Fourteen

75 1 0
                                    

*Chuck's POV*

Ang alam ko lasing ako. Pero humulas agad lahat ng alak sa katawan ko nang makita ko kung pa'no binaril nung nakamotor si Casey.

Sinundan ko ng tingin yung nakamotor habang tinakbo naman nila Joaqui si Casey. Nakita kong tinapon nung nakamotor yung baril na ginamit nya at naghanda nang iharurot palayo yung motor.

'No! Hindi ka pwedeng makalayo.', tumingin ako sa paligid para humanap ng pwedeng pumigil dito.

I was about to yell at someone nang makita kong may kotse na huminto sa harap nung motor, dahil hindi napansin nung nakamotor yung kotse, huli na para makaiwas sya kaya sumemplang sya sa gilid nung kotse.

Tumakbo ako papunta dun sa natumbang motor.

"Boss!", napangiti ako nang makita ko kung sino yung driver nung kotseng humarang sa motor.

"Chuck, tingnan natin kung buhay pa 'tong siraulong 'to para madala na sa presinto.", sabi ni Boss Chris na yumuko para tanggalin yung helmet nung rider na bumaril kay Casey.

Nagulat kami nang makita naming babae yung rider na bumaril kay Casey.

"G-ginny?", that was all I can say, nilingon ko sila Joaqui at nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nakaalis na sila para dalhin sa ospital si Casey.

"Kilala mo?", tanong ni Boss Chris.

"Ex ni Joaqui."

"That explains why."

Di pa namin nabubuhat si Ginny nang marinig namin yung mga parating na pulis. Hinintay na namin yung mga pulis para sila na ang umasikaso kay Ginny nang mapuntahan na namin si Casey.

*Joaqui's POV*

Nabura sa labi ko yung magandang ngiti ko nang makita kong muntik nang masagasaan nung nakamotor na yun si Casey.

Mumurahin pa sana namin yung rider nang may marinig kaming malakas na putok ng baril. Pag tingin ko kay Casey, para akong tinadyakan sa dibdib nang makita kong may tama sya ng baril sa tagiliran at bumagsak mula sa hawak ni Jessie.

Parang humulas sa katawan ko lahat ng alak na ininom namin at tinakbo ko yung distansya sa pagitan namin ni Casey.

Paglapit ko sa kanya, agad ko syang binuhat. Thankfully, may isang sasakyan na kusang tumigil sa harap namin.

"Dali! Isakay nyo na si Casey para madala na sa hospital.", sigaw sa'min ni Boss Neil na may-ari pala nung sasakyan na huminto sa harap namin.

Ipinagbukas naman nila kami ng pintuan, pagsakay ko agad ding umandar yung sasakyan papunta sa pinaka malapit na hospital.

Pagdating namin sa hospital, agad na kinuha nung mga attendant si Casey sa pagkakabuhat ko at inihiga sa stretcher. Isang doktor at ilang nurse ang agad na umasikaso sa kanya.

"Marami nang dugo ang nawala sa kanya. Dalhin sya sa OR, itingin kung may match sa blood type nya dun sa blood bank at kung wala ihanap ng donor. Page Dr Martinez para sumunod sya sa OR.", utos nung doktor dun sa isang nurse.

Hindi ko sila pinansin o inintindi ang mahalaga lang sa'kin mailigtas si Casey. Dito lang ako sa tabi nya hanggang maging ayos ang lahat.

"Sir dito nalang po kayo. Hindi na kayo pwede dun sa loob.", pigil sa'kin nung isa sa mga nurse.

"Hindi. Sasama ako sa loob, hindi ako pwedeng umalis sa tabi nya. Sasama ako sa loob. Hindi ko sya pwedeng iwan.", pagpipilit kong sumama sa loob, ayokong iwan si Casey. Hindi pwede, sasama ako sa loob.

