Thirteen

80 2 0
                                    

*Joaqui's POV*

What is the best, sweetest, and most unforgettable way to ask the one you love to be your girl?

Any ideas? No? Argh! I can't think of a perfect way to ask Casey to be my girl.

Alam ko naman na wala na kaming problema, na pareho kami ng nararamdaman. But still, I want her to be mine. I want everyone to know that I own her, that she belongs to me. Nakakainis kasi, alam ko naman kung ga'no kadaming lalaki sa office ang may gusto sa kanya at gusto syang pormahan. Hindi lang sila makabwelo dahil lagi akong nakabantay sa kanya, which I can say is a good thing. Pero pa'no naman kung wala ako? Eh di pinalibutan na sya nung mga yun.

I want to have that sense of security na kahit wala ako, kampante ako kasi alam kong akin sya. Insecure na kung insecure, mahal ko eh. Ang lakas ng tama ko sa kanya, hindi ko alam kung bakit but I never ever regret any of it.

"Ano dude? May naisip ka na?", tanong sa'kin ni Grey habang nag-iinuman kami.

Off namin ngayon, may shift naman si Casey. Nagkaayaan lang na mag-inuman sa team namin. Nasa bar lang kami na hindi kalayuan sa office, susunduin ko din kasi si Casey maya-maya kaya dito ko na din sila inaya na uminom. At nagpapatulong ako sa kanila na umisip ng gimik para mapasagot si Casey at maging in a relationship na kami.

"Wala nga dude eh. Kayo ba?", sagot ko sa kanila.

"Pagawa ka ulit ng banner, tapos nakalagay dun 'Will You Give Yourself The Pleasure Of Being My Girl?', okay na yun dude!", tumatawang sabi ni Chuck. Nabatukan tuloy sya ni Grey.

"Siraulo! Ang presko ng dating adik ka ba?", sabi ni Alex sa kanya.

"Why don't you just ask her? Diretsang tanong. O kaya yung tipong spur of the moment lang. Para spontaneous, hindi pilit, mas sincere.", sabi naman ni Alex na dumampot pa ng pulutan.

"Naks! Spontaneous? Pakispell nga haha!", pang-aasar ni Chuck dito.

Hindi nalang ako kumibo, napaisip ako sa sinabi ni Alex. He has a point, and I think it will be better that way.

*Casey's POV*

Babe sa labas ng building ka nalang namin hihintayin ah.

"Oh Casey nasaan na yung sundo mo?", tanong sa'kin ni Aimee habang naglalakad na kami papuntang elevator.

"Nasa labas daw sila. Uminom siguro kaya di na nagtangkang pumasok dito.", sagot ko naman sa kanya habang nilalagay ko sa bag yung cellphone ko.

Sabay-sabay lang yung oras ng out namin nung mga dati kong teammates kaya sabay-sabay na kaming lumabas. Kung papayag si Joaqui, baka magbreakfast muna kaming lahat bago umuwi.

Saktong nasa ground floor na yung elevator at palabas na kami nang bigla akong makaramdam ng kaba. Hayy pagod at antok lang siguro 'to.

Paglabas namin ng building, hinanap agad ng mga mata ko sila Joaqui. As expected nandoon sila sa lugar na lagi nilang tinatambayan pag coffee break, and as usual mga nagyoyosi na naman sila.

Napangiti naman ako nang kumaway sa'kin si Joaqui.

"Breakfast tayo ah. Sabihin mo kay Joaqui para makasama din sila.", sabi sa'kin ni Jessie.

"Sure. Tara puntahan natin sila, ayun oh.", sabi ko sa kanila na itinuro pa sila Joaqui.

Patawid na kami nang may motor na biglang humarurot sa harap namin, buti nalang nahatak ako paatras ni ate Cynthia. Pero may naramdaman akong mainit na bagay na bumaon sa tagiliran ko dahilan para mapaluhod ako at parang mawawalan na ng malay.

"Casey!", boses ni Joaqui yun di'ba? Bakit nya isinisigaw yung pangalan ko?

Naramdaman kong parang may yumakap at bumuhat sa'kin. Pilit kong ibinukas ang mata ko at nakita ko si Joaqui. Bakit parang umiiyak sya?

Pilit kong iniaangat yung kamay ko para punasan yung luha nya. Para patahanin sya at sabihing wag sya umiyak. Para sabihing wag syang magalala dahil okay lang ako, wala syang dapat ipagalala, at wag na syang umiyak kasi mas nasasaktan ako pag nakikita ko syang nasasaktan.

Pero ni isa sa lahat ng yan, di ko nasabi o nagawa kasi unti-unti na akong hinahatak pailalim ng isang napakalakas na pwersa.

*Someone's POV*

I saw him waving at her. Napasimangot ako nang makita kong nagngitian silang dalawa. Enjoy it while it lasts. Dahil sisiguraduhin kong huli na ang mga ngiti nyong yan.

Kung hindi sya magiging akin, hindi rin ako papayag na mapunta sya sa iba.

They were about to cross the street nang paandarin ko na yung motor na hiniram ko sa pinsan ko. Sinadya kong isabay sa pagharurot ng motor ang paglabas ko ng baril, itinutok ko yun sa kanya at pinaputok. Napangiti ako nang makita kong bumagsak sya dahil sa tama ng bala sa kanya.

Payback's a bitch, parang ikaw.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon