17. The Belamour

82 11 0
                                    

Ashanti Farrah Belamour

Agad akong naexcite nang pumayag si Dad na manatili muna ako sa Palawan nang buong isang araw. Ayaw ko rin namang tumagal doon dahil alam kong mabuburyo lamang ako paparoon at paparito.

Pero alam ko namang makakapag-enjoy ako sa Palawan kahit isang araw lang akong mananatili roon. Ito ang unang beses na makakapunta ako roon, at ang unang beses na makakapag-aliw ako.

Ngunit, hindi talaga ako magkakaroon ng unang beses na wala akong kasamang bodyguards o wala ni isa sa kanilang magmamatyag sa akin. Grabe, napakahigpit.

Agad nila akong dinala sa airport at agad akong namangha nang lumapag agad ang sa tingin ko ay pribadong eroplano. Napatingin ako sa nakaimprintang ngalan sa eroplano.

“The Belamour,” mahina kong bulong. Agad na lumabas ng van si Rhysand at saka ako pinagbuksan ng pinto ng van.

In-offer pa nito ang kan’yang kamay para alalayan ako sa pagbaba, hindi naman ako nagdalawang isip pa at agad ko rin iyong inabot. Masyado akong abala sa pagiging mangha sa eroplano para makipagbangayan pa kay Rhysand.

Nang makababa naman si Cydmus ay agad nitong isinara ang pinto ng van na binuksan ni Rhysand kanina. Tumayo sa aking gilid si Cydmus, parehong nakikitingin sa eroplano.

“Ito na pala ang biniling eroplano ni Mr. Belamour, tatlong taon palang ang nakalilipas.” batid kong nakangiti si Cydmus nang banggitin iyon.

“The Belamour,” mahina ring bulong ni Rhysand. “The one who is loved.”

Napatingin agad ako sa kan’ya nang makuryos sa tinuran nito. Pinangunutan ko siya ng noo saka pinagtaasan ng isang kilay.

“Ano’ng sabi mo?” mahina kong tanong.

Mula sa eroplano, ay inilipat nito ang tingin sa akin. “The one who is loved. The real meaning of your last name, Belamour.”

Umawang ang labi ko sa sinabi niyang iyon, bahagya akong napangiti dahil sa bago kong nalaman. Hindi ko akalaing napakaganda pala ng ibig-sabihin ng apelyido ko.

“Let’s go, Miss Ma’am.” Rhysand reached for my arms, gently. Inalalayan niya ako papasok sa isang eroplano nang magbukas ito kanina.

Nang makapasok ako ay hindi ko akalaing madadagdagan ang pagkamangha ko. Agad nila akong inasikaso nang makaupo ako sa dapat kong kalagyan.

Ngumiti ako saka sumilip sa window ng eroplano na ito. Hindi ko maiwasang mamangha habang iniilibot ang paningin ko sa buong eroplano. Mas lalo akong naexcite nang nagsimula nang lumipad ang eroplano.

Grabe ang kaba ko nang silipin ko ang bintana ng eroplano. Agad akong napakapit sa kung saan at napapikit dahil ngayon ko lang naramdaman ang takot sa mataas.

“Shit.” mahina akong napamura habang nakapikit pa rin ang mga mata ko. Hindi ako mapakali habang nakapikit dahil nanginginig na ang dalawa kong tuhod.

“Miss Ma’am?” narinig ko ang mahinang pagtawag ni Rhysand sa akin.

Dahan-dahan kong binuksan ang kaliwa kong mata saka siya tinignan. Nagtataka ang hitsura niya, tila nagtataka sa kinikilos kong ito.

“What’s wrong, Miss Ma’am?” nagtataka niyang tanong.

I bit my lower lip. “Sit beside me, please.” nanginginig at natatakot kong pagsabi.

Nagtaka naman agad ito sa sinabi ko. “Is there a problem, Miss Ma’am?” He asked curiously.

Nanginginig akong napatango, halos huminto na ang pintig ng puso ko sa takot dahil nakikita ko na naman kung gaano kataas ang kinalalagyan ko. Pambihira, nasa eroplano ako, malamang ay napakataas ko talaga! Nakakakaba!

Mabilis na umupo sa tabi ko si Rhysand nang tuluyang na nitong makuha ang sinasabi ko. Agad niyang pinindot ang kung ano sa kan’yang tainga.

“One bottle of water for Miss Farrah,” he immediately said.

He reached for my hand and gently held it. “I am sorry, Miss Ma’am. I didn't know that you have a fear of heights.” He immediately apologized as he held my hands.

Agad akong nakahinga nang maluwag matapos nitong hawakan ang kamay ko. Pakiramdam ko tuloy ay ligtas ako kapag nariyan siya, ngunit totoo naman.

“I didn’t know, either.” I muttered. Bagaman naka aircon ay dama ko pa rin ang pamamawis ko dahil sa kaba.

Huminga pa ulit ako nang malalim bago tuluyang buksan ang dalawang mata. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa hindi makapaniwalang kaba na naramdaman ko. Pambihira.

Agad namang dumating si Cydmus na may dalang bote ng tubig at isang balot ng cookies. Agad akong napangiti nang makitang paborito ko iyong cookies.

Hindi niya pa iyon inaabot nang agad ko iyong hinablot mula sa kan’ya. Hindi naman na nagulat si Rhysand sa ginawa kong iyon, dahil alam niya kung ano ang paborito ko at hindi.

Agad kong binuksan ang cookies saka mag-isa ko iyong kinain. Nagtataka naman na mga tingin ang ibinaling sa akin ni Cydmus, nagtataka sa mga ikinilos ko.

Napatingin ako kay Cydmus nang kapansing hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko. Ano naman kaya ang problema ng isang ito? Tinignan ko siya nang nagtataka.

“D-Did you just held her hand?” nauutal at hindi makapaniwalang tanong ni Cydmus kay Rhysand.

Seryoso lang na tumingin si Rhysand sa kan’ya, tila walang pakialam sa pagiging kuryoso ni Cydmus na kapwa bodyguard niya. Mahina at bahagya lamang na napangisi si Rhysand.

Hindi ko nalang din pinansin si Cydmus gaya ng ginawa ni Rhysand. At saka, wala namang kaso kung hawakan ni Rhysand ang kamay ko gayong natatakot ako sa taas ng eroplanong ito.

Matapos kong kainin ang cookies nang paunti-unti ay uminom na ako ng tubig. Tumingin ako kay Rhysand na seryoso lamang. Siniko ko siya kaya agad itong napatingin sa akin.

“Malayo pa ba ang Palawan?” nagtataka kong tanong, agad din akong napahikab.

Umiling ito saka ingininguso ang bintana ng eroplano. Sinamaan ko ito nang tingin at hindi na nagbalak pang tignan ang nginunguso nito.

“Maya-maya lamang ay la-landing na ang eroplanong ito, Miss Farrah.” magalang na saad ni Cydmus sa kabilang upuan.

Gaya ng sinabi nito, tuluyan na ngang naglanding ang eroplanong sinasakyan namin makalipas ng mahigit lima at sampong minuto. Agad na bumukas ang eroplano kaya agad na naman akong naexcite.

Unang tumayo si Cydmus saka sumunod si Rhysand, at sumunod naman ako. Gaya ng ginawa niya kanina ay inalalayan niya na naman ako palabas ng eroplano.

Ngumiti ako nang matamis nang salubungin ako nang sariwang hangin ng Palawan. Noon ko lang napansin na hindi lang pala kami ang turista rito sa Palawan.

Tumambad sa akin ang maraming tao na nagsasaya at ang iba ay tila kararating palang. Tumingin sila sa akin, tila namamangha na inihatid ako ng isang eroplano papunta rito.

“Nakahanda na po ang executive suite for you, Miss Farrah.” mahinang anang ni Cydmus.

I just nodded and started to walk. “Magpahinga po muna kayo, Miss Ma’am.” magalang na saad ni Rhysand.

Muli akong tumango kaya iginiya na kami ni Cydmus sa isang hotel. Ibinigay nito sa akin ang isang card ng room na sinasabi ni Cydmus kanina. Pagpasok ko palang ay napaupo agad ako sa kama dahil sa pagod. 

Habang si Cydmus at Rhysand ay magkasama naman sa iisang suite na nasa kabila ko lang naman. Pahinga!

———

Nowhere To Be FoundWhere stories live. Discover now