3 araw na ang nakalipas magmula nung na aksidente ako. 3 araw na rin ang nakalipas nang hindi ko na ulit pang nakita si green eyed man. Hindi ko pa sya napapasalamatan. Hayaan na, sa susunod na lang. Kailan kaya ang susunod na iyon?
Sabado ngayon at walang klase, nandito lang ako sa bahay. As usual nagbabasa na naman. Bored na bored na ko. Ako lang mag isa dito sa bahay dahil ang Mommy ko at si Cheska ay umalis, hindi ko alam kung saan pumunta. Si Daddy naman ay may inasiko, nagiging mas busy na nga sya lately. Ano kaya ang inaasikaso niya?
Napagdesisyunan ko na lang na pumunta sa mall at mag ikot ikot, maghahanap ng panibong librong babasahin at magpapalipas ng oras. Agad akong nag ayos at umalis na.
Napansin kong maraming tao ngayon sa mall dahil christmas na next month maraming bumibili na pang decorations nila sa bahay. Naririnig ko narin ang mga christmas songs na halos memorize ko na.
Habang naglalakad may napansin akong bagong stall ng ice cream, ngayon ko lang to napansin. Bago ba 'to? or sadyang hindi lang ako madalas pumunta sa mall kaya ngayon ko lang to napansin.
Dali dali akong pumunta don para matignan kung anong available nilang flavors. Favorite ko ang icecream lalo na kapag cookies and cream ang flavor.
Pagdating doon ay sobrang daming tao, halos babae na mga ka edad ko lang. Anong meron?
Humanap na ako ng bakanteng upuan at doon na lang muna maghihintay na matapos ang mga nakapila. Ang dami!Habang naghihintay, kinuha ko muna ang phone ko at nagwattpad. Yess! Nagwawattpad ako. Pero minsan lang kapag may free time ako.
Nang napansin kong hindi na masyadong mahaba ang pila ay pumila na rin ako. Tinignan ko na rin ang mga flavors.
May rocky road, cookies and cream, chocolate, avocado, melon, vanilla hindi ko na natapos dahil napahinto ako ng mapansin ko ang lalaking nakatayo sa mismong harapan ko. Ang lalaking hindi ko inaasahang makikita ko dito.
He's wearing a blue shirt, a faded black jeants and a white rubber shoes. Meron din syang net at cap sa ulo at naka gloves. Tinitigan ko sya mula ulo hanggang paa at huwaaaa ang gwapo niya, his shapely and big body was pretty obvious because of what he's wearing right now, he was so hot. Hindi ko lang malalaman na dito sya nagtatrabaho nang mapansin ko ang logo na nakadikit sa damit niya. Whaaaat? Kailan pa sya nagtatrabaho dito? Kaya ba hindi ko na sya nakikita dahil nagtatraho na siya?
Sya ba ang dahilan bakit ang daming babae kanina dito? No, hanggang ngayon..lalo pa yatang dumami. Titig na titig ako sa kanya dahil hindi ako makapaniwalang makikita ko sya ulit.
Nagulantang ako nang biglang may sumigaw sa mismong tenga ko, bwiset!
"Miss ano? Bibili ka ba o hindi? Nakaharang ka lang o, tignan mo ang dami pang nakapila. Mukha ka nang tanga dito." sigaw niya mismo sa mukha ko, nilingon ko ang mga nagtatawanan niyang kaibigan. Hinarap ko ang babae."Bakit kailangan mong sumigaw? Hindi ako binging babaita ka, at teka nga bat ka ba nagmamadali ha?Bakit? Dahil gusto mo ng makaharap ang lalaking to?" sigaw ko rin sa kanya. Tinuro ko pa si green eyed man na ngayon ay naguguluhan na sa nangyayari. Kung makasigaw 'tong babaeng to kala mo naman!!
"Haa! Ikaw pa ang may karapatang magalit ngayon ah, At oo miss nagmamadali ako dahil gusto ko nang makarap yung gwapong yon at wala kang pakealam" galit niyang tugon. Nagalit ba 'ko?Engot!
"Wala din akong pakealam Miss, at gusto ko lang sabihin sayo na yang lalaking gustong gusto mo nang makaharap ay boyfriend ko" sigaw ko sa kanya sabay ngisi..Kitang kita ko ang gulat sa mukha niya, nag 0 pa ang bibig niya, parang ganito 👉😰akala mo ah HAHAHA mukhang isda.
![](https://img.wattpad.com/cover/282277327-288-k757487.jpg)
YOU ARE READING
My Peculiar Love
Teen FictionSi Shaniah Avery Sanchez ay isang cold and self centered woman. Mas gusto niyang mapag-isa. Ayaw niya ng nilalapitan, pinipilit at nililigawan dahil para sa kan'ya ay mga distractions lang sila sa pag aaral nya, tutok na tutok siya sa pag aaral dahi...