*Joaqui's POV*
"Dude! Kanta ka naman.", sabi sa'kin ni Grey na inabot yung song book sa'kin.
Nasa tabi ko ngayon si Casey. Actually, nasa gitna namin sya ni Chuck habang nasa tapat namin si boss Chris na kakwentuhan nya.
Pumili muna ko ng kanta bago ko tinanong si Casey, "Anong kinain mo bago ka sumalang ng inom?"
Nagtatakang tumingin naman sya sa'kin, "Bakit?"
"Kanina ko pa napapansin na ang dami mo nang naiinom, kanina pa sunod-sunod ang tungga mo sa bote. Pero bakit parang wala ka pa'ring tama?"
"Ah bakit? Lasing ka na? Weak ka pala eh.", pang-aasar na sagot ni Casey sa'kin.
"Wala pa kong amats, pero kung ikukumpara sa dami ng nainom mo yung nainom ko, parang kalahati lang.", sagot ko sa kanya.
"Sus! Haha kumain ako ng isang pint ng vanilla ice cream kanina kaya ganito. Saka may baon akong sterilized milk di'ba? Ininom ko din kanina bago tayo nagsimulang uminom at maglason ng atay.", tumatawang sagot sa'kin ni Casey.
Kaya naman pala.
"Dude kanta mo na!", sabi sa'kin ni Grey na inabot pa yung mic sa'kin.
"Kakanta ka? Baka bumagyo ah.", pang-aasar pa ni Casey sa'kin. Kinindatan ko nalang sya.
*Casey's POV*
Anla! May amats na 'tong si Joaqui. Kakanta na eh haha! Tuwang tuwa kaya akong pinapanood na kumanta 'to, F na F eh haha!
Umiiyak na naman
Langya talaga wala ka bang ibang alam?
Namumugtong mga mata
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa?
Sa problema na iyong pinapasan
Hatid sa'yo ng boyfriend mong di mo maintindihanNawala yung tawa at ngiti ko nang marealize ko kung ano yung kinakanta nya.
May kwento kang pangdrama na naman
Parang pang TV na walang katapusan
Hanggang kailan ka ba ganyan?
Hindi mo ba alam na walang pupuntahan
Ang pagtyaga mo dyan sa boyfriend mong tanga
Na wala nang ginawa kundi ang paluhain kaBigla nyang hinawakan yung kamay ko na nasa ilalim ng mesa. Pinisil nya pa at nang mapatingin ako sa kanya, nginitian at kinindatan nya lang ako.
Sa libo-libong pagkakataon na tayo'y magkasama
Iilang ulit palang kitang nakitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi nya lang alam ang 'yong tunay na halagaAyy shete! Pwedeng magmura? Kainis si Joaqui, gusto yata akong paiyakin. Sapul eh!
Ayoko nang isipin pa
Di ko alam ba't di mo makayanan na iwanan sya
Ang dami-rami naman d'yang iba
H'wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang makita
Na lalaki na magmamahal sa'yo
At hinding hindi nya sasayangin ang pag-ibig moMinsan hindi ko maintindihan
Parang ang buhay natin ay napagtitripan
Medyo malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang syang pinapangarap koKainis naman 'tong Joaquin Marco na 'to.
Sa libo-libong pagkakataon na tayo'y magkasama
Iilang ulit palang kitang nakitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi nya lang alam ang 'yong tunay na halagaAnd it's official, within 24 hours, Joaquin Marco has slowly crawled his way up to my heart.
I'm doomed.
BINABASA MO ANG
Complicated Love
NouvellesShe's Broken and He's More Than Willing to Help Her Heal But The Oh So Fucked Up Ex Is More Than Ready To Mess Up With Them