KABANATA 11

12 2 1
                                    

Napatulala ako, hindi lang ako matatauhan nang magsalita sya ulit.

"Hey, andyan ka pa ba?" tanong niya, halata na ngayon sa boses niya ang antok. E bakit tinawagan niya pa ako kung inaantok na sya?

"Ah Y-Yes, HAHAHA" tumatawa tawa pa ako na parang nawala na sa katinuan.

"Where will I wait for you? In front of the school or in the fast food chain? tanong niya. Hihintayin niya ako? wow!

"Sa fastfood chain na lang hehe yes dun na lang" sagot ko. Akala ko hindi na siya magsasalita pero nagkakamali ako.

"Have you eaten?" tanong niya na nagpangiti sakin ng bonggang bongga, bakit niya tinatanong enebe hehe concern na sya sakin ah, tska wow kakasabi ko lang kanina na walang nagtanong sakin tapoa nyayon eto si Dash tinatanong kung kumain na ba ako hihi.

"Yes, how about you?" hindi ko namalayan na ang girly na pala ng boses ko; parang pabebe. I heard him chuckled, pati pagtawa niya ang gwapo.

"Yah" feeling ko nakangiti sya ngayon, happypill na ba niya ako ahihi. Wala na akong ibang sasabihin at ayaw ko rin namang magmukha akong pabebe kaya ako na ang magbababa ng tawag.

"Ahm Dash, Goodnight. See you tomorrow" nakangiti kong sabi, hindi ko alam bat ako nakangiti ngayon e tinanong niya lang naman kung kumain na ako. Masamang pangitain na to hshs.

"Okay, Goodnight. Sleepwell!" naghintay muna ako kung may sasabihin pa sya pero wala na kaya pinatay ko na ang tawag.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at umakyat na, nawala sa isip ko na wala pa pala ang magulang at kapatid ko pero hayaan na, basta masaya ako.

Naligo muna ako bago at pagkatapos at humiga na, hindi na ako kakain tutal nag dadiet naman ako. Bago ako matulog ay nagpray muna ako and i thank god kase nakilala ko si Dash, si Dash na nagagawa sa akin ang mga hindi nagagawa ng iba. Si Dash na nagpaparamdam sakin na hindi ko pa nararamdaman sa iba. You make me happy,Dash that what other's can't do. OA na kung OA pero ganon ang nararamdaman ko. Simula nung nakilala ko si Dash lagi na lang akong natutulog nang nakangiti haha

Kinabukasan ay alas siyete palang nakagising na ako. Naghilamos na muna ako bago bumaba, wala parin sila. Nagluto ako ng almusal ko, nag toast ako ng tinapay, nagfried ako ng rice, egg and bacon and nagtimpla ng kape. Let's eat mwhehehe!

Habang kumakain ay may narinig akong nagbukas ng gate, kukuha na sana ako ng kaldero para panangga kung sino man ang nagbukas ng gate pero narinig ko ang boses ni Mommy, waah andyan na sila.

Dali dali akong lumabas at napahinto ako ng makita silang tatlo, again. Mommy, Daddy and Precious. May dala dala silang 3 bag, na ginagamit lang namin kapag lalabas kami ng bansa. Saan sila galing? Nagtataka ko silang tinignan.

"Saan po kayo galing, Mom?" hindi ko alam kung nahahalata ba nila na pilit ang tawa ko. Pero yumuko lang si Mom. "Dad? baling ko kay Dad at diretso siyang tinignan sa mata, pero hindi sya sumasagot. Yumuko ako, gusto ko tawanan ang sarili ko dahil nagmumukha na naman akong tanga sa harapan nila.

"Ate, hindi namin nasabi sayo sorry kase tulog ka pa e, nahihiya naman kaming gisingin ka and pumunta nga pala kami sa Paris and im sorry again for not telling you" sabi ni Cheska sabay ngiti. Nagbabara ang lalamunan ko at nangingilid ang luha ko, hindi pa ako nasanay.

"Okay lang, nag enjoy ba kayo? syempre nag enjoy kayo, nakalimutan nyo nga akong itext e pero it's okay, i understand.

"Oo naman, bakit naman kami hindi mag eenjoy diba? And sorry ate mamaya na lang tayo magchikahan pagod kasi kami ngayon e" sabi niya, tumango naman ako at ngumiti.

"Ah, osige osige magpahinga na kayo, oo nga pala Mom, Dad aalis po ako ngayon" saad ko, nakayuko lang si Mom sakin at hindi sya sumagot habang si Dad naman ay tango lang ang isinagot sa akin. "Wala ba kayong dalang pasalubong dyan?" biro ko pa kahit gustong gusto ko nang umiyak.

Tumawa si Cheska "Oo naman ate" may kinuha sya sa bag niya, at ibinigay sakin iyon. Isang tshirt na may tatak na "I ♡ PARIS at isang keychain na kaparehas ng tatak sa tshirt.

"Salamat" nakangiti kong tugon. Hindi na sila sumagot at tumabi na lang ako para makadaan sila. Pagka alis nila ay bumuntong hininga ako ng malakas, ang bigat ng nararamdaman ko ngayon.

Dumiretso ako sa kusina para hugasin na ang pinagkainan ko, habang naghuhugas ay biglang bumuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan, Bakit sila ganon? Anak din naman nila ako ah?

Halos tumakbo na ako para lang makarating agad sa kwarto ko, dumiretso agad ako sa cr pagkapasok at nilock ang door at dun umiyak ng umiyak.

Tinignan ko ang sarili ko salamin ko kitang kita ko na ang pamumula ng mga mata ko, sinampal sampal ko pa ang sarili ko para mapatahan ko ang sarili ko at bumulong bulong na "Ayos lang yan" dahil wala namang ibang gagawa non kundi ako lang.

Naligo na ako at nagbihis na. Nagsuot lang ako ng white off shoulder dress na hanggang tuhod at isang white sandals at isang sling bag. Hinayaan kong nakalugay ang buhok at inipitan ko na lang nang isang white na clip na  rectangle ang shape. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin and hindi naman siguro nila mahahalata na umiyak ako unless kung tititigan nila ako.

Bumaba na ako at dumiretso na sa sasakyan ko, bago ko paandarin ang sasakyan ay tinawagan ko muna si Dash.

Wala pang ilang minuto ng sagutin na 'yon. "Hello, andyan ka na ba? tanong ko sa kanya. Ilang segundo bago sya sumagot.

"Yeah" tipid niyang sagot. Sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako bigla.

"Okay, im on my way there, See you. Byee!" hindi ko na sya hinayaang sumagot at pinatay ko na ang call. Inistart ko na ang sasakyan at nagdrive na papunta kung saan sya naghihintay ngayon.

Pagkarating ko don ay nakita ko sya agad sa labas, seryoso sa labas lang sya naghintay hindi sa loob? Pinagmasdan ko syang mabuti and he's wearing a white long sleeve na nakatupi hanggang sa siko niya, black faded jeans and a white sneakers. At wow naka salamin pala talaga sya at facemask. Ayaw niya ipakita mukha niya?

Bumaba ako sa sasakyan at kinawayan ko sya. Sumenyas sya sa akin na hintayin ko sya dito kaya hindi na ako nagtangkang lumapit pa.

Nang nakalapit sya ay na amoy ko agad sya, ang bango niya. Ngumiti ako sa kanya pero hindi ko alam kung anong expression niya ngayon pero base sa galaw ng ulo niya ang pinagmasdan niya ako, heat to foot. Na concious tuloy ako sa suot ko ngayon, ano ba yan!

"Hi, have you eaten?" tanong ko sa kanya. Tango lang naisagot niya sa akin.

"So.. Let's go?" nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko at alam ko na ang ibig sabihin niyan, ibinigay ko sa kanya ang susi at nauna nang sumakay sa sasakyan. Nang nakasakay na sya ay agad niyang istart ang sasakyan.

Nagulat ako ng bigla syang bumaling sa akin nang biglang natraffic. "Ayos lang yan" huh? "Kung ano man ang problemang dinadala mo, malalagpasan mo din yan" sabi niya na nagpatulala sa akin. Paano niya nalaman na may problema ako? Hindi ko sinabi sa kanya na may problema ako, kahit kailan hindi ko sinabi sa kanya at paano niya nalaman na malungkot ako?

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
See u next chapter mwah
Thank You, Have a nice day <3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Peculiar LoveWhere stories live. Discover now