Ten

74 1 0
                                    

*Casey's POV*

Simula nung nangyari sa Starbucks, iniwasan ko na si Joaqui. Yun ang tama at dapat kong gawin. Tinatawagan nya ako nung una pero di ko sinasagot. Tumigil lang sya nung tinext ko sya.

Please, stay with them. Mas kailangan ka nila. Do me a favor and stay away from me.

That was the message that I sent him. Isang message lang din naman ang isinagot nya sa'kin.

I will do it, not because I want to but because you told me to. I will stay with them pero tandaan mo, I may always be with them physically but my heart will always be with you. Mahal kita Casey at walang makakapagbago nun.

After that, we're back to being strangers. Complete strangers. Nagtaka man yung mga kasamahan namin, wala naman kahit isa sa kanila ang naglakas ng loob na magtanong.

Chris is also there to help me. Aside from letting me apply to that available spot on their department, lagi din syang nasa floor namin at kasama ko tuwing breaks.

"Ivan pakisama na yung mga agents ni Carly sa huddle nyo. Di kasi pumasok si Carly eh.", sabi ng MC namin nung nagdropby sya sa station ni Ivan.

"Sige, pakisabihan nalang na pumunta sila dito para makapagstart na kami."

Few minutes later, nagulo na sa bay namin dahil sa ingay ng team ni Carly. I saw Joaqui na nakatingin sa'kin pero agad din akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Kumpleto na ba tayo?", Ivan asked. And when he saw that everyone's here, "Before we start with the discussion, I have a good news and a bad news for everyone. The good news is napromote na si Casey.", naghiwayan naman silang lahat at binati ako dahil sa ibinalita ni Ivan.

"Settle down guys. This is where the bad news comes to, because of her promotion malilipat na sya sa department nila Boss Chris. So, we only have one month left para makasama si Casey because after that lilipat na sya sa kabila."

"What!? No way! Dito ka nalang Casey please.", sabi ni Aimee na unang nakarecover sa ibinalita ni Ivan.

"Oo nga. Bakit mo naman kami iiwan dito? No! No! Dito ka nalang.", sabi Chuck na umupo pa sa tabi ko at lumabi.

"OA nyo guys. 5minutes away lang yung kabilang building from here, saka pupunta pa'rin naman ako dito every now and then. Aren't you guys happy for me?", natatawang tanong ko sa kanya.

"Casey has a point guys. Let's just be happy for her okay? Saka malay nyo naman, dito pa'rin sya maassign. Edi magkakasama pa'rin tayo. Enough with that, magdiscuss na tayo bago pa tayo macall out ni MC."

**

'Sorry I can't accompany you to lunch today. Emergency meeting eh.'

Natawa ko sa pagsosorry ni Chris. Magkausap kami ngayon sa phone at nagpapaliwanag pa dahil hindi nya ako masasamahan na kumain.

"Okay lang yun. Sasama naman talaga ako sa mga teammates kong kumain ngayon, mga nagtatampo dahil nga lilipat na ko dyan sa'yo.", natatawang sabi ko sa kanya.

'Ganun ba? Sabihin mo sa kanila I'll treat them to lunch tomorrow, baka kasi magalit sa'kin dahil kinuha kita sa kanila.'

Natawa ako sa sinabi nya, "Silly! Hindi yan noh, but anyway I'll tell them na sagot mo lunch namin bukas. Sige na, bumalik ka na sa meeting nyo. Kakain na muna kami.".

As soon as we ended the call, nagpaalam ako sa mga kasama ko para ibalik sa locker yung phone ko. Tinatamad na kasi ako magbitbit eh. But I was starting to think that it is a wrong move nung makita ko si Joaqui sa locker nya.

I took a deep breath and made my way slowly to my locker. May halong pagmamadali na inilagay ko sa locker ko yung cellphone, but before I could turn my back from him, nagsalita sya, "Are you really doing this to me Casey?"

"I'm sorry. I have to go.", yun lang ang naisagot ko sa kanya. Pero hindi pa ako nakakalakad palayo nang hawakan nya ko sa braso para pigilan.

"Sinunod naman kita di'ba? Why do you still have to do this? Yung makita ka araw-araw, yun nalang ang pwede kong gawin, yun nalang ang nagpapasaya sa'kin, and yet you will be going away? What the hell Casey!? Wag mo naman akong parusahan ng ganito!"

I yanked my arm from his hold and faced him, "I am not doing this to punish you. I'm doing kasi ito yung alam kong tama.", pagkasabi ko nyan tumakbo na ako palayo sa kanya.

Dumiretso ako sa CR at nagkulong sa isang cubicle. Hinayaan kong tumulo lang ng tumulo ang mga luha ko.

Mahal kita Joaqui at ang sakit-sakit na. I'm so sorry but I have to do this, not for us but for your child.

**

A month easily passed.

Nakalipat na ko sa department nila Chris. Everything was fine, everyone is so kind at hindi naman ako pinapabayaan ni Chris.

"Are you doing something?", Chris asked me nang sumilip sya sa station ko.

"Kakatapos lang. Why?"

"Follow me in my office. I have to tell you something.", seryosong sabi nya sa'kin.

Bakit parang gusto kong kabahan? Aish! Tumayo nalang ako at sumunod sa kanya.

"Bakit parang gusto kong kabahan?", sabi ko sa kanya as soon as I closed his office's door.

"I'm sorry that this has to happen, but I was left with no choice.", yan ang sinabi nya sa'kin.

"Cut the bullshits Chris. Kilala mo naman ako di'ba? Diretsahin mo nalang kaya ako di'ba? Para di na ko kinakabahan ng ganito.", sagot ko sa kanya.

Natawa naman sya sa sinabi ko, "Kulang tayo ng tao sa dati mong department. Nabalian ng braso si Lee at 2months na nakaLOA, we need someone to fill up his spot their dahil hindi kaya ni Neil kung sya lang mag-isa doon."

Nagulat ako sa sinabi ni Chris sa'kin, "And you want me to fill in Lee's spot?"

"I told you I was left with NO choice. Ayaw ni Neil kay Vannie dahil hindi nya makasundo. At kayo lang ni Vannie ang pwede kong iassign dun. If I'll send Vannie there, majeopardize ang trabaho ni Neil and that's the least thing that I wanted to happen. So, please Casey? Just this one, I promise you as soon as may pwedeng pumalit sa'yo dun ibabalik kita dito."

I deeply sigh and nod at him. I don't have a choice, do I?

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon