Pagkabalik namin sa school ay hawak pa rin niya ang bag ko, ayaw niyang ibigay. Sabay kaming naglalakad ngayon sa hallway at gosh pinagtitinginan kami ng mga tao, ano ba mga pips? ay lah shaniah?
bet me be kese hewek beg ke, choss!
Nahihiya na 'ko sa totoo lang dahil hindi ako sanay sa atensyon na binibigay ng mga tao sa 'kin. Tinignan ko ang mga tao halos lahat babae at lahat sila nakataas ang kilay na nakatingin sa akin, napayuko ako bigla dahil sa kahihiyan....
Nasa likod lang ako ni Dash, ayaw kong lumapit masyado sa kanya baka ano na namang isipin ng mga echosera dito. Nakarating na kami sa room at dun palang niya binigay ang bag ko. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari edi sana hindi ko na binigay sa kaniya to.
Saktong pagkaupo namin ay syang dating ng Prof namin. Umayos na kami ng upo at nagsimula na ang klase.
Hindi ako makapag concentrate dahil bukod sa nagugutom ako ay hindi ko mapigilan na lingunan si Dash. Seryoso sya habang nakikinig sa nagtuturo sa harapan. Salubong pa ang makapal niyang kilay.
Pogi mennn!!
Napaiwas bigla ako ng tingin nang lumingon sya direksyon ko. oh my! Nakita niya ba na nakatitig ako sa kanya? Wag naman sana huhu!!
Nang lingunin ko huli sya ay nakatitig parin sya. Whaaaat? Nagtama ang paningin namin at nagtaas lang sya ng kilay at ako naman ang nginitian sya ng bonggan bongga at niwave pa ang kamay as a sign of "hello". Lalong nagsalubong ang kilay niya at sinesenyas niya ang Prof namin.
Napalingon ako sa Prof namin at huwaa para akong binuhasan ng malamig na tubig dahil nakatingin sya sa akin, Whyyy? Kinabahan ako bigla.
"Ms. Sanchez, What are you doing?" istrikta niyang tanong. Lalo tuloy ako kinabahan.
"Im sorry, Maam" nagsorry na lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nakita niya ba na tinitignan ko si Dash, huhu pero sa reaction niya palang nasisiguro kong nakita niya nga.
Nakarinig ako ng hagikgikan sa likod ko. Pinagtatawan ba nila 'ko? Mga echoserang palaka. Nilingon ko sila nang nakataas ang kilay at ang mga makakapal ay hindi man lang natinag, ay wow!
"Why y'all laughing?" mataray at naiirita kong tugon. Nababadtrip na 'ko sa mga babaitang to. Hindi talaga ako mataray pero sa paraan ng pagtawa nila, nakakainsulto.
Tumaas naman ang kilay nang isa, ang kapal pa naman ng make up, mukhang barbie'ng hindi nabenta hahaha "Wala kang pakealam Shaniah kung gusto namin tumawa and besides your face is funny! natatawa nitong tugon. Sa sobrang inis ko ay napatayo ako ng wala sa oras, huli ko napagtanto na nasa classroom pa pala ako at gosh nakatingin silang lahat sa akin, including my professor.
Lupa lamunin mo na ako huhuhu!!
Nilingon ko si Dash na takang taka sa nangyayari, kunot na kunot ang kilay niya. Lalo akong kinabahan nang iutos ng Prof ko na lumabas daw ako huhuhu, whyy me? Kasalanan ng mga echoserang palaka na nasa likod ko!!
Wala akong nagawa kundi ang sundin ang iniuutos ng prof ko, hiyang hiya na 'ko. Ano ba naman kasi ang pinaggagawa mo, Shaniah? Hindi ba pwedeng ipirmi mo na lang ang atensyon at mga mata mo sa Prof? Naku Shaniah ah!
Nakaupo ako ngayon sa ilalim ng puno at maghihintay pa ako ng 40 mins dito bago pumasok ulit sa room. Kinakabahan talaga ako baka umabot kay Dad ang nangyari ngayon at grabe first time ko 'to.
Pumikit ako at dinama ang malamig na simoy nang hangin, magpapasko na. Naramdaman kong may tumititig sa akin at dahang dahan kong minulat ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang mga berdeng mata na parang ang daming sinasabi, sinasabi na hindi niya kayang sabihin sa mga tao gamit ang kanyang bibig.
Kitang kita ko sa mga mata niya ang halo halong emosyon, lungkot, pighati, emptiness, sakit at sa hindi ko malamang dahilan ay sumakit ang puso ko, naramdaman ko ang lungkot niya na hindi man niya sinasabi pero ramdam ko.
"Dash? Whyy?" tanong ko na hindi inaalis ang titig ko sa kanya. Kumunot lang ang kilay niya, nagtataka kung anong sinasabi ko. "Are you okay? Are you Sad?" mahina kong tanong sa kanya. Nawala ang pagkakunot at emosyon sa kaniyang mga mata at napalitan yon ng blangko at walang emosyong mukha at mga mata.
"Let's go Shaniah" tumayo sya at nilahad niya ang kaniyang kamay sa harapan ko. Change topic huh, bakit kaya ayaw niyang pagusapan yan, pero hindi ako titigil. Not now!
"You know Dash, you can always open up to me. It's okay to not be okay, okay lang na umiyak, okay lang na maging malungkot ka, okay lang na ipakita mo sa mga tao ang totoong nararamdaman mo. Ilabas mo yan Dash, wag mong kimkimin, andito lang ako ah" sabi ko sa kanya, tumayo at tinapik ang balikat niya at nauna nang naglakad.
Nilingon ko sya at nakatitig lang sya sakin. "Woi ano na? Tara na, tara sa tambayan" sigaw ko sa kanya, hinagis ko ang bag ko sa kanya at as usual sinalo naman niya. Ngayon ko lang napansin na dala dala pala niya ang bag niya, anyare dito?
Bumuntong hininga sya ng malakas at lumapit na sa akin. Nagulat ako ng hinila niya ang kamay ko, hindi lang basta hila dahil nakahawak na sya sa kamay ko. Napatulala naman ako sa kanya, nilingon niya ako at napailing iling sya sa reaction ko at hinila na ako palayo.
Omg HAHAHAHAHA kakagaling lang namin kanina ngayon babalik na naman kami, well ang sarap kasi tumambay doon e, ang presko at nakakarelax. Lalo na kapag nasa duyan ka, parang wala kang problema na dinadala!
Nang nakarating kami don ay nauna syang lumabas sa sasakyan at binuksan na ang gate, agad akong lumabas ng sasakyan at sumunod na. Mabilis akong tumakbo sa damuhan at gumulong gulong.
Whoaaaa ang sarap sa pakiramdaman!!
Tumatawa pa akong tumayo at inayos ang palda ko, sa duyan naman ako didiretso. Nalingunan ko naman si Dash na nakangising nakatitig sa akin, iniisip siguro neto na isip bata ako, chee!
Umupo ako sa duyan at ginalaw galaw na, sumunod naman sya sa akin at umupo sa ilalim ng puno.. Akala ko ako na naman ang magpefirstmove pero himala hindi, sya ang nagfirstmove na magsalita.
"Shaniah? tawag niya sa akin, napalingon naman ako sa kanya at tumaas ang kilay ko dahil titig na titig sya sa akin. "Sa sunday? Are you free? mahinahon niyang tanong, nagulat naman ako dahil muntik ko nang nakalimutan ang usapan namin sa Sunday, oo nga pala haysss.
"Of course im free and saan pala tayo pupunta sa sunday? 9:00 am right?" tanong ko sa kanya. Tumango naman sya at akala ko hindi niya sasagutin ang unang tanong ko sa kanya pero nagkakamali ako.
"Sa church" his soft voice makes me kilig and i feel the butterflies on my stomach, What was that? Napatulala ako sa sagot niya sa akin? Sa Church? Andami nang nagyaya sa akin makipagdate ( na lagi ko naman tinatanggihan) pero wala akong naririnig ni isa sa kanila na magyayaya sa akin sa church, ngayon palang.
At wow, hindi ako palasimba at minsan nakakalimutan ko na rin yon dahil sa sobrang busy ko pero dahil sa lalaking to, pinaalala niya sa akin ito. God? Ginamit mo ba sya para masabi sa akin na kailangan ko nang magchurch? And feeling ko napapalayo narin ako kay God, Thankyouuu Dash and yes sasama ako!
"Yes of course sasama ako sayo" excited kong tugon, napangiti naman sya sa sagot ko.
"Good, We will worship the Lord together" nakangiti niyan tugon. Sa mga oras na yon dun ko naramdaman ang tunay na saya, ngayon palang. Nawala ang bigat sa aking puso at guminhawa ang pakiramdam ko. Lord thankyouuu dahil nakilala ko si Dash, si Dash na hindi ko aakalain na tutulungan akong mapalapit kay Lord!
And I don't want to admit it but I know in myself that I already have feelings for this man.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
see u next chapter, mwah
Thankyou, Have a nice day!Thankyou po for reading and i hope nageenjoy kayo sa pagbabasa! This is my first story po kaya makakakita po kayo sa bawat chapters ng typo, wrong grammar etch and sorry po for that. And if want nyo po magcomment kung anong masasabi nyo about sa story na to, Go lang!! Keepsafe mwah
YOU ARE READING
My Peculiar Love
Teen FictionSi Shaniah Avery Sanchez ay isang cold and self centered woman. Mas gusto niyang mapag-isa. Ayaw niya ng nilalapitan, pinipilit at nililigawan dahil para sa kan'ya ay mga distractions lang sila sa pag aaral nya, tutok na tutok siya sa pag aaral dahi...