*Joaqui's POV*
"Nasaan sya!!?", agad akong napatayo sa galit nang marinig ko kung sino ang may gawa nito kay Casey.
Agad namang tumayo si Boss Chris, habang lumapit naman sa'kin si Grey at Chuck. Tatlo silang pumigil sa'kin at pilit akong pinaupo para kumalma.
"Dude kalma. Inumin mo muna yang kape mo. Nandoon na yung lawyer na kinuha namin para sampahan sya ng kaso. Inasikaso na namin yun lahat ni Boss Chris bago pumunta dito para si Casey nalang ang kailangan nating intindihin.", sabi sa'kin ni Chuck.
Bumalik ako sa pagkakaupo ko at umupo din sila sa tabi ko.
Saktong naubos ko yung kape ko nang lumabas yung doktor na gumamot kay Casey, lahat kami tumayo at lumapit sa kanila, "How is she?", tanong ko agad.
"I hope I can say that she's fine, but I can not guarantee you that she is. She's out of danger, that's for sure, but she's still unconscious. We'll have to monitor her for the next 24 hours for any complications. Hintayin nyo nalang sya dun sa private room nya.", nagpaalam agad yung doktor matapos nyang ibalita yung lagay ni Casey.
**
"Dude babalik nalang kami bukas. Ihahatid na muna namin sila Jessie, balik nalang kami bukas after shift. Si Boss Chris na daw bahala dun sa kaso kay Ginny. At kami nang bahala magsabi kay TL na hindi ka muna makakapasok.", sabi ni Chuck sa'kin an hour after ihatid ng mga attendants si Casey dito sa room nya.
"Sige dude. Balitaan ko nalang kayo pag nagising na si Casey.".
Pagkaalis nila, kaming dalawa nalang ni Casey ang naiwan dito. Umupo ako sa gilid ng higaan nya at hinawakan ang kamay nya.
"Please baby? Gumising ka na. Hindi mo pa ako pwedeng iwan. Alam mo ba, I was asking for their help kung ano bang magandang gimik para itanong ko kung pwede bang maging akin ka na. Wala kaming maisip eh. Pero hindi na mahalaga yun, magising ka lang gagawin ko lahat ng gusto mo pumayag ka lang na maging akin.", tumulo na naman yung luha ko. Agad ko naman pinunasan yun kasi alam kong ayaw nyang may nalulungkot dahil sa kanya.
"Please Casey? Gumising ka na. Hindi ko kaya pag ganyan ka. Kahit buong buhay ko ligawan kita, ayos lang. Basta gumising ka lang. Basta alam kong di ka mawawala sa tabi ko. I love you so damn much that I can not bear the thought of you leaving me."
Hindi ko na namalayang nakatulog na ako sa tabi nya.
**
Toot toot toot toooooooot...
Ano ba yung maingay na tunog na yun? Agad akong napatingin sa life monitor sa kabilang gilid ni Casey nang marealize kong doon nanggagaling yung tunog.
"C-casey? Shit naman! Sabi ko wag muna di'ba? Wag mo muna akong iwan please! Casey naman!", tuloy-tuloy na yung pagtulo ng luha sa mata ko nang makita kong flat line na yung life monitor nya.
Agad kong pinindot yung button sa gilid ng kama ni Casey para ialert yung mga nurse na kailangan namin sila dito sa kwarto.
"Please mahal ko. Wag muna, please.", sabi ko ng paulit-ulit habang hawak ang kamay nya at hinahalikan ito.
"Sir excuse muna. Please hintayin nyo nalang muna kami sa labas. We'll do our best to revive her.", sabi sa'kin ng isa sa mga nurse na pilit akong pinalabas ng kwarto ni Casey.
Casey please, wag mo muna akong iwan.
BINABASA MO ANG
Complicated Love
Короткий рассказShe's Broken and He's More Than Willing to Help Her Heal But The Oh So Fucked Up Ex Is More Than Ready To Mess Up With Them