Nagising ako sa isang puting kwarto, puro puti at mejo malabo ang nakikita ko. Nang unti unting luminaw ang nakikita ko ay nilibot ko ang paningin ko. Nasaan ako? Anong nangyari?
"Anak? Kumusta pakiramdam mo?"nagulat ako sa nagsalita at paglingon ko sa gilid ko ay nakita ko si Mommy na puno ng pag alala ang mukha.
"Hija, anong gusto mo? Ipapabili kita sa Dad mo." nilibot ko ang paningin ko sa room at dun ko napatunayan na nasa hospital ko hayss pero wala naman si dad, parang nabasa ni Mom ang nasa utak ko "Wala pa ang Daddy mo dito anak, may inasikaso lang" tumango na lang ako biglang sagot, wala pa akong ganang sumagot.
Biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Cheska na, as usual nakataas na naman ang kilay sakin.
"Hi Mom, anyare dyan?" masungit niyang tanong sabay turo sakin. Sa tanong na iyon ni Cheska bumalik ang lahat bago ako nahimatay.
"Muntikan nang ma aksidente buti na lang niligtas siya nung lalaki, kasama nga nung Dad mo e hindi pinapaalis kahit kanina pa gustong umalis" OMG si green eyed man? andito siya? Asan sya? Gusto ko siyang makita.
Dali dali ang pagbagon ko,wala na akong pakealam kung ano man ang nakatusok sa katawan ko. Dali dali naman lumapit si mommy para pigilan ako. Nilingon ko siya at kitang kitang ang pagtataka sa mukha pero hindi yan ang concern ko ngayon, im sorry ma! Kailangan kong makita si green eyed man.
Para saan Shaniah?
Bigla akong napahiga sa tanong na pumasok sa utak ko! Bakit nga ba? Para magpasalamat? Im sure nagpasalamat na ang parents ko pero gusto ko padin na ako mismo ang magpasalamat sa harapan niya, pero hindi e. Alam ko sa sarili ko mismo na hindi lang iyon ang dahilan, may mas malalim pa.
Shaniah bakit? Kahapon mo palang sya nakita, nakita lang at hindi mo pa sya kilala. Ni pangalan niya nga hindi mo alam tapos nagkakaganito ka na?
Anong nangyayari sayo Shaniah? Muntik ka nang mamatay dahil lang sa pagmamadali na maabutan si green eyed man. Sabihin na nating niligtas ka niya pero sya parin ang dahilan.m
"Anak, ayos ka lang ba? Anong nangyayari sayo?" tanong ni Mommy, sasagot na sana ako ng "yes, im fine" pero naunahan ako ni Cheska, hayss.
"Okay na yan, Mommy. Hindi naman malala ang nangyari sa kanya, ayan o buhay na buhay pa" masungit na tugon ni Cheska nang hindi kami nililingunan, busy sa cellphone.
"Cheska!!" nagbabantang tinig ni Mom kay Cheska. Lumingon sa amin si Cheska nang galit na ang expression!
"WHAT!? Ako na naman ang mali ha mommy? Sinasabi ko lang naman ang totoo ah, na okay na okay sya? anong mali don?! galit na sigaw Cheska, anong ikinagagalit niya? May binulong pa sya na hindi na namin narinig. Ano na naman nangyari sa kaniya?
Sasagot pa sana si Mommy nang biglang bumakas ulit ang pintuan at iluwa nito si Dad at ang taong kanina ko pang gustong makita. Agad nagtama ang paningin namin pero ako agad ang umiwas dahil hindi ko kayang titigan sya, dahil tuwing nagtatama ang paningin namin bumibilis ang tibok ng aking puso.
"Hija, tell me now what happened to you earlier? Anong ginagawa mo sa lugar na iyon?" utos ni Daddy, sa boses nya palang pinapakita na niya dapat mo nga syang katakutan at sundin.
Hindi man lang muna ako kinamusta hayss :(
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Paano ko sasabihin sa kaniya na ang dahilan bakit ako nagkaganito ay dahil nagmamadali akong puntahan ang lalaking katabi niya na walang ginawa kundi ang tumitig sakin.
"Dad, hindi na iyon importante. Okay naman na ako e" sabi ko, pls maniwala ka Dad dahil hindi ko talaga alam kung paano ieexplain sa kaniya.
"Baka naman nakikipagdate? or nakipagkita sa 'boyfriend' niya? sabat ni Cheska , hindi ko alam kung guni guni ko lang pero parang may diin sa salitang boyfriend? Iniisip niya ba na boyfriend ko si Blaze? No way.
Napalingon si Daddy sa kanya at nang ibalik niya ang tingin niya sakin ay galit na ito.
"Dad hindi po iyon totoo, actually kumain lang po ako sa fastfood chain don dad wala po akong boyfriend at mas lalong wala akong kadate, dad maniwala ka!! tuloy tuloy na sabi ko kay Dad. Hindi ko alam kung bakit naisip ni Cheska na may boyfriend or kadate ako.
Magsasalita pa sana si Daddy nang biglang nagsalita si green eyed man.
Sir, I'm sorry but what Shaniah said is true, I saw her there just eating and when she came out she just didn't notice the oncoming truck so she's here now, it's a good thing she didn't get badly wound" explain ni green eyed man kay Dad, nilingon naman sya ni Dad at binalik na niya ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung kikiligin ako. kase binanggit niya ang name ko. Napalingon ako kay Cheska na kanina pa pala nakatitig sakin nang nagtama ang paningin namin ay tinaas nya lang ang kilay niya at iniwas ang tingin? anyare don?
"Totoo ba yon hija?" tanong ni Dad. OMG ka dad kakasabi ko lang diba, pero hindi ko na sinabi yon tumango na lang ako. Ang bilis mo naman maniwala sa kanya Dad, hindi naman sa hindi sya kapani paniwala ang ibig ko lang sabihin ay agad syang naniwala, hindi kaya siya nagduda? or maisip man lang na pinagtatakpan niya lang ako? Pero hindi e, sa reaction palang ni Dad, alam ko na e.
"Your are the one who saved Ate shaniah earlier, right? mahinahon na sabi ni Cheska, And yes, she use the "ate"word because our parents are here. Nilingon ko si Cheska na titig na titig kay green eyed man. Wala namang nagawa si green eyed man kundi ang tumango.
"Salamat nga pala hijo. Kumain kanaba hijo? tanong ni Mommy, tumango lang ulit si green eyed man at binalik ang tingin sakin. Tamad naman nyang magsalita. Tska bakit niya ba ako tinititigan? enebe, char.
Umalis din agad si Dad dahil may aasikasuhin pa daw sya, hindi ko alam kung ano ang inaasikaso niya. Nagiging busy na nga siya e, siguro sa company. Pati si green eyed man umalis na rin hindi man lang ako nakapag thankyou sa kanya, nakakahiya kasi. Tska bukod don nakatingin ang pamilya ko kay green eyed man kasi naman po nakatitig lang sya sakin, ganon ba ko kaganda para titigan mo green eyed man? choss HAHAHAHA
Kami na lang nina Mommy at Cheska ang nandito sa room, minu minuto yata akong tinatanong ni Mommy kung anong gusto kong kainin, paulit ulit din naman ang sagot ko "Mom busog pa 'ko"
"Anak,kanina ka pa walang kinakain. Hindi ka pa ba nagugutom? ang kulit naman ng nanay ko haha! Pero naappreciate ko ang ginagawa niya, kahit maingay ang nanay ko maalaga naman 'to samin. Ganito talaga ang mga nanay hindi sila mapapakali hanggat hindi nakikita na maayos ang kanilang mga anak.
"Mom,hayaan mo na nga siya.Masyadong pabebe, kung ayaw nya pa kumain hayaan nyo, kakain din yan kapag nagutom" sabat ni Cheska, habang nagaayos ng kuko kasi may lakad daw sya mamaya tinanong ko nga kung saan ang sagot naman niya ay "wala kang pakealam".
Nabobored na ko, sinabi nang doctor bukas palang daw ako makakalabas so it means hindi ako makakapasok sa school. Anong gagawin ko buong maghapon? Matulog?Umay.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako dahil nagising na lang ako na nakapatay na ang mga ilaw sa room at wala nang tao dito.Ako na lang mag isa. Minsan ayaw kong magisa ako dahil kapag mag isa ako nagiisip isip ako ng kung ano anong bagay na makakapanakit sa akin, emotionally.
Pero mas gusto kong mapag isa dahil nagkakaroon ako ng peace of mind.
Pero kanina ko pa ito pinagtataka kasi kanina tinanong ni Daddy kung anong pangalan ni green eyed man pero nag sorry lang si green eyed man at nagmamadaling umalis na.
Kahit si Mommy at Daddy naguluhan din sa inasta ni green eyed man lalo na ako.Sinabihan pa nga ni Cheska nang weird e.
Sino ka ba talaga green eyed man? Bakit ayaw mong sabihin ang pangalan mo?Ano ka ba talaga?
YOU ARE READING
My Peculiar Love
أدب المراهقينSi Shaniah Avery Sanchez ay isang cold and self centered woman. Mas gusto niyang mapag-isa. Ayaw niya ng nilalapitan, pinipilit at nililigawan dahil para sa kan'ya ay mga distractions lang sila sa pag aaral nya, tutok na tutok siya sa pag aaral dahi...