CHAPTER 21

11 0 0
                                    

A/N: Early update naman tayo ngayon kasi baka mahaba na naman ang listahan sa mga gawain. ENJOY!

M E T A N O I A   |S.|D.|S|

-----------------------------------------

JIVEN'S POV


Maaga akong dumating sa venue yung tipong nag aarange pa ng pagakin ang mga tao kasi kinakabahan talaga ako, di pa nga nagsisimula pasmado na kamay ko.



Pangatlong kain ko na to, at pangatlong beses na rin ako pabalik balik sa catering area. Di ko nga maiintindihan ang sarili ko kung naiihi ba ako o natatae basta ang alam ko lang mahirap iwasan si claire ngayong araw na to, partner pa naman kami.




Presko akong dumating dito sa venue, pero nung nakita ko ulit siya sa ilang araw naming di paguusap parang feeling ko nadudugyot ako. Ang ganda nya sa suot niyang gorg royal blue fitted dress.




'Di pa ata na tapos ma tahi yun kasi kita pa yung isang parteng legs nya.'




Di ko namalayan na nakalapit na pala ako sakanya, kung nakakalusaw man ang pagtingin sakanya, kanina pa ako minomop ng janitor dito. Mas lalo pa syang gumaganda kung titigan mong maigi, ng bigla nalang siyang nag wacky yung wacking nagmumukha siyang di tao!




'Damn! Bat ko ba nagustuhan tong abnormal na to.'




"Bat ganyan mukha mo." Unang salitang lumabas sa bibig ko matapos ang mahabang di pagiimikan namin.




"Bat ka nakatingin?" Balik tanong niya.




"Wala lang, trip ko lang--- ah mukhan di pa ata tapos matahi yang gown mo ah, ang laki naman ata ng bakat patungo sa legs mo, pagtitinginan ka pa ng mga tao." sadya kong iniba ang usapan.




"Anong pinagsasabi mo? Style kaya yan, tsaka ano bang pakealam mo, kung gusto mo ikaw nalang magsuot!" Pagalit na sabi ni claire, bahagya pa siyang napa hair flip.



'Taray!'

"Sungit naman neto! Sorry na, tara pwesto na tayo dun." Sabay turo sa linya kung saan magpaparade of gowns. Inilahad ko din ang kamay ko sakanya na para ba siyang prinsesa at malaki ang ngisi ko ng tinanggap nya yon.


'Prinsesa ko naman talaga to, pero mukhang iba ata ang prinsipe nito.'





Habang naglalakad kami ay nagsalita ako ulit.




"Bati na tayo." Napanguso akong humarap sakanya




"Bakit? Nag away ba tayo?" Tanong niya.





"Nitong mga nakaraang araw di mo ako pinapansin." Mas lalo akong ngumuso at nagpapacute sakanya na parang bata, pero tumawa lang sya.




'Abay tinawanan ba naman ako, sa gwapo kong to?'




Nang nasa upuan na kami kasama ang iba pang ka table namin, naguusap usap muna kami bago I announce ng host na pumunta na sa gitna para sumayaw, ngunit bumalik si claire sa table para tawagin si allyson na kanina pa tulala.




'Ang ganda na sana ng suot niyang silver evening gown kaso para namang pasan niya ang problema ng buong pilipinas sa kakatulala niya.'




Nang magsimula kaming sumayaw bigla nalang akong napaisip kung ako ba ang unang sayaw nya? Ako din ba ang huli?





Ilang beses na namin pinractice ang sayaw na to ngunit iba ang araw na to, parang sa sandaling to sakanya umiikot ang mundo ko na tanging kami lang ang taong narito.





Love at First Warrant of Arrest (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon