22. It's Back

73 11 11
                                    

Ashanti Farrah Belamour

"What happened?"

"Nakita ko na lamang itong nakabagsak sa sahig, at nanginginig. Nang tignan ko siyang muli ay may lumabas na dugo mula sa ulo nito."

I heard someone sighed. "Something flashed back in her head. She's shouting in pain while holding her head." It's woman's voice, it was Ralene.

"There's a possibility that her memories will comeback." It's Corics' voice. Where are them?

"What? Are you sure?" It's Dylan's voice. My heart aches when I muttered his name in the back of my head. I could still felt pain.

It feels so nice yet I felt pain. Parang kahapon lang ang lahat. Parang kahapon lamang nang malaman kong niloloko niya ako. Masyadong masakit para sa akin para patawarin ko siya.

Agad akong natigilan dahil sa nangyari at naisip ko. Mabilis akong napadilat nang hinihingal, agad akong nauhaw. Agad akong naghabol ng hininga, humahangos pa rin.

Napatingin sa akin si Corics, Dylan, Six, Ralene at Aia. Habang nasa sulok naman si Rhysand at Cydmus na seryosong nakamasid sa kanilang lima.

"Anong ginagawa niyo rito?" malamig kong tanong. "At, bakit ako nandito?" nagtataka ko namang tanong ulit.

Napatingin ako sa paligid, nasa hospital na naman ako. Ano ba namang nangyayari sa buhay kong 'to, walang hiya. Para namang napakamakasalanan ko sa nakaraan kong buhay.

"Hoy, Ralene! Ano bang iniiyak-iyak niyo riyan?" nagtataka kong tanong. "At ikaw, Corics, paano mo nasabing babalik na ang alaala ko-oh hey what the fuck..."

Natitigilan akong napatingin sa kanila, nanlalaki ang mga matang kumurap-kurap ako, hindi ako makapaniwala sa nangyayari sa akin ngayon.

"Tangina..." napamura ako. Napahawak ako sa aking mukha at napahawak din ako sa ulo ko, may telang nakapalibot dito. Hindi na ito sumasakit, pero may nararamdaman pa rin akong kaunting kirot.

Nakakaalala na ako. "Anong oras na ba? Hapon na ba?"

Natigilan akong muli at pinangiliran ng mga luha nang maalala ang mga magulang ko. Si Papa, namatay na siya. Si Mama, hindi naka survive dahil sa napakahinang katawan.

Muling kumirot ang puso ko, hindi ako naging doktor gaya ng inaasahan ni Mama. Hindi ko natupad ang pangarap niya sa akin dahil sa pesteng depresyon na ito.

Tumulo nang tuluyan ang mga luha ko at napahagulgol. Muling sumikip ang dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Sabay na lumapit sa akin si Rhysand at Dylan, nagtaka pa silang dalawa sa naging kilos nila.

"Excuse me." Rhysand uttered.

Dylan raised a brow. "What? Excuse me."

I heard them let out a laugh. Imbes na ipagpatuloy ko ang pag-iyak, ay nanatili nalang akong nakatingin sa kanilang dalawa. Nagpapalitan pa ng masasamang tingin.

"You all can go now. I can take care of her." Rhysand commanded.

Dylan stood up. "No. You should go. I am the one would took care of her."

Napakunot ng noo si Rhysand sa tinuran ni Dylan. Cydmus walked towards him. "We're still the one who's responsible of taking care of her." Cydmus backed up.

Napamura sa inis si Dylan. "No. I will take care of her." He told them.

Napairap ako sa kawalan habang pinapanood silang mag-away na tatlo. Mas lalo lang akong nairita nang sumali sa usapan si Corics at Six.

Corics glared at him. Nagmamalaki itong tumikhim. "I am Engineer Corics, at alam kong mas may karapatan kami kay Aryana dahil kaibigan namin siya-"

Rhysand cut him off. Umigting ang panga niya saka napangisi. "Pero hindi kayo iyong tipo ng taong mapagkakatiwalaan niya at ni Mr. Belamour."

Mahina akong napangisi dahil sa pakikipagsagutan niya. Hindi niya ugaling makipagsagutan, liban na lamang kung sagad na sa pasensiya niya.

Bumuntong-hininga si Rhysand. "Tatlong linggo ko na kayong pinagtitiisan dito. Kaya ngayong nagising na si Miss Farrah, maaari na kayong umalis."

Napangiwi ako saka nagtaka. "Tatlong linggo ba kamo? Three weeks akong tulog?" hindi makapaniwalang tanong ko na nakaturo pa sa aking sarili.

Sabay-sabay silang nagsitanguhan. Napanganga ako dahil sa gulat at sabay na napailing. "Aba, tangina. Kaya pala ako nauhaw."

I heard Cydmus laughed. "Yes, Ma'am. Nakakauhaw talaga lalo na't mabaho ang hininga. Hehe."

Agad silang napatingin kay Cydmus dahil sa pangtritrip niyang iyon. Bigla naman akong nahiya sa sinabi niya at napataklob ng kumot dahil batid kong namumula na ang buo kong mukha.

"Gusto mo na bang mawalan ng trabaho?" gigil na anang ni Rhysand kay Cydmus.

Napatawa nang sarkastiko si Cydmus. "Grabe, Sir. Clout chasing lang po, walang gan'yanan."

Isa-isa silang napatawa dahil sa sinabing iyon ni Cydmus maliban sa tatlo na sabay-sabay naman ang pagngiwi. Ramdam ko ang kaayawan nilang tatlo kay Rhysand at Cydmus.

Lumipas ang ilang minuto at nanatiling tahimik ang buong kwarto. Napaka-awkward ng atmosphere dahil sa aming lahat. May tensyon din sa pagitan nila Rhysand at Dylan.

"Hindi pa ba kayo uuwi?" nag-aalangang tanong ko sa kanila.

Tumingin sa akin si Dylan. "I am staying here."

I glanced at Rhysand when he's about to complain. "But, you have a work, right? You're an engineer and a CEO."

"But, this time, you're my first and last priority, Yana."

I sighed so heavily. "No. You must leave, bring them with you." I commanded seriously. "Si Rhysand ang maiiwan."

Nakita ko ang mahinang pagngisi ni Rhysand nang dahil sa sinabi kong iyon. Agad namang sumama ang tingin ni Dylan kay Rhysand nang dahil sa sinabi ko. Pain were evident in his eyes.

My clueless self will finally be ends here. I am now remembered everything. I would be grateful but I am somehow sad because I am in the reality again.

"Take care of her, dude." bilin ni Six at Corics kay Rhysand.

Isa-isa silang nagsilabasan matapos magpaalam sa akin, habang si Cydmus ay nakipag-usap pa kay Rhysand bago tuluyang lumabas ng kwarto na kinalalagyan ko.

Ibinilin pa kasi ni Rhysand na sa labas na lamang maghintay si Cydmus at magbantay na lamang doon.

"You're back. He's back in your life now." Rhysand started.

"Okay?" I asked sarcastically. Ano naman ngayon kung dumating na ulit si Dylan sa buhay ko? Kasabay nang pagkawala ng alaala ko ay nawala rin ang nararamdaman ko sa para kaniya.

Mahina siyang natawa, ngunit ramdam mo ang pait at sakit. "I am resigning."

___

Nowhere To Be FoundWhere stories live. Discover now