11. The Parents

93 11 3
                                    

Aryana Solenn Valencia

“Solenn! Wake up!”

I immediately woke up when I heard Sean’s knock. Malalakas iyon at mabibigat. Napatingin ako sa orasan at hindi ko namalayang tanghali na pala.

Shit! My morning shift!

Mabilis akong napakilos at napaderetso sa banyo. Napatingin pa ako sa sarili ko sa salamin, magdamag pala akong umiyak. I took a quick shower.

Naririnig ko pa rin ang sunod-sunod na pagkatok ni Sean sa pintuan ko. Sa paraan ng pagkatok ni Sean, parang may masamang nangyari.

Binuksan ko agad ang pintuan pagkatapos kong magbihis. Agad na sumalubong sa akin ang matamlay bagaman natatarantang mukha ni Sean.

Nangunot agad ang noo ko, nagtataka sa porma at emosyon ng mukha n’ya. Sa mukha palang nito ay matitiyak ko nang may hindi magandang nangyari.

“What? Ba’t gan’yan mukha mo?” agad kong tanong, magkasalubong ang mga kilay.

Nanginginig niyang ipinakita sa akin ang phone. Nagtatakang tumingin ako sa kan’ya bago kuhanin ang phone mula sa kan’ya.

Mabilis na nagkarerahan sa kaba ang puso ko. Hindi ako nakagalaw at patuloy pa rin sa pagproseso ang utak ko sa nabasa kong article.

Napahigpit ang hawak ko sa phone ni Sean. Agad na tumulo ang mga luha ko at saka tuluyang napaupo dahil sa paglambot ng aking tuhod.

Napasinghap ako. “Putangina.”

“The CEO of Valencia Group of Companies, together with her husband, Mr. Valencia got in a car accident.  A passenger in the CEO's car, Mrs. Selena Valencia, 41, was still unconscious. She is in satisfactory condition at the hospital. She was hurt after their car bumped into a tree. While, her husband, Mr. Jericho Valencia was still unconscious.“

I couldn't think straight anymore. The next thing I knew, I was running to the hospital. I checked for my parents’ room, still crying.

“Selene and Jericho Valencia?” I asked the nurse, while crying.

Hindi ako mapakali habang hinihintay siyang hanapin ang pangalan ng mga magulang ko.

She checked the book, after that, sinabi niya sa ‘kin kung nasaan ngayon si Mama at Papa. Tumango lang ako matapos niyang sabihing nasa emergency room silang dalawa.

Naghalu-halo ang mga emosyon ko at para bang anumang oras ay sasabog na ako sa halu-halong emosyon na nararamdaman ko.

Para akong nababaliw dahil hindi ako mapakali.

Nanatili ako sa labas ng emergency room, hinihintay ang mga doktor na nasa loob n’on. Nakagat ko ang daliri ko, hindi na makapaghintay na makita ang mga magulang ko.

Hinawakan ni Sean ang likuran ko, trying to calm me. I covered my mouth as tears started falling. There were too many emotions inside me. They were overflowing.

Hindi ako mapakali kaya tumayo ako at sinilip ang emergency room. “Mom, please,” I cried more. “Ma, magiging doctor pa po ako...”

They both looked pale. Machines attached in their body, full of wounds. Muli akong napaiyak, naaawa ako sa kalagayan nilang dalawa.

I don’t know what to think. Mas’yado dumarami ang problemang dumaragdag sa buhay ko. At parang hindi ko na kakayanin ‘to.

“Solenn!” Gabbi ran to me and hugged me. “Tahan na. Tahan na. She’ll be okay. Tita is strong.”

I cried on her chest the whole time. I did not stop. Nakailang iling ako, pilit na tinatanggihan ang nangyari. Hindi ito totoo. Hindi p’wede. Hindi.

“Hindi ko kaya, Gab. Hindi ko kakayanin kung may mawawala sa kanila,” I cried more and more.

“They both strong, they’ll survive. Just trust in God. God’s with them, with us.” Gabbi cried.

Napatayo kaming tatlo nang lumabas ang doctor. My heart started beating fast when the doctor sighed so heavily.

“I’m sorry.” the doctor said. “Mr. Valencia didn’t survive while Mrs. Valencia is in a comatose. We didn’t know kung kailan siya magigising.”

Napatakip ako sa aking bibig saka umiling nang umiling. Napakapit agad ako kay Sean, pinanghinaan agad ako ng tuhod sa sinabing iyon ng doctor.

Nilagpasan lang kami ng doctor matapos sabihin iyon. Umalis kaagad saka kami iniwan sa labas ng emergency room.

“No, Dad. No. Hindi p’wede! Hindi.” My hands and lips were shaking. My vision became blurry all of a sudden.

Rinig ko ang mahinang pagmumura ni Sean sa harapan ko. “He’s alive! Please, do everything! Buhayin n’yo ang papa ko!”

I tried to go inside the emergency room but Gabbi stopped me. “Gab! Please! Let me in! My dad is alive! He’s not dead!”

Gabbi hugged me. “Solenn, I am sorry.”

I broke down. “Gab, my dad is alive, right? He is. He needs to congratulate me pa because I will be a doctor!”

“Tahan na, Solenn. Be strong. Tita needs you.” She said, trying to calm me.

Ilan pang minuto ay inilipat na ng kuwarto si Mama. Habang si Papa ay nanatili sa loob ng emergency room, mula sa kinatatayuan ko ay kita ko ang balot niyang katawan.

Sobrang bigat. Sobrang sikip sa dibdib at halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak.

I felt like I was losing my mind. Nanlalabo na ang paningin ko sa kakaiyak, hindi ko na rin maramdaman pa ang sarili ko.

Para bang minamanhid ako ng sarili kong nararamdaman. I couldn’t imagine myself waking up tomorrow with him gone. I couldn't imagine myself living my life without him.

My heart couldn’t take it. Kaunti nalang, Pa, kaunti nalang, bakit sumuko ka naman agad?

I couldn't let him go. Not this time. I can’t. I wasn’t ready for this. Mas’yadong naging mabilis ang takbo ng buhay ko. Mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa sunod-sunod na problema.

“You need to rest, Solenn. I’ll ask Lolo’s friend to take care of Tita and Tito.” Gabbi said.

Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko, kahit nang makauwi kami ay hindi pa rin tumitigil ang pag-agos ng mga luha ko.

Nanatili akong tahimik habang nakikinig sa isang kanta. Nanatili ako sa garden nang makauwi kami, sa pamamagitan n’on ay tila ba mapapagaan ng mga halaman ang pakiramdam ko.

Huminga ako nang malalim bago punasan muli ang mga luha kong sunod-sunod pa rin sa pagtulo.

“Dylan cheated?”

I glanced at Gabbi. “He... did cheat,” I sighed and wiped my tears using the back of my hand. “I can’t blame him, I didn’t have enough time for him. Maybe he found comfort in another... woman?”

I let out a fake small laugh. “Maybe that was his reason? But, I did question my worth. Am I not even enough? Hindi ba ako naging sapat para maghanap pa siya ng ibang babae?”

Gabbi shook her head. “No. You’re more than enough, Sol. You’re not the problem here. Dylan is. He cheated on you. I can’t take any reasons. Cheating is a choice, not an excuses. Period.”

———

Nowhere To Be FoundWhere stories live. Discover now