23. Her Lost Memories

86 9 0
                                    

Ashanti Farrah Belamour

“You’re resigning for what?” I asked curiously.

Prente itong sumandal sa pader saka ngumisi sa akin nang sarkastiko. “The way you stare at him, you still love him, do you?”

Mahina akong natawa bagaman kumirot nang bahagya ang puso ko nang dahil sa ganoong tanong niya. Ilang taon na kaming magkasama pero hanggang ngayon ay manhid pa rin siya.

“Anong sa tingin mo?” Tumawa ako. “Ilang taon na ang nakalipas simula nang magtrabaho ka sa amin, ngunit hindi ko man lang nalaman ang apelyido mo.” Agad akong nag-iba ng topic.

“Hindi ko gustong ibahin ang pinag-uusapan, Shan.”

Bahagya akong ngumisi saka umiling. “You aren't just a bodyguard, right?”

Sarkastiko itong tumawa pabalik. “Bakit?” Saka ito ngumisi. “Kilala mo na ba ako?”

“Hindi sa gan’on, Cervantes.” natatawa kong sambit sa apelyido niya. “Pero, natutuwa akong malaman na anak ka rin pala ng isang senador.”

Kaya hindi ko maiwasang magtaka kung bakit tila kaming dalawa ang target nilang lahat. Iyon pala ay isa rin siyang anak ng senador. Senador na balak pa ngayong maging isang Presidente.

Umawang bigla ang labi niya saka paunti-unting napangisi. “You are right. I am a Cervantes. I am belong to the Cervantes’ clan.”

Napangiwi ako saka inis na iniwas ang tingin sa kan’ya. “Bakit ka ba nag-apply bilang bodyguard ko?” inis kong tanong.

Umupo ito sa paanan ng kamang hinihigaan ko. Mapait itong ngumiti. “To make sure your safety. I can't lose you this time, Shan.”

Umawang ang labi ko at agad na nangunot ang noo ko. “What do you mean by this time?” I asked curiously.

“You were five years old that time, right? When Mr. Belamour and Tita Gianni lost you.” He stated. I couldn't remember that my Dad lost me.

Dahan-dahan akong umiling saka paunti-unting napabuntong-hininga. “I-I couldn't remember,” I muttered.

He let out a small laugh. “Of course, you couldn't. Your trauma and past depression lost your childhood memories.”

What the fuck? “Are you serious? What the hell is going on in my life! Para akong pinagkaitan mabuhay nang normal!”

Napairap ako sa kawalan. Walang hiya! Hindi ko alam na ganito pala ang buhay ko. Jusko! Napahirap mabuhay kapag isa kang Valencia at Belamour.

At may umaaligid pa sa iyong isa namang Santiago at Cervantes!

“I have been miserable, huh. Buti kinaya ko pang mabuhay.” napangiwi ako saka napairap. “So, tell me. What's the reason...”

Kumunot ang noo nito. “Reason for what?”

“Duh! Anong dahilan kung bakit ako nawala sa mga Belamour?” mataray kong tanong.

“Ano pa ba? An ambush!” He answered sarcastically. “Mama mo ang hindi nakaligtas ano.”

Nangunot ang noo ko. “What? My Mom?! Why?!”

Napairap din ito nang dahil sa rami ng tanong ko. “She’s protecting you. She became your hero that time.” He seriously muttered. “Hindi mo ba ang naalala ang huli niyang sinabi?”

Umiling ako, dahil hindi ko maalala, sa sobrang gulo ng utak ko ngayon ay hindi na ata ako magkakaroon pa nang oras para maalala iyon.

“Fai finta di essere morto, piccola. Sopravviverai. Lo farai e ti servirà, va bene?”

Italian language.

Agad na nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Dahil hindi ko maintindihan ang lengwaheng ginamit niya! Nakakainis ah!

“Ano ba iyang sinasabi mo—?” naputol ang pag-asik ko nang muli siyang magsalita.

Tumayo ito saka unti-unting lumapit sa akin. Inilapit nito nang bahagya ang kan’yang bibig sa aking tainga. “Pretend that you're dead, babe. You're gonna survive. You will and you need, alright?”

Agad akong kinilabutan nang naramdaman ko ang hininga niya sa aking tainga. Narinig ko ang mahina niyang pagngisi bago ko maramdaman ang magaang halik nito sa aking pisngi.

“Giordanni Cervantes,” He whispered and let out a small sarcastic laugh. “Dan for short.”

It gave me chills. Agad akong kinilabutan dahil sa sinabi niya, at agad na may pumasok na senaryo sa utak ko dahil sa sinabi niyang iyon.

Two children. One boy and girl. In the garden. They're in a swings.

Humahangos akong napatungo. “Fuck,” I muttered.

Narinig ko ang mahinang buntong-hininga nito. “Maybe that was normal.” He whispered. “Take a rest. I’ll bring you a toothbrush and toothpaste so you can brush your teeth.”

Napairap nalang ako nang tuluyan niya na akong talikuran at iwan sa kwartong kinalalagyan ko. Mahina akong napabuntong-hininga nang maiwan akong mag-isa sa kwarto.

Dahan-dahan akong tumayo nang makaramdam ako ng kabagutan. Naglakad ako papunta sa bintana at saka ko binuksan ang kurtina. Agad na dumampi sa akin ang malamig na hangin.

Noon ko lang nalaman na narito pala ako sa pinakataas na palapag ng hospital. Bigla akong kinilabutan dahil natantya ko kung gaano ito kataas.

“Oh my gosh!” Napahawak ako sa aking dibdib nang dahil sa kaba. Agad akong napatalikod sa bintana at hinarap ang aking kwarto.

“Walang hiya! Bakit ako nasa pinaka-itaas na palapag!” inis kong asik.

Napairap ako bago isarado ang bintana at bumalik sa kamang aking hinihigaan. Napabuntong-hininga akong muli nang dahil sa kabagutan.

Lumipas ang ilang araw na nanatili lamang ako dito sa hospital. Nanatili ako rito para tuluyan ang paggaling ko. Hindi na rin ako makagawa nang kalokohan dahil bantay-sarado ni Dylan at Rhysand ang mga iinumin kong gamot.

“Oras na ng pag-inom, Shan.” mahinang anang ni Rhysand.

Umawang naman bigla ang labi ni Dylan bago napabuntong-hininga at napairap sa kawalan. “Ako dapat ang magpapainom ngayon.”

“Wala ka bang kompanyang dapat inaasikaso? Dapat ay sa kompanya mo ikaw ay nanatili at hindi rito.” magalang ngunit may bakas ng pagkainis na saad ni Rhysand.

“Hindi hamak na body guard ka lang kaya h’wag na h’wag mo akong inuutusan,”

Napatingin ako sa kan’ya nang matagal, hindi ko akalaing ganito na ang ugali niya. Hindi ugali ni Dylan ang magmata ng ibang tao, at lalo nang hindi siya ganito magsalita noon.

Ilang taon na ang nakalipas nang iwan niya ako at mawala ako sa sarili ko. Ilang taon na ang nakalipas at ganito na kalaki ang pagbabago niya. Ibang iba na ito sa dating Dylan na nakilala at minahal ko.

Matagal na akong umaasa na bumalik na ang dating Dylan na minahal at sinuportahan ko. Hindi ko akalaing hindi na siya babalik, hindi ko inaasahan ang pagbabago niya.

Mahinang napangisi si Rhysand. “Ah, talaga? Anong magagawa ng posisyon mo kung ihuhulog kita ngayon sa ganito kataas na palapag? Ha?”

“Shut up.”

———

Nowhere To Be FoundWhere stories live. Discover now