*Casey's POV*
Late na ko! Tinamad naman kasi ako bumangon kanina. Pero hindi naman totally late, mga 5minutes late lang.
Pagpasok ko ng office, dumiretso lang ako ng locker ko para iwan yung bag ko saka ako dumiretso sa production floor.
As expected, nandun na mga team mates ko. Ako nalang wala. Pero napatigil ako nang makita ko kung ano yung nasa table ko.
"Oh! Nandito na pala si Casey eh.", sabi ni Ivan sa mga teammates ko.
"Ayiee! Haba ng hair nya.", pang-aasar ni Aimee sa'kin.
"Sira! Kanino galing 'to?", tanong ko sa kanila habang kinukuha ko yung bouquet at chocolate sa mesa ko.
"Yan ang hindi namin alam. Pagdating namin nandyan na yan eh.", sabi sa'kin ni ate Cynthia.
"Baka kay Joaqui galing yan.", sabi ni Ivan.
"Hindi noh. Off nila ngayon eh.", sabi ko naman.
"Oo nga pala.", sabi ni Ivan.
Binasa ko yung card na kasama nung bulaklak. 'Lunch later?'
Hmm sino naman kaya nagbigay nito?
**
Almost lunch time na nang mapansin ko si Chris na nakatayo sa gilid ng station ko. I smiled and waved my hand at him.
Ngumiti lang sya sa'kin, inabot nya yung card na nasa mesa ko (yung kasama nung bouqet at chocolate) at ipinakita sa'kin.
"All right, I am glad that I was able to resolve all your account concerns for today. Anything else that I can help you with?", tanong ko sa customer na kausap ko sa phone. Then I hit mute on my computer and ask Chris, "Sa'yo galing?"
He nodded and said, "Nagustuhan mo?"
"Yes, thank you.", then I turned back to my customer, "I hope you'll have a great day too. Thank you for choosing us for your communication needs. Again this is Casey, bye for now!", then I hung up the call.
"Done?", Chris asked.
"Yup! I'll just note the account.", I told him.
"Saan mo gustong maglunch?"
"Kahit saan. Treat mo ba?", I teased him.
Lumapit sa'min si Ivan, "Oh boss Chris? Naligaw ka yata?"
"Inaaya ko lang mag lunch si Casey."
"Ah sa'yo pala galing yung bulaklak at chocolate sa table nya. Naks naman! Bakit ako wala?", pang-aasar ni Ivan dito.
Natawa lang kami ni Chris sa sinabi nya.
"Galing mo sa timing boss! Saktong sakto pagkaligaw mo dito. Walang bantay si Casey.", sabi na ni Ivan.
"Sira ka talaga! Lunch lang kami. Ikaw ba?", sabi ko kay Ivan nang tumayo na ako.
"Sige kayo nalang, baka makaistorbo pa ko sa inyo eh!", nanunuksong sagot nya.
Natatawang nagpaalam nalang kami kay Ivan para maglunch na muna. Dahil manager ang kasama ko, ang dami pang bumati sa'min bago kami nakalabas ng prod floor.
"Pasensya ka na ha! Bihira lang kasi ako maligaw dito dahil dun sa kabilang building ang office namin, ang dami tuloy bumabati.", hinging paumanhin sa'kin ni Chris nang naglalakad na kami papunta sa Rufo's.
"Okay lang yun.", sabi ko sa kanya.
"Wala si Joaqui?"
"Off nila."
Chris was about to say something when my phone rang, "Excuse me." I answered my phone, "Bakit?"
"Miss lang kita agad. Naglunch ka na?", sabi sa'kin ni Joaqui from the other line.
"Kakain palang. At miss agad? Halos araw-araw tayong nagkikita sa office ah.", sabi ko naman sa kanya.
"Badtrip kasi eh, di pa sabay off natin. San ka kakain?"
"Sa Rufo's. Bakit gising ka pa?"
"Hindi makatulog eh. Sino kasama mo?"
"Si Chris, he asked me out. Sige na, kakain muna kami. Matulog ka na. Good night, bye!", I told him before I hung up the phone. "Sorry, si Joaqui tinatanong lang kung naglunch na ko.", sabi ko kay Chris.
"Okay lang. Mukhang seryoso sya sa'yo?", nakangiting sabi ni Chris.
"Wala yun. Close lang talaga kami, halos sabay lang yata kami nagsimula dito eh. Saka may gf na yun, medyo matagal na rin sila."
"Well, we can never can tell.", nakangiting sagot sa'kin ni Chris.
I just shrugged my shoulders and looked at the menu in my hand para umorder na ng makakain.
*Joaqui's POV*
Ah shit! Isang shift palang akong nawawala may umaligid agad? Shit talaga.
Tinawagan ko kasi si Casey para boses nya yung huling marinig ko bago ako matulog. Kaso nakakabadtrip naman yung nalaman ko, wala lang ako may sumusulot na agad!? Bullshit lang!
Nawala na din yung antok ko sa nalaman ko, kaya nagpasya na akong maligo nalang. Susunduin ko nalang si Casey para masigurado kong wala nang asungot na lalapit sa kanya.
*Casey's POV*
Hayy salamat! Natapos din ang shift namin, kanina pa ako inaantok kaya nagpaalam na ako agad sa mga teammates ko at nauna nang lumabas sa kanila. Gusto ko nang umuwi agad.
Pero nagulat ako nang makita ko si Joaqui na nakatayo sa tabi ng locker ko.
"Anong ginagawa mo dito?", tanong ko sa kanya.
"Sinusundo ang babe ko. Mahirap na, pag wala ako kung sino-sino na umaaligid sa'yo eh.", sagot sa'kin ni Joaqui na nakapamulsa pa.
Nilapitan ko naman sya agad at tinampal sa pisngi, "Hindi ka natulog?"
Napakamot sa ulo na umiling lang si Joaqui, "Hindi na ko nakatulog after nung tawag ko sa'yo eh. Medyo inaantok na nga ako."
"Bakit kasi di ka natulog? Adik ka ba?"
"Oo, adik sa'yo.", nakangiting sabi nya sa'kin.
"Ewan ko sa'yo. Tumabi ka nga dyan para makuha ko na yung bag ko at makaalis na tayo. Inaantok na din ako.", sabi ko sa kanya, "Pakihawak muna 'to.", iniabot ko yung bouqet at chocolate sa kanya.
"Kanino galing 'to? Ah don't answer, alam ko na.", sabi ni Joaqui.
As soon as I got my bag, kinuha naman nya yun sa'kin at sya na ang nagbitbit nun. Nakasimangot naman nyang iniabot sa'kin yung bulaklak at chocolate.
Hanggang makasakay kami ng taxi, tahimik at nakasimangot lang sya. Hindi nalang din ako kumibo at pumikit para umidlip muna. Napangiti naman ako ng akbayan ako ni Joaqui at isandal sa balikat nya.
BINABASA MO ANG
Complicated Love
Short StoryShe's Broken and He's More Than Willing to Help Her Heal But The Oh So Fucked Up Ex Is More Than Ready To Mess Up With Them