Thursday ngayon wala kaming pasok. May meeting yata lahat ng mga proffesors namin sa school. Habang naiisip ko ang nangyari hindi ko maiwasang kiligin, kyaaa
~Flashback~
"Nga pala Dash, nung napulot mo ang phone ko, saan mo napulot iyon? Hindi ko kase namalayan na nahulog Hhahah nagulat nga ako kase hawak mo hahaha" tawa ako ng tawa kahit wala namang nakakatawa, nababaliw na yata ako.
"Sa parking lot ng fastfood chain" tipid niyang sagot. Kahit tipid siya sumagot hindi parin ako nagsasawang magsalita ng magsalita. Hindi ako ganito kadaldal, nagsasalita lang ako kapag may kailangan.
Pero sa lalaking 'to kahit walang ka kwenta kwenta tinatanong ko, kahit minsan may mga tanong na hindi niya sinasagot, naiintindihan ko naman.
Nang matapos na kaming kumain ay sabay na kaming lumabas, nasa likod ko parin sya. Nang nasa tapat na ako ng sasakyan ko ay niyaya ko na siyang sumabay sa akin pero tumanggi siya.
"Ahm Dash, sana hindi ito ang huli" naglakas loob na 'ko, nakatitig lang sya sa akin at walang ibang sinasabi. Parang mali yata ako ng natanong. " Sorry, salamat nga pala sa time mo" sinsero kong sabi. Hindi ko alam kung papasok na ba ako sa sasakyan or what. Papasok na sana ako nang bigla siyang magsalita kaya napalingon ako sa kaniya.
" Sa sunday, 9am. Dito na lang tayo magkita" what the fudge? tama ba ang narinig ko? magkikita kami ulit? siya ang nagyaya? OH MY GOODNESS HUHUNESSS kyaaaaa, ngumiti ako ng pagkalapad lapad.
"Sige" agad kong sagot, napansin niya siguro kung gaano ako kasaya kaya umiling sya ng umiling, naiisip niya siguro na ang babaw ko, pero wala na akong pakealam don.
Nagpa aalam na 'ko na aalis na, nang sumakay ay binuksan ko muna ang window ko at inistart na ang sasakyan, tinulungan niya ako sa pag atras ko at nagsesenyas sya, nang nasa highway ay kumaway na ko at tumango naman siya. OMG, ANG SAYA KO!!!
~End of Flashback~
Kaya ngayon ay nagiisip na ako kung anong susuotin ko at tinatapos ko na lahat lahat ng assignments ko para sa sunday ay wala na akong gagawin. Excited na 'ko.
Tinawag na kami ni Mommy para sa lunch at sinabi ko naman sa kaniya na susunod na ako. Pagkababa ko ay napansin kong wala si Precious, si Mommy at Daddy lang ang nasa hapag. Asan kaya iyon?
Nang nakaupo na ay ang ulam namin ay Pinakbet at Pritong Tilapia. Napansin kong nakatitig si Daddy sa akin pero nang nilingon ko naman sya ay umiwas naman sya ng tingin.
Nagsimula na kong kumain, kumakain lang kami ng tahimik. Kaya kong tumahimik ngayon at hindi ako naawkward! Walang umiimik ni isa sa amin hanggang sa matapos na ako, tumayo na ko at dumiretso na sa sink para ilapag ang pinagkainan ko at dumiretso na sa room ko, wala naman akong gagawin kundi ang matulog na lang.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil baka malate na naman ako. Dumating ako sa school, tama lang ang oras.
May napansin akong babaeng nagkakagulo at tili ng tili, anong meron?
May narinig akong bulungan sa gilid gilid.
"may bagong transferee at ang gwapo, OMG!!! kaso mukhang masungit" sabi ng isa.
"Truee, ako nga nilagpasan lang kanina. Sa ganda kong 'to lalagpasan lang ako?" sabi naman ng isa, sabay flip hair. Kapal!
May bago? Sino naman kaya iyon? Pero hindi ako intresado, sino ba iyon?
Nang nakapasok na sa room ay napahinto ako sa pagpasok ko, natulala ako sa nakita ko. Gulat na gulat ako, pinagtitinginan na ako ng mga kaklase ko at nagtataka sila sa itsura ko.
Nakatitig lang ako sa lalaking may berdeng mata, sya ba ang tinutukoy nilang transferee? Kung siya iyon, binabawi ko na ang sinasabi ko na hindi ako intresado.
Hindi lang ako matatauhan ng biglang nagsalita ang Prof ko sa likod ko. Sa sobrang gulat ko ay napapa pasok ako bigla, nakakahiya. Napalingon ako kay Dash na may nakakaloko nang ngisi ngayo, Aba!
Tiningnan ko naman sya ng masama at yown, nawala ngisi niya. Akala mo ah.
Bago magumpisa ang klase ay tinawag muna ng Prof. namin si Dash para magpakilala. Nagpakilala naman siya, kailangan e.
Nang nagbreak ay andaming lumapit na girls sa kaniya, nakakairita kayo ah. Pero pinagtataka ko lang, halatang mas matanda sya sa akin pero bakit magkaklase kamk ngayon? Repeater?
Lumapit ako sa nagkukumplang mga babae at nakita ko si Dash na mukhang nababadtrip, napalingon siya sa akin. Mabilis ko siyang hinila paalis sa mga nagkukumpulang babae at lumabas.
Hinarap ko siya at naabutan ko siyang nakatitig sa akin. Tss.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na mag aaral ka pala dito? tanong ko sa kanya. OMEGED, mali. Ano ba niya 'ko parang sabihin sa akin? "Nevermind, tara na nga" May 2hrs break kami at pwede kaming lumabas. Nagulat ako nang si Dash na ang humawak sa kamay ko at hilahin ang kamay ko. Nang nakarating kami sa parking lot ay nilahad niya ang kamay niya, naguluhan pa ako nung una pero nung tinuro niya ang sasakyan ay binigay ko na ang susi.
Hindi ko alam saan kami pupunta dahil hindi naman niya sinasabi basta drive lang sya ng drive. Napatingin ako sa kanya habang nagdadrive at ang hot niya tignan kase ang seryoso niya at sa daan lang sya nakatingin.
10 mins yata ang nakalipas bago himinto ang sasakyan sa isang bahay. Lumang bahay na ito at mukhang napabayaan. Lumabas na kaming dalawa at hinila na naman niya ang kamay ko papasok sa malaking gate.
Pagkapasok namin ay dumiretso kami sa likod ng bahay, nadatnan namin doon ay isang malawak na espasyo, puro damo lang. Sa hindi kalayuan ay may nakita akong ilog at ang linaw ng tubig.
Mainit ang panahon pero dito hindi mo mararamdaman ang init dahil ang hangin at presko, dahil madaming puno. May isang malaking puno na may duyan don, dumiretso ako don at walang pag aalinlangang ibinato kay Dash ang bag ko, sinalo naman niya.
Sumampa na ako sa duyan at tinulak para gumalaw, ng nakikitang gumagalaw na ay pumikit ako para damhin ang hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Kanino kaya bahay ito? Bahay niya?
Nang nagmulat ay nakita ko na syang nakauopo sa ilalim ng puno at nakatitig sa akin. Napansin ko ang bag kong nasa binti niya ay wow pero ang bag naman niya ay nasa gilid niya, nasa damuhan.
"Bahay mo ito? Bahay niyo?" tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya bilang sagot. E, kanino bahay to kung hindi sa inyo? nagugulahan kong tanong.
"Wala nang nakatira dito?" tanong ko.
"Wala na" tamad niyang sagot. Ilang minuto kaming natahimik nang biglang:
"May uod sa ulo mo" sigaw niya, nataranta ako hindi ko alam ang gagawin ko. Sa sobrang taranta ko ay napatalon ako at bumagsak sa kaniya, sa ibabaw niya.
WHUUUUUUT?
Pareho kaming nagulat, pero hindi ko malaman bakit natitigan ko siya bigla. Bumilis ang tibok ng puso ko, pinagpapawisan ako ng sobra, parang may kung ano sa tiyan ko, basta hindi ko maexplain.
Ako na ang unang umiwas at mabilis na umalis sa ibabaw niya. Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko. what the fudge? ah siguro dahil sa init, oo dahil lang doon.
Awkward.
"A-ahm tara na, baka m-malate p-pa tayo" nauutal na sambit ko, nahihiya ako sa totoo lang pero kailangan ko lang labanan dahil magkasama pa kami sa sasakyan.
Tumayo na siya at kukunin ko sana ang bag ko pero sinenanyas niya lang kamay niya na wag na, wala naman akong nagawa dahil isinabit na ni Dash ang bag ko sa kaliwang balikat niya. Nauuna siyang maglakad sa akin at nasa likod niya lang ako. Pinagmamasdan ang malapad niyang likod.
Ang hot niya!!
Nang nakalabas kami ay sinarado na niya ang gate at sumakay na kami sa sasakyan.
Ayaw ko mang aminin pero kinilig ako kyaaa!!
♡♡♡♡♡♡♡♡♡
see u next chapter, mwaa
Thankyou, have a nice day
YOU ARE READING
My Peculiar Love
Teen FictionSi Shaniah Avery Sanchez ay isang cold and self centered woman. Mas gusto niyang mapag-isa. Ayaw niya ng nilalapitan, pinipilit at nililigawan dahil para sa kan'ya ay mga distractions lang sila sa pag aaral nya, tutok na tutok siya sa pag aaral dahi...