*Casey's POV*
Hindi pa ako nakakatapos ng isang chapter sa binabasa ko nang makita ko si Joaqui na papalapit sa'kin. Tapos na pala silang magbihis at nagkanya-kanya na ng kilos para mag-ihaw o mag-ayos ng pagkain o bumili ng maiinom (alak).
"Girls pwede na kayong magpalit dun sa taas. Wala nang tao dun.", sabi nya sa mga team mates nyang nadaanan bago lumapit sa'kin.
"Hindi ka pa magpapalit?", tanong nya bago sya umupo sa tapat ko.
"Later, tinatamad pa ko.", sagot ko na di inaalis ang tingin sa binabasa ko.
"You're here to have fun and not to sulk in a corner with your book.", pagbibiro nya sa'kin.
"I am having fun. This is how I enjoy spending my time. Di ako party-goer gaya mo.", sagot ko sa kanya nang ibaba ko sa tabi ko yung binabasa ko at kumuha ng isang stick nang sigarilyo na hawak nya.
"Casey...", he said looking at me with those puppy eyes as if he was saying 'Please.'
"Argh! Fine! After nito aakyat na ko para magpalit.", sabi ko sa kanya before I inhaled a smoke from my cigarette.
"Great, thank you babe.", sabi naman nya na tumayo na at hinalikan pa ko sa noo. "Tutulong muna ko sa kanila."
"I told you stop calling me babe eh. Nasaan yung board shorts mo na hinihiram ko?", I said to him.
"Nasa bag ko. And babe? Make me stop.", nang-aasar na sabi nya bago ko iniwan dun.
Napatingin naman ako dun sa mga team mates nyang babae, and as expected ang sama na nga ng tingin sa'kin. Lalo na si Macy na halos patayin na ko sa titig.
'May gusto yan kay Joaqui.', I remembered ate Cynthia saying that to me.
Who fuckin' care? Kanya na, saksak nya pa sa bilbil nya. I threw my cigarette, stepped on it, saka ako tumayo para umakyat at magpalit.
**
"Seriously Casey? Board shorts and loose shirt? How are you going to flaunt your curves kung ganyan ang suot mo?", tanong sa'kin ni Jessie when she saw me as soon as bumaba ako after ko magpalit.
"I'm so not in the mood para iflaunt ang curves ko Jessie.", I answered with a bored tone.
"No fair! We had a deal, remember? Sa office.", pagmamaktol naman nya sa sinabi ko.
"Fine! Magpapalit pa ko mamaya, I'll flaunt it when something interesting happens."
"Fine!", napipilitang sagot ni Jessie.
"Babe!", someone shouted from the table na malapit dun sa grill. I know that voice at alam kong ako yung tinatawag pero deadma ka. Sabi nang wag akong tawaging babe eh, isinigaw pa.
"May tinatawag ata si Joaqui?", sabi ni Aimee.
"Baka tawag tayo para jumoin sa kanila. Tara dun nalang tayo tumambay.", sabi naman ni ate Cynthia.
"BABE! CASEY!", sigaw na naman ni Joaqui at napaface palm nalang ako.
I need all the patience in the world! Dagdag pang inasar ako nitong mga kasama ko at hinatak ako palapit kila Joaqui.
"Sigaw ka ng sigaw! Nasa bundok ka ba?", sita ko sa kanya pagkalapit na pagkalapit namin sa kanila.
"Your fault! Di ka lumapit agad eh.", pangangatwiran naman nya.
Umupo nalang ako sa tabi since ako nalang ang nakatayo dun, ang awkward naman kung di pa ko uupo diba?
"Oh Casey, di ba kami mahu-who you sa'yo ngayon?", pang-aasar sa'kin ni Grey.
BINABASA MO ANG
Complicated Love
Short StoryShe's Broken and He's More Than Willing to Help Her Heal But The Oh So Fucked Up Ex Is More Than Ready To Mess Up With Them