"Shaniah!! Francheska!! Magsigising na kayo, aba tanghali na may pasok pa kayo. Anong akala nyo yung oras ang mag aadjust sainyo?" tinig ng aking nanay ang nagpagising sa aking mahimbing na tulog.
Ganyan naman lagi ang nanay ko, kaya sanay na ko sa mga litanya nya. Hindi ko nga alam sa kanya bakit hindi sya nagsasawa sa mga lines na binabanggit nya, halos memorize ko na nga tss at eto pa kapag nakita nyang 8:00 na ng umaga tapos nakahiga pa kami ibig sabihin tanghali na. Hayss.
"Ikaw Shaniah, anong tinutunganga mo pa dyan? Aba oras na may pasok ka pang alas dyes" sigaw na naman nya. Hobby ko na yata na pagkagising tutunganga muna ko, magiisip isip ng kung ano.
Tamad akong bumangon sa pagkakahiga ko at nagsimula nang mag ayos ng sarili. Naligo, nagbihis at nag ayos. Tamad akong bumaba para pumunta na sa dining table para kumain at umalis na. Pagkababa ko ay nakita ko na ang aking kapatid na si Cheska, we're not that close. Ginagawa ko naman lahat para maging close at maging maayos ang relationship naming dalawa pero wala talaga. Ano ba ang kailangan kong gawin ha cheska? Gagawin ko.
"Shaniah, hija kumusta ang pag aaral mo?" tanong ni Dad, pagkakaupo ko palang. Sa pagkakatanong nya palang alam ko na- na mataas ang expectations nya from me.
"Its fine dad" tamad at walang gana kong sagot.
"Mabuti naman, wag mo kong bibuguin hija, ikaw lang ang inaasahan naming aahon sa atin sa kahirapan, kaya pagbutihan mo para rin naman sa kinabukasan mo yan." brusko at istrikto niyang sabi. Wala naman akong nagawa kundi tumango na lang. Ayan na naman, lagi nilang sinasabi sa akin yan,na ako daw ang pag asa ng mga magulang ko, na ako daw ang aahon sa kanila sa kahirapan. Well hindi naman kami masyadong mahirap, talagang bumagsak lang ang company ni dad kaya ganito kami ngayon hindi ko rin nga alam bat sinasabi nya na ako daw ang aahon sa kanila sa kahirapan. Nakakapressure din minsan. Biglang tumawa ang kapatid ko,alam nyo yung tawang nakaka insulto? ganon sya tumawa ngayon. Alam ko na yan, ang mga sinasabi ni dad sakin ngayon ay hindi pa sinasabi kay Cheska, ako ang laging pinupuri at napapansin dahil daw matalino ako kumpara sa kanya lagi ko naman ineexplain sa kaniya yon na hindi kami magkakumpetensya pero ganon ang tingin nya sakin,yun din siguro ang dahilan kaya ganito ang trato ni Cheska sakin.
Pero sya ang paborito ni Mommy't Daddy.
Napagdesisyonan ko nang tumayo at umalis na. Nagpaalam muna ako saglit at pinagpatuloy na ang pag-alis.
Hindi ko ito gusto at hinding hindi ko ito magugustuhan. Gusto kong maging Attorney pero ang parents ko hindi nila yun gusto. Gusto nilang kumuha ako ng kurso na about sa business para daw may alam ako (para sa future daw). Galit na galit sila nung sinabi kong gusto kong maging atty. pero sa huli ang gusto parin nila ang nasunod.
Dalawa lang kaming magkapatid at hindi pa kami magkasundo, simula nung bata pa kami ganon na si Cheska laging galit at masungit pagdating sakin. Minsan din nya kong sinabihan na sana hindi na lang ako ang kapatid nya, but it's okay. I understand.
Hindi ko namalayan na nasa school na pala ako. Tamad akong bumaba sa kotse at kinuha na ang gamit ko. Habang naglalakad ako sa hallway isa lang napansin ko, lahat sila may kaibigan, grupo. Ako lang yata ang wala.
I don't why? Siguro dahil sa sobrang focus ko sa pag aaral nakakalimutan ko nang makipag kaibigan pero okay lang, mas gusto kong mapag isa. May mga kaibigan ako noon pero hindi yun nagtagal dahil nalaman kong ginagamit lang pala nila ako actually napapansin ko na iyon dati pa pero pinagsasawalang bahala ko 'yon dahil natatakot akong mawala sila, na iwan nila ako kasi sila ang meron ko non, sila ang natatakbuhan ko kapag nag aaway kami ni Cheska but now i realized na wag kang matakot mawalan ng kaibigan, its part of your life. May mawawala, may darating. Kung alam mo nang toxic na bitawan mo na.
Dumiretso na ko sa classroom namin at nakitang wala pa ang professor namin. Kaya napagisipan ko munang magbasa. Nasa kalagitnaan na ko ng pagbabasa nang naramdaman kong may tumabi sakin.
"Hey, Miss Beautiful. Nagbabasa ka na naman? Wala bang araw na hindi ka tutok sa mga libro mo? maingay na sabi ni Blaze - dating manliligaw ko (hindi naman ako pumayag na ligawan nya ko, sya lang ang nagpumilit) na ex ngayon ni Cheska.
Hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa, ganyan lagi sya. Ayoko sa kanya, ayoko talaga. Wala sa kanya ang mga gusto ko sa lalaki. Mayabang at Feelingero sya na ayaw na ayaw ko sa mga lalaki.
"Hey, Shaniah pansinin mo naman ako o" bulong nya sakin.
"Hey, stop that. Harapin mo nga ko" sabi nya sabay kuha sa librong binabasa ko na nagpainis at nagpagalit sakin. Hinarap ko sya gaya ng gusto nya pero hindi sa expression na gusto nyang makita sa mukha ko. I faced him with my annoying and disgusting look towards him. I hate you, Blaze. So much.
""There.. So Shaniah, are you free later? You know, its my sister's birthday today and you are invited, so.. will you come?" sabi nya habang nakangiti, mukhang tanga.
"Im not interested Blaze" tamad at walang gana kong sagot, pinapakita ko talaga sa kanya na hindi ako interesado..Magsasalita pa sana sya ng biglang pumasok ang prof namin kaya napaayos na kami ng upo at nagsimula na ang klase.
Boring......
-After 9 hours-
Dismissal, my favorite time.
Hindi ako kumakain sa cafeteria namin kahit andon na lahat ng favorite foods ko. Wala lang, daming chismosa na pagcchismisan ako wala naman silang ambag sa buhay ko.
Dumiretso ako sa isang fastfood chain.And there, my favorite spot. Mahangin kasi dito at kitang kita ang view.
Nilapitan na ko ng waiter at kinuha na ang order ko. My favorite syempre- Chocolate Cake and Ice coffee or Milktea. Habang naghihintay may napansin ako, isang lalaki na parang wala sa sarili at basang basa, hindi naman umulan ha?But i find it weird kase may mga buhangin pa sya e, para syang bago sa mundo, kitang kitang sa mata nya ang amusement sa nakikita nya. Seriously? Ngayon lang ba sya nakakita ng buildings and cars?
Nagulat ako nang biglang magtama ang paningin namin, may kakaiba akong naramdaman.. na hindi ko pa nararamdaman sa iba, ngayon lang, ngayon lang sa lalaking may berdeng mata. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Hindi nya inalis sakin ang paningin ko nang may mapansin akong isang bagay na hawak nya. OMG my phone, im sure phone ko yon dahil nung napindot nya ang gilid ng phone ko ay lumabas ang picture ko.
Wala parin syang ka alam alam sa nangyayari. Sumenyas ako ng wait lang pero hindi nya yon naintindihan kase nagsalubong lang ang kilay nya. GOSH, napagdesisyunan ko nalang na bumaba. Nakakainis, bakit ba hindi ko napansin na nahulog phone ko? aaaaa tska paano napunta sa kanya? argh.
Pagkalabas ko sa fastfood chain, wala na ang lalaki. Asan na sya? ASAAAAAN NA? hindi pwede mawala phone ko, hindi pwede. Luminga linga na ko wala talaga sya.
Aalis na sana ako para hanapin sya sa ibang lugar nang biglang may humawak sa braso ko, sa sobrang gulat ko sa paglingon ko natapilok ako sa bato aaa ang t*anga ko, namalayan ko na lang na nakasubsob na ko sa lalaking kanina ko pa hinahanap. At hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko at pinagpapawisan ako ng sobra. Nakasubsob ako sa kanyang matigas na chest at ang braso naman nya ay nakapalupot sa baywang ko, WHAAAAT? dun lang ako natauhan at biglang naitulak sya.
Omg, ano tong nararamdaman ko? Pang angat ko ng tingin sa kanya, nakatitig lang sya sakin. Ang cold ng mga mata nya at ang titig nya sakin kakaiba. Nakatitig lang sya sakin na para lang akong isang walang kwentang bagay, but im find him gwapo, yess. But isa lang pinagtataka ko, why i felt comfort? Bakit naramdaman ko sa kanya ang matagal ko nang hinahanap sa iba? Anong meron sa kanya na sa kanya ko pa nahanap,e ngayon ko lang sya nakita? LOVE AND COMFORT.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
see u next chapter mwaaa<3
thankyouu, have a nice day ❤❤
YOU ARE READING
My Peculiar Love
Fiksi RemajaSi Shaniah Avery Sanchez ay isang cold and self centered woman. Mas gusto niyang mapag-isa. Ayaw niya ng nilalapitan, pinipilit at nililigawan dahil para sa kan'ya ay mga distractions lang sila sa pag aaral nya, tutok na tutok siya sa pag aaral dahi...