20. Their Protection

85 11 6
                                    

Ashanti Farrah Belamour

We're heading our way back to Manila. It was tiring. Sinabi ko na lamang sa kanilang gumamit ng kotse kung maaari pauwi ng Manila dahil hindi ko na kakayanin iyong eroplano.

Mas'yado akong natatakot dahil sa taas nito. Hindi ko man lang maenjoy dahil sa takot na nararamdaman ko.

Naidilat ko ang mga mata ko dahil sa biglaang paghinto nang kotseng sinasakyan ko. Sa isang iglap ay nasa tabi ko na agad si Rhysand, at mas ikinagulat ko pa nang bigyan niya ako ng isang baril!

"What the hell is happening?!" naghuhurumintadong tanong ko sa kaniya.

Mula sa labas, ay ibinaling nito ang paningin sa akin. "Naalala mo pa naman siguro ang mga itinuro ko sa iyo, hindi ba?"

Nangunot ang noo ko, at wala sa sariling napatango. Sa sobrang kaba ay tila nakalimutan ko nga ang mga itinuro niya sa akin. Kahit ang mga basic self defense ay hindi ko na maalala!

"Sana ay alam mo pa, dahil ako ang malilintikan kay Mr. Belamour kapag napahamak ka." natatawang saad ni Rhysand saka napangisi. "Pero, hindi naman kita pababayaan kaya h'wag kang mag-alala."

Nangunot lalo ang noo ko dahil sa sinabi nito. "Ano ba ang nangyayari, Rhysand?! At, bakit mo ako binigyan ng baril?! Para saan?!"

Tumikhim si Cydmus saka bumuntong-hininga. "Kanina pa namin napapansin ang kulay itim na kotse sa ating likuran, kanina pa nila tayo sinusundan."

Umawang ang labi ko saka napamura. Nilingon ko ang itim na kotseng tinutukoy nito. "Ano kamo?! Bakit nila tayo sinusundan?!"

"Gaya nang dati, ikaw na naman ang puntirya nila Miss Farrah."

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nila. Hindi na ito bago ngunit hindi ko akalaing mauulit na naman ito. Tila ba pinaglalaruan at tinatakot nila ako.

Dahil sa tuwing umaalis ako ng Manila at nagbabakasyon sa ibang lugar ay palaging ganito. Tila ba sila ay nagbabanta na h'wag na akong lumabas pa nang Manila para hindi na ulit ako mapahamak.

Tumikhim si Rhysand matapos sumilip sa aming likuran. "Para masigurado ang kaligtasan ninyo, iibahin ko ang ruta, at hindi muna tayo uuwi sa Manila."

Mas lalo lamang akong kinabahan dahil may dumagdag na dalawang puting kotse sa aming likuran. Hindi ko masasabing sila lamang ay kapwa motorista dahil wala na kami sa Palawan!

Napasinghap ako nang mapagtantong hindi na ito papuntang Manila! Nasa isa kaming highway na kakaunti lamang ang dumaraan, at sa dulo nito ay papasok sa isang tila baryo!

"Saan na ito?" kinakabahang tanong ko. Bumilis lamang ang takbo ng kotse, at hindi nila ako sinagot. "Delikado kung pupunta kayo sa isang baryo! Tiyak na maaabutan nila tayo."

Napangisi si Rhysand sa aking tabi. Mas lalong bumilis ang takbo ng kotse at sa isang iglap ay nasa dulo na kami ng highway. Ngunit ang ikinataka ko ay ang hindi pagsunod sa amin ng tatlong kotse.

Noon ko lang napansin ang kakaibang ngisi sa mukha ni Rhysand. Nagtataka ko siyang tinignan. "Bakit hindi sila tumutuloy?"

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Cydmus saka napailing. "Isang hakbang, kapalit ng buhay, tutuloy ka pa ba?"

Natatawang napailing si Rhysand saka ikinasa ang baril. Agad siyang lumabas ng kotse at saka dumapa sa may damuhan na ikinagulat ko. I guess, the gun was a sniper?

Muling tumawa si Cydmus nang hindi pa man nakakabaril si Rhysand nang ipaharurot na ng mga ito paalis ang kanilang mga kotse. Ngunit, hindi ko maitatangging magaling umasinta si Rhysand.

Dahil hindi pa man nakakalayo ang mga ito ay kita ko na ang pag-araro ng itim na kotse sa dalawang puting kotse dahil sa kawalan ng kontrol. Sa tingin ko ay nabutas ang gulong ng itim na kotse na iyon.

"Oh. Three down." Cydmus let out a small laugh.

Matapos ibalik ni Rhysand ang sniper sa lalagyan nito ay pumasok na ito sa kotse, saka ito umupo sa aking tabi.

"Ipinagpapasalamat ko pang gumana ang utak mo ngayon, Cyd." Mahina akong natawa. "Mabuti na lang at dito ka pumunta dahil nailayo pa natin si Miss Farrah."

Napangiwi si Cydmus saka napairap. "Lagi namang gumagana ang utak ko, Rhysand. Walang hiya ka."

Ngumisi si Rhysand. "Gumagana nga iyan. Ngunit sa kalokohan naman." natatawang asar nito kay Cydmus saka napailing.

"Hindi mo sure." Tumawa si Cydmus bago paandarin ang makina at humarurot paalis. Nanatili akong tahimik sa buong biyahe. Narito pa rin ang kaba at takot na nadama ko kanina.

Tama nga ako, napadaan kami sa isang baryo. Bumaba pa noon si Rhysand para pasalamatan ang mga nakatira doon. Namangha pa ako nang makalabas kami roon sa baryo, dahil bigla nalang itong naging syudad.

Hindi ko alam kung paanong nangyari iyon, pero batid kong kagagawan na naman ito ni Rhysand at Cydmus. Nakakamangha nang sobra. Wala na akong masabi dahil tila planado ang lahat.

"Grabe. Nakakapagod!" agad na umupo si Cydmus sa sofa nang makauwi na kami nang tuluyan sa bahay. Tinapik ni Rhysand ang balikat niya bago tuluyan itong pumunta ng kusina.

Nanatili ako sa main door ng mansion, hindi pa rin makapaniwalang nakauwi kami nang walang ni-isang galos o bala ng baril na nakabaon man lang sa aming mga katawan.

Hindi ko itatangging nasaksihan kong natamaan ng bala ng baril si Rhysand dahil sa patuloy na pagprotekta sa akin sa mga panahong na-trap kami sa isang parking lot.

Literal na tumindig ang mga balahibo ko. Natutuliro ako habang pinapanood silang magpalitan ng bala, tila isang senaryo iyon ng buhay kong hindi na dapat maulit.

Talagang nagbigay sa akin iyon ng trauma na hindi na ulit pinaranas sa akin ni Rhysand. Dahil matapos ang insidenteng iyon, naging mas maingat sila kompara nang dati.

Hindi ko rin mawari kung sino ba talaga sa amin ang totoong target, kung si Rhysand ba o ako talaga? Dahil mas napupuruhan si Rhysand kaysa sa amin ni Cydmus. O baka gan'on talaga ang trabaho at kakahinatnan ng isang bodyguard?

"Miss Farrah? Hindi pa po ba kayo papasok?"

Agad akong natinag dahil sa tanong na iyon ni Cydmus, nakaupo pa rin ito sa sofa. Nagtataka itong nakatingin sa akin at agad namang lumipat ang tingin kay Rhysand na kalalabas pa lamang ng kitchen.

Agad na lumapit sa akin si Rhysand at agad akong niyakap nang mahigpit. "Still scared, huh?" he whispered.

Hinagod niya ang likuran ko saka hinimas ang maikli kong buhok. Nanatili akong tulala habang nakatingin sa sahig ng mansion. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko ngunit bigla naman itong bumalik sa normal nang dahil sa yakap ni Rhysand.

"I can protect you at all cost,"

---

Nowhere To Be FoundWhere stories live. Discover now