"Dude, hintayin nalang natin sila dito sa labas. Hindi nila magagamot ng maayos si Casey kung nandoon ka.", sabi ni Grey na hinatak ako sa braso para di na ko magpumilit sumama sa loob.

"D-dude si C-casey...", nanghihinang sabi ko kay Grey. Hindi ko na napigilan yung mga luha ko na tumulo. Hindi ko kaya 'tong nangyayari.

Inalalayan nila ako para umupo sa may waiting area sa labas nung OR.

"She's gonna be fine dude.", sabi sa'kin ni Alex na pilit pinagagaan ang loob ko.

**

"Nasaan pala si Chuck?", tanong ni Alex sa mga kasama namin.

Napangiti ako nang makita ko kung sino-sino yung mga kasama namin na naghihintay. It's been more than 3hours na simula nang ipasok nila dun si Casey at ni isa sa mga nurse o doktor walang lumalabas para balitaan kami.

Wala kahit isa sa'min ang umalis. Lahat sila, may amats man sa alak na ininom kanina o walang tulog dahil galing sa shift, lahat nagstay dito sa hospital.

"Tawagan nyo nga si Chuck. Kanina pa wala yun eh.", sabi ni Grey sa mga kasama namin.

"Hello dude! Nasaan ka? Kanina ka pa wala dito ah.", sabi ni Alex na syang tumawag kay Chuck.

"Talaga? Sige! Hintayin ka namin dito.", napatingin kaming lahat kay Alex nang itabi nya ulit yung phone nya.

"Anong sabi? Nasaan daw sya?", tanong ni Aimee kay Alex.

"Papunta na daw sila dito ni Boss Chris.", sabi ni Alex.

"Oh san sila galing?", tanong ni Grey.

"Precint. They'll tell the details later pagdating nila ni boss Chris."

**

"How is she?", tanong sa'min ni Boss Chris pagkadating na pagkadating nila ni Chuck.

May iniabot syang kape sa'kin bago sya umupo sa tabi ko. Kinuha ko yun at nagpasalamat

"Starbucks. Naalala ko sabi ni Casey paborito mo daw yan. Saktong may nadaanan kami ni Chuck sa baba, kaya bumili na kami para sa lahat. Mga nakainom kayo, at puyat naman yung iba.", nakangiting sabi nya sa'kin.

"Salamat Boss. Ayaw pa nilang umuwi eh. Kanina ko pa pinapauwi pero sabi nila uuwi lang daw sila pag nalaman nilang okay na si Casey.", sagot ko sa kanya habang nasa pintuan pa din ng OR ang tingin ko, "Wala pa ding lumalabas kahit isa sa kanila dyan sa loob. Mahigit tatlong oras na nga pero wala pa rin. Ang sabi kanina marami na daw dugo ang nawala sa kanya. We were lucky enough kasi may stock sila ng blood type ni Casey sa bloodbank, kung wala? Patay tayo, walang pwedeng magdonate sa'tin kahit na kamatch pa nya. Mga nakainom at puyat kasi eh.", natawa kami pareho sa sinabi ko.

Parehas lang kaming nakatingin sa pinto ng OR when he said something, "Actually Chuck asked me to talk to you. Hindi nya daw kasi alam kung pa'no sasabihin sa'yo 'to.".

"Ano yun Boss?", nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Yung bumaril kay Casey. Sakto kasi yung daan ko sa nangyari kaya naharang ko sya. Si Chuck, hindi sya sumunod sa inyo nung nilapitan nyo si Casey. Naisip nya kasi kailangang hindi makatakas yung gumawa nun kay Casey. Naharang ko yung bumaril kay Casey at nahulog sya sa motor nya."

"Buhay pa ba?", pigil ang galit na tanong ko sa kanya.

"Buhay pa. May benda lang sa ulo at nadislocate ang braso. The thing is kilala sya ni Chuck, at kilala mo din daw."

Napalingon akong bigla kay Boss Chris sa sinabi nya. K-kilala ko? "S-sino?"

"Your ex, Ginny."

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon