CHAPTER 25

4 0 0
                                    

Have you ever feel scared, and you just can't do anything about it?

Yan ang nararamdaman ko habang papasok ako ng gate. Sadya ko sanang agahan ko ang pag pasok para maka iwas sa problema pero ngayong maaga ako mas lumaki naman ang problema.



Wala sa sarili akong naglalakad patungo sa classroom, at munti na akong ma tumba ng akmang pagpasok ko ay nagkabanggaan kami ni drake! Di ko naisip na maaga rin pala siyang pumapasok, halos di ako makagalaw nais ko sanang umalis na pero ayaw gumalaw ng paa ko.



Nakatingin siya sakin nang walang emosyon niyang mukha at nagkatitigan kami ng ilang segundo bago siya umiwas saka nag lakad palabas.


'Sana kaya kong i fast-forward ang lahat ng ito. Gusto ko nang matapos to.'



Maya-maya ay nagsidatingan na ang mga kaklase ko, parepareho lang sila ng reaksyon, nakita ko ang gulat sakanila nang makita nila ako pero pumili nalang manahimik.



Pag ungkop ng alas syete ay may narinig akong nagsasagutang habang papunta dito pero di ko makita kasi blur ang bintana paharap sa coridor dahil sa ulan.




"Sabi ko kasi sayo dapat maaga na tayo papasok ang bagal mo kasi." Rinig kong tinig ng lalaki at napapamilyaran ko ito.



"Sino ba kasing may sabi na sunduin mo'ko!" Sigaw ng babae at di ako nagkakamali ay boses yun ni claire.



"Kapal ng kubal mo