13. Colorblind

112 12 9
                                    

Aryana Solenn Valencia

“Pakiramdam ko sinasayang ko lang ang buhay ko sa relas’yon na ‘to.” I muttered.

Napahilot ako sa aking sentido habang patuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga luha. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang sakit na muling tumusok sa dibdib ko.

“Will your life be better without me?” Dylan asked.

Umiiyak akong tumango sa kan’ya. Napayuko at patuloy pa rin sa pag-iyak. Maybe I am just nothing but a stranger for him.

He bitterly smiled. “Do you want this to be our new normal, Sol? Na wala na tayo sa buhay nang isa’t isa?”

Mapait akong ngumiti sa aking sarili. “Cheating is a choice, but did you ever ask yourself first if your partner deserve cheating?”

For the second time, I heard him apologized. “Alam kong walang magagawa ang paghingi ko ng pasensya. Pero sa huling pagkakataon, gusto ko sanang malaman, mahal mo pa ba ako?”

Huminga ako nang malalim. Higit pa milyon-milyong kutsilyo ang nararamdaman kong tumutusok sa puso matapos n’yang bitiwan ang mga salitang iyon.

Huminga ako nang malalim saka mapait na napangiti.

“I just had enough, too tired of the pain, too tired of your countless sorry. Mahal kita, pero alam kong hindi magiging sapat ang pagmamahal ko para ibahin ang takbo ng mundo.”

Gustuhin ko mang harapin at patawarin siya ay hindi ko magawa. I cried harder when I heard him say that lines.

“I don’t see my future with you. I am sorry.”

Parang dinurog ang puso ko sa sinambit niyang iyon. Ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay tila nagdagdagan lamang nang banggitin niya ang mga salitang iyon.

Nananatili akong maayos at nagpanggap na hindi ako apektado sa sinabing iyon. I bit my lower lip, trying so hard to stop myself from shedding tears.

“Please... leave, Dylan. I want you out of my life.” malamig na saad ko.

Pain was so evident in his eyes. For the last time, he kissed my forehead. He gave me a sad smile before getting his phone and his keys.

“If that's what you want. I’m choosing to let you go rather than stay and fix this relationship. I think I am not the same person as I am when I promised you forever. I’ve fallen apart. I’m sorry for disappointing you, again. I am setting you free.”

Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng kwarto ko. Tahimik ko siyang pinanood na lisanin ang tabi ko. Sa muling pagkakataon, malakas akong napahagulgol nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

After so many years of loving that man, hindi ko akalaing magkakaroon pala ako nang pagkakataong sumuko.

Maraming beses na p’wede akong sumuko pero hindi ko ginawa kasi akala ko maayos pa namin iyon, pero hindi na pala.

‘Ngayong dumating na ang araw na sumuko na ako, hihingi na lang ako ng tawad sa‘yo kasi hindi ko na matutupad pa ang pangako kong hindi kita iiwan. Hindi naman ako napagod na mahalin ka, napagod lang ako sa mga ipinaramdam mo.’

Umiyak ako nang umiyak matapos sabihin iyon sa utak ko. Niyakap ko na lang ang sarili ko at tinakpan ko na rin ang bibig ko para hindi marinig sa labas ang malalakas kong paghikbi.

Parang paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko. Gusto kong magwala. Ang hina-hina ko. Parang ngayon ko lang muling naiyak lahat ng emosyon na nararamdaman ko. Nakakapagod.

“Mahal na mahal kita, bakit kailangan mo pang magloko...” pagod kong bulong sa sarili ko.

Hindi ko namalayang nakatulugan ko na ang pag-iyak. Lumipas ang ilang gabi, pero patuloy ko pa ring kwinekwestyon ang sarili ko kung saan ako nagkulang.

Nanatili ako sa kwarto, hindi ako lumabas at inubos ko lang ang isang buwan ko sa pag-iyak sa loob ng k’warto ko. Parang mababaliw na ako sa dami nang nangyayari sa akin.

Nandoon pa rin ang lungkot at pangungulila, mas lalo lang tumitindi ang sakit. Pero hindi ko mababago kung nasaan ako ngayon, at iyon ang kailangan kong pagdaanan.

Tumawag din sa phone ko ang seniors ko, gan’on din si Ralene at Gabbi, pero ni-isa sa kanila ay hindi ko nagawang sagutin.

Alam kong nailibing na si Dad, hindi ko nagawang pumunta sa libing niya dahil masakit para sa akin ang magpaalam nang gan’on gan’on lang sa kan’ya. Hindi ko pa kaya.

As the days keeps on passing by, I found myself having a hard time waking up in the morning, having a hard time putting any efforts into living.

I felt like a colorbind person while all the people beside me keeps on gelling me how colorful the world is, it felt like there were a ton of shadows surrounding me to swallow the colors of my dreams.

I would wake up every single morning to start a new day even though deep down, it felt like everything is ending. It was like fighting a battle that was impossible for me to win.

Muli akong nagising dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pintuan ko. Kahit ang sigaw ni Gabbi ay rinig na rinig ko mula sa labas ng kwarto ko.

“Ano ba?! Papasukin n’yo ako! Hindi p’wedeng gan’yan lang ‘yang amo n’yo buong buhay!” rinig kong sigaw ni Gabbi.

“Pero, Ma’am. Magagalit po si Ma’am Aryana,” agad na tugon ni Gracy.

“Shut up!” mariing saad ni Gabbi. “Give me the keys!”

“Here, Ma’am.” ramdam ko ang panginginig sa boses ni Gracy, tila natatakot sa galit na si Aryana.

Maya-maya pa ay nagbukas na ang pintuan ng kwarto ko. Matamlay ko siyang tinignan saka pinagtaasan ng kilay.

Ang kaninang galit na si Gabbi ay biglang lumungkot an ekspresyon ng mukha nito.

“Solenn, anong ginawa mo?” naiiyak niyang saad. “Please... Don’t kill yourself,”

Mapait akong ngumiti saka umiling. “I want to rest, Gab.” mahina at pagod kong saad.

“Death is not the answer to all of your problems, Sol.” mahinahon niyang saad bagaman nagugulat.

Umiling ako nang umiling saka yumuko, hinawakan ko ang palapulsuhan kong dumurugo, muli na naman akong napahagulgol.

“Gising na si Tita,” nakangiti niyang saad pero agad ding nangilid ang mga luha.

Agad akong napatingin ako sa kan’ya, nagugulat na ngumiti. “Si Mama? Gising na si Mama?” Humagulgol akong muli.

Bahagya pang nagulat si Gabbi sa inakto kong iyon, maging ako ay nagulat din. “What’s wrong, Sol? Anong nangyayari?! Ayos ka lang?!” naghuhurumintadong tanong nito.

I smiled bitterly as I slowly closed my eyes. Narinig ko ang ilang beses niyang pagtawag sa akin, hindi mapakali at tila hindi alam ang gagawin.

My world turns dull, my rainbow like personality is exhausted, and it slowly turns dark. The hues are surfacing and approaching. It’s suffocating. I can’t breathe.

———

Nowhere To Be FoundWhere stories live. Discover now