstaid ka ba?" he asked.
"N-No need, gasgas lang to at mawawala din yan" sabi ko habang nakangiti, pinapakita na okay lang talaga ako. Pero hindi yata sya naniwaka don dahil inulit niya lang ang tanong niya kaya wala akong ibang nagawa kundi ang hilahin sya papunta sa sasakyan ko hayss kulit mo naman.
Binigay ko sa kanya ang kailangan niya at pinaupo niya naman ako sa backseat, pati rin pala sya. Habang nililinisan niya ang sugat ko ay hindi ko maiwasang titigan sya,ang gwapo niya talaga. Pero may isang tanong talaga ang gumugulo sa isip ko na sya lang makakasagot.
"Ahm if you don't mind, can i ask what your name?" buong tapang kong tanong. Gustong gusto ko na talaga malaman pero parang wrong timing yata dahil tumaas lang ang kilay niya at umigting lang ang panga niya, agad akong nagsisi bakit ko tinanong iyon. "Pero kung hindi okay lang naman, curious lang ako, im sorr--
Hindi na niya ako pinatapos dahil hindi ko inaasahang sasagutin niya ang gumugulo sa isipan ko " Calvin Dash Miller, that's my name" napatulala ako sa kanya at napakurap kurap, hindi ako makapaniwala. Napalingon sya sakin at nakita kong may sumilay na maliit na ngisi sa labi niya. OMG, CALVIN DASH MILLER, WHAT A HANDSOME NAME!!!
Nang natapos sya ay naisip ko muna syang yayaing mag miryenda, sana naman tanggapin na niya ang alok ko. " Dash.. tumaas ang kilay niya sa tinawag ko sa kanya pero wala siyang sinabi, ibig sabihin ba okay lang na tawagin ko syang Dash? kyaaa " Magmirmenda muna tayo, treat ko. Dami ko nang utang sayo" nagpacute pa 'ko para mapapayag lang sya and im sure mukha ako tanga sa pagpapacute ko.
Muntik na akong mapatalon nang makitang tumango sya, OMG ang swerte ng araw na to. Agad ko syang hinila papasok sa fastfood chain pero hindi pa man kami nakakapasok ay naunahan na kami. Tatabi na sana ako para hayaang syang mauna pero narinig ko ang pamilyar na boses.
"Shaniah.... napalingon ako sa may ari ng boses na iyon at nakita si Cheska na nagpapalitan ng tingin sa aming dalawa ni Dash, hindi ko alam kung anong reaction ni Dash ngayon dahil nasa likod ko sya. Huli ko na mapansin na hindi lang pala siya ang nandito. Napalingon ako sa likod niya at nakita si Blaze na nakatitig kay Dash, Bakit sila magkasama? Comeback? Tss.
Hindi parin inaalis ni Blaze ang titig niya kay Dash, Ano kayang reaction ni Dash? Naramdaman yata ni Blaze na nakatitig ako sa kaniya, napalingon sya sakin at umiling nang umiling. Problema nito?
Hinila na ni Cheska si Blaze papasok pero bago pa sya makapsok ay may hinirit pa sya. "Ang landi" sabi niya sa mismong mukha ko. Kahit wala syang sabihing pangalan alam ko kanino niya iyon sinasabi, sa akin.
Nang pumasok na sila ay nilingon ko si Dash na nakataas ang kilay at mukhang badtrip. Ang cute. Bigla akong napangiti sa itsura niya Haha nakanguso pa kasi sya. Napalingon siya sa akin nang narining ang hagikgik ko, napa ayos naman ako ng tayo, Ano ba yan!
Nawalan na ko ng ganang kumain dito, sa iba na lang siguro. Hinila ko na si Dash paalis don, hindi naman sya kumontra kaya ayos lang siguro.
Sa sobrang tutok sa dinadaanan hindi ko napansin ang bato, at ano pa nga ba? syempre dahil tatanga tanga ako, natapilok ako. Aray naman!
Narinig ko ang tawa ni Dash, nang nilingon ko sya ay pilit niyang ginagawang seryoso ang itsura niya kahit may ngisi naman sa labi niya. Nakakatawa yon? Pero hindi ko alam bakit bigla na lang din ako natawa, tinatatawanan ko ang sariling katangahan ko.
Ayaw kong mang mag assume pero hindi ko maiwasan. Eto na ba ang simula? Friends na ba kami? Close na ba kami? Ayaw kong mag assume kasi baka masaktan ako sa huli pero hayaan mo na, sa huli pa naman iyon. Ienjoy ko na lang ang araw na 'to.
Dinala ko si Dash sa isang lugar na favorite ko rin, kita dito ang bundok, hindi gaanong kita pero naaaninag. Ganon din ang food nila dito, same lang dun sa fastfood chain na kinakainan ko.
Tinanong ko sya kung anong gusto niya pero nagkitbit balikat lang siya. Kaya parehas na lang ang inorder ko. Chocolate cake and ice coffee.
Habang naghihintay ay napansin kong hindi sya nakauniform. "Btw, wala kang work?" tanong ko kay Dash. Umiling na ang ibig sabihin ay wala.
"Bakit?" tanong ko uli.
"DayOff" simple niyang sagot. Okay.
Nang dumating na ang order namin ay pareho na kaming natahimik. Walang umimik sa amin pero na aakward ako hshs, tahimik ako pero hindi ko maiwasan mailang. Sanay ako sa tahimik pero parang ngayon gusto ko na lang dumadaldal ng dumadaldal. Ako na ang mag f-firstmove sige.
"Matagal ka nang nagtatrabaho doon, Dash?" tanong ko sa kanya. Akala ko hindi niya sasagutin dahil ang tagal niyang hindi sumagot pero hininto niya ang pagkain niya ay lumingon sa akin.
"Nung isang araw lang" tipid na sagot niya. Okay, wala na namang topic. Umisip ako ng umisip ng pwedeng itanong.
"May bahay ka ba dito? I mean saan ka nanunuluyan?" tanong ko sa kanya, napalingon siya sa akin nang may nagtataka kang tingin.. Wait, what? Iniisip niya bang baka puntahan ko sya sa bahay nyo? OMG NO!!
"Kung iniisip mong baka puntahan kita sa bahay nyo, nagkakamali ka. Assuming mo" pero tawa lang ang isinagot niya sa akin, ang sarap pakinggan ng tawa niya, nakitawa na rin ako..
"Ikaw lang naman nag iisip niyan" sambit niya, hindi parin nawawala ang nakakaloko niyang tingin at ngisi. hala may ganito pala siyang side. Haha cute!
Tinitigan ko sya ng maigi and i feel comfortable, na parang wala akong problema ngayon... Masaya, masayang masaya. Sana hindi na matapos ang araw na ito. Sana hindi pa ito ang huli.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
see u next chapter, mwaa
Thankyou, Have a nice day!
![](https://img.wattpad.com/cover/282277327-288-k757487.jpg)
YOU ARE READING
My Peculiar Love
Teen FictionSi Shaniah Avery Sanchez ay isang cold and self centered woman. Mas gusto niyang mapag-isa. Ayaw niya ng nilalapitan, pinipilit at nililigawan dahil para sa kan'ya ay mga distractions lang sila sa pag aaral nya, tutok na tutok siya sa pag aaral dahi...