Nine

74 1 0
                                    

*Casey's POV*

A month has easily passed by.

Araw-araw magkasama kami ni Joaqui. Kapag off nya, sinusundo nya ko (minsan tumatambay pa sya sa office). Kapag off ko naman, sa unit ko sya tumatambay bago pumasok.

With Joaqui beside me, hindi na halos pumapasok sa isip ko si Eli. At kung maisip ko man sya, andun pa din yung sakit pero hindi na kasing sakit nung dati. All thanks to Joaqui.

About his gf, he told me almost 2weeks ago na almost 2months na daw silang hiwalay. He also told me na simula nung araw na narealize nyang may nararamdaman daw sya sa'kin, nagsimula na din silang magkalabuan. Haba ba ng hair ko? Oh well, papel!

Si Chris? Ayun, naisip yata na hindi na sya makakasingit kay Joaqui kaya naggive up na.

Nasa may Starbucks ako sa baba ng building namin, waiting for Joaqui. Off nya ngayon at susunduin nya daw ako. May dadaanan lang daw sya saglit kaya medyo malelate.

I was reading an ebook in my phone when someone sat on the chair in front of me.

"Casey right?", the lady asked me.

I nodded, "I'm sorry but I don't think I know you."

"Yeah, you don't. I'm Ginny, ex ni Joaqui.", she told me.

Okay? So what is she doing here? I mean anong kailangan nya sa'kin.

"I know nagtataka ka kung bakit nandito ako ngayon sa harap mo. Hindi ko naman talaga gustong guluhin kayo ni Joaqui, masakit na hiniwalayan nya ako para sa'yo pero natanggap ko yun. Hahayaan ko na nga sana kayo eh --"

"I'm sorry if I'll sound rude but can you please stop beating around the bush? Sorry ah pero kasi kakatapos lang ng shift ko, medyo inaantok at masakit na ang ulo ko.", putol ko sa sinasabi nya.

"All right, I'll get to my point. I need Joaqui back, I'm 2months pregnant at kailangan namin sya ng magiging anak namin.", diretsang sagot sa'kin ni Ginny.

Nagulat ako sa sinabi nya. This is something I did not expect. Sa gulat ko, hindi na ako nakapagsalita at tumingin lang sa kanya. Sakto namang dumating si Joaqui.

"Ginny? What are you doing here?", sabi ni Joaqui nang makita nya kung sino yung nasa harap ko.

Tumayo ako and I grabbed my things, I turned to Joaqui and said, "I have to go. May kailangan pa kayong pag-usapan."

Tinalikuran ko na agad sila. Tinawag pa ako ni Joaqui pero hindi na sya nakasunod dahil pinigilan sya ni Ginny.

"Joaqui buntis ako at ikaw ang ama ng dinadala ko.", were the last words I heard and before I knew it, a tear fell from my eyes.

**

Hmm... anong oras na ba? Ewan, hindi ko alam. Ang alam ko lang paubos na yung bucket ng beer sa harap ko.

Ano nga bang nangyari? Ahh... pag-alis ko sa Starbucks dumiretso ko dito sa malapit na resto-bar na madalas din pagtambayan ng mga gaya kong call center agent.

I don't really know why pero iba yung naramdaman ko nung iniwan ko si Joaqui at Ginny doon. Mas masakit.

"Casey? It is you!", I heard a familiar voice sa gilid ko.

I looked up at him and smiled nang makilala ko kung sino sya, "Boss! Ikaw pala."

"Boss na naman? Sabi sa'yo Chris nalang eh. Sino kasama mo? Bakit ikaw lang?", tanong nya sa'kin.

"Wala, ako lang. Ikaw may kasama ba? Kung gusto mo, samahan mo nalang ako dito.", pag-aaya ko sa kanya.

Umupo naman sya sa tapat ko, umorder pa ng isang bucket sa dumaang waiter.

"Long time no see ah.", sabi ko sa kanya bago uminom sa baso ng beer ko.

Ngumiti lang sya at kumuha ng sarili nyang bote ng beer, "Let's just say, alam ko kung kailan ako may laban at kailan wala. Alam ko kung kailan dapat ituloy at kailan dapat itigil. In your case, wala nang laban kaya dapat nang itigil."

Napangiti lang ako sa sinabi nya. Somehow, nakarelate ako. That was when my phone rang, pagkakita ko kung sino yung tumatawag, I rejected it. Hindi pa nga ako nakuntento, so I decided to turn off my phone.

"Something wrong?", Chris asked me.

Umiling ako at ngumiti sa kanya. Pero bullshit lang, kasi tumulo na naman yung luha ko.

Napatayo naman si Chris sa inuupuan nya at tumabi sa'kin, "Hey why are you crying?"

Pinunasan ko lang yung luha ko at sumandal sa upuan ko.

"Bakit ang unfair yata ng buhay sa'kin? Paborito akong bwisitin ni Pareng Fate. Nakakabullshit lang yung feeling na ang saya kasi ginising nya ako sa isang napakasamang bangungot, tapos yung bangungot na yun napalitan ng napakagandang panaginip. Ang saya na eh, ang gaan sa pakiramdam kasi after mong bangungutin ng napakatagal, finally naging maganda din ang lahat, naging masaya ka din. Pero bullshit lang, kasi short-live happiness lang pala yun. Kasi binawi agad yung napakagandang panaginip na yun, and worst? Pinalitan ng mas napakapangit na bangungot. Bullshit di'ba? Pero wala kang magawa kundi tanggapin kasi wala ka namang ibang choice. Feel the pain, enjoy it na nga lang eh. Kasi naisip mo, sa huli magiging immuned ka din, magiging manhid.", mapait na ngiting sabi ko.

"C-Casey...", yun lang ang nasabi ni Chris.

I wiped the tears on my cheeks and smiled at him, "It's okay. Naiintindihan ko naman. They need him more than I do. Pero bakit ganun? Mas masakit yung nararamdaman ko ngayon kesa dati.".

"Kasi mahal mo na. Baka nga mas mahal mo pa kesa dati.", sagot ni Chris sa'kin.

"Sa ganun kaikling panahon? Imposible namang mas mahalin ko sya kesa kay Eli."

Napangiti si Chris sa sinabi ko, "Hindi naman nasusukat sa ikli o haba ng panahon yan. May mga pagkakataon talaga na mas mamahalin mo ang isang tao kahit sandaling panahon palang kayong nagkakasama, baka kasi sa kanya mo naramdaman yung ibang klaseng pagmamahal na hindi mo naramdaman sa iba."

Napatawa ako ng mapait sa sinabi nya. Sapul eh. Bull's eye.

"Oh well, shit happens. Sana lang kayanin ko.", sabi ko nalang bago inubos yung beer sa baso ko.

"Kung gusto mo, may maoopen na spot sa department ko. I think you qualify for that position. You can apply for it, and I'll make sure na matatanggap ka.", alok sa'kin ni Chris.

Hindi na ako nag-isip pa at agad na tumango. If keeping my distance from him will help ease this pain and will help me forget him, I will be more than willing to take every chance that will be thrown in my way.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon