KABANATA 2

20 5 0
                                        

Hindi ako makatulog kinagabihan kakaisip sa lalaking may berdeng mata. Hindi ko alam kung anong nangyayare sakin kasi kadalasan libro ang pinagpupuyatan ko hindi tao. Naguguluhan narin ako sa sarili ko kase sa tuwing maiisip ko sya bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko, napapaisip din ako kung anong pangalan nya, bakit basang basa sya? Saan ba sya galing or nagmula? Nagswimming ba sya tapos nakalimutan niyang magdala ng damit kaya sya basang basa? choss haha e bakit andami niyang buhangin? ano yon nadapa sya? joke lang haha pero hindi talaga mawala sa isip ko kung anong pangalan niya, sana makita ko ulit siya.

'Siguro gwapo din ang pangalan nya, kasing gwapo nya.

OMG KA DAI, umiling ako ng umiling sa naisip ko, bakit ba sya ang naiisip ko? Naninibago ka lang, mawawala din yan. Ikain mo na lang yan , Shaniah!

                     ♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Walang pumapasok sa isip ko habang nagkaklase kase inaantok ako. Mag aadvance lesson na lang ako mamaya. Bumabagsak na ang talukap ng mata ko pero kailangan kong pigilan kase baka mapagalitan ako ng proffesor ko, sungit pa naman non.

Bumagsak na ng tuluyan ang ulo ko sa desk at gumawa yun nang ingay para makuha ang atensyon ng aming professor, hindi lang pala professor ko kundi lahat. Lagot na!

" SHANIAH AVERY SANCHEZ, STAND UP!! sigaw ng aming professor, full name pa talaga ah, alam ko na yan kapag ganyan sya galit na sya. Ayaw na ayaw niya kasing may natutulog sa klase niya gusto niya tutok na tutok sa kanya lahat ng estudyante.

Kahiya grabe, nakatingin lahat ng mga kaklase ko sakin, siguro nagtataka sila kung anong nangyari sakin bakit nagkakaganito ako, first time ko kasing masigawan sa klase. May iba pang nakangisi at nakataas ng kilay? Inano ko kayo? Mga chismosa duh

"Shaniah, What is the octet rule and why it is important?" tanong nang aming prof. Boses nya palang nakakatakot na, at mahinahon pa yan ah paano pa kaya kung nagswitch na sya sa galit mode?Magugulantang ang buong sistema ko gosh

OMG, HUHUNESSSSS!! Mejo lutang pa ko lalo na inaantok ako, ilang segundo pa ko namental block bago ko maalala ang binasa ko nung isang araw, buti na lang hindi ako makakalimutan kundi lagot na talaga!

"T-the octet rule is a chemical rule of thumb that r-reflects the theory that main-group elements tend to bond in such a way that each atom has eight electrons in its valence shell, giving it the same electronic c-configuration as a noble gas." huminga muna ko saglit at inisip saglit kung ano ang sasabihin, inalala ko lahat nang binasa ko nung isang araw, yown! "The octet rule is important in covalent bonding because sharing electrons gives both atoms a full v-valence shell. A-All atoms strive to achieve a full valence shell, just like the noble gases. This is the most s-stable electron arrangement" hinihingal ako pagkatapos kong magsalita. Naghalo halo na ang nararamdaman ko. Kaba, Gutom, Antok lahat lahat na. Huminga ako ng malalim para mawala ang kabang nararamdaman ko.

"Okay, Very Good Shaniah. You may sit" ramdam ko sa boses nang aming prof. ang paghanga kasi nasagot ko ang tanong niya, hayss thank god! Nilingon ko ang mga kaklase ko at dun ko napansin na wala si Blaze, dahil ba sa kahapon? ay bahala sya.

"Thankyou po, Maam" tugon ko at umupo.

Hindi na muli ako inantok dahil sa naramdaman kong kaba kanina, baka makatulog na ako ng tuluyan. Lalo akong mapapagalitan. Baka hindi lang yon ang mangyari sa akin, Omg!

Nang nagdismissal, as usual kumain na naman ako sa labas, sa favorite kong fast food chain at sa favorite kong spot.

Umorder ako ng Chocolate Cake at Ice Coffee. Habang hinihintay ko ang order ko hindi ko maiwasang mapaisip na, paano kaya kung ang inaaral kong kurso ay ang gusto ko?Magiging masaya kaya ako? Hindi kaya ako magiging tamad araw araw? Paano kaya kung hindi mataas ang expectations ng family ko sakin?

Hindi ko na alam, minsan nakakatampo kasi kaya nilang kumustahin ang pag aaral ko pero ang sarili nilang anak hindi nila makamusta!  Never nilang tinanong sakin kung ayos lang ba ako? Kumusta ako sa school? Nahihirapan ba 'ko sa studies ko? Wala e, walang nangangamusta sakin!

Ngayon ko tuloy narealize kung gaano kalungkot ang buhay ko. Pero ayos lang, kaya ko ang sarili ko. Ayaw ko rin namang makasama ang mga taong lalapit lang sakin kapag may kailangan sila tapos kapag hindi ko sila matulungan iiwan nila ako, ayoko ng ganon.

Mawala na lahat, wag lang ang sarili ko. Because in the end, i only have myself. I love myself so much.

Naputol ang pagiisip ko nang ilapag ng waiter ang inorder ko, biglang nawala ang lungkot ko ng makakita ng FOOD, YUMMM!

Ngumiti ako sa waiter. "Thankyouu!"  sabi ko at binigyan siya ng tip, deserve naman niya.

Let's eat mwhehehehe

Pagkatapos kung kumain lumabas na ko at pumunta na sa parking lot. Habang naglalakad, napahinto ako nang mapansin ko si green eyed man, yess ang lalaking may berdeng mata. Hindi ako pwedeng magkamali, siya yan!

But? Hindi pa sya naliligo? Kasi parehas lang ang suot nya ngayon sa suot nya kahapon. Dali dali ko siyang nilapitan, hindi ko na pansin ang mga nabubunggo ko at hindi ko napansin na sobrang bilis pala ng lakad ko at huli ko na napansin na may papalapit na palang truck sakin, nagulat ako hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako makagalaw, na shock ako.

Napalingon ako sa pwesto ni green eyed man at nagtama ang paningin namin, ngumiti ako at pumikit hinihintay na tumama sakin ang paparating na truck.

Pero imbis na truck ang tumama sakin, isang mainit na katawan ang tumama sakin. Ang kanyang braso na nakapalupot sa katawan ko na parang pinoprotektahan ako at ang isang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot o dahil ba sa presensya nang lalaking may berdeng mata.

Sabay kaming gumulong sa daan nang hindi parin niya binibitawan ang kamay ko at ang isang kamay niya ay nakahawak parin sa baywang ko. Pumikit ako ng mariin sa sakit na nararamdaman. Hindi pa nga ako nakakarecover sa sakit ng balakang ko kahapon eto na naman, may bago na naman akong sakit na mararamdamaman. Pero iba na to.

Hindi ko pa minumulat ang mata ko dahil hindi pa ko nakakarecover at hindi ko pa maprocess ang nangyari. Muntik na akong masagasaan, muntik na kong mamat4y kung hindi lang ako niligtas ni green eyed m-- WHAAAAT? dun lang ako napamulat at sumalubog sakin ang kanyang mga berdeng mata, sa pagkakatitig niya sakin parang sinusuri niya ako, or nag aassume lang ako? Di bale, hindi na importante yon.

Agad akong napatayo nang marinig ang bulungan ng mga tao, agad akong napa aray nang maramdaman ang sakit ng balakang at paa ko, muntik na naman akong matumba pero nasalo ni green eyed man ang baywang ko, sa sobrang gulat ko mabilis akong napahawak sa braso niya, nanginginig pa ang mga kamay ko at napansin niya iyon.

Nahihilo ako, ang sakit nang ulo ko. Hindi ko alam kung anong uunahin kong hawakan, ang kamay kong may sugat at nanginginig, ang balakang kong masakit o ang paa kong may sugat din.

Hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari dahil bigla na lang dumilim ang lahat pero bago pa bumagsak ang talukap ng aking mga mata ay narinig ko ang isang salita na hindi ko inaasahang sasabihin ng isang lalaking may berdeng mata.

"Sha Sha?!"

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
see u next chapter mwaaa
thankyouu, have a nice day ❤❤

My Peculiar LoveWhere stories live. Discover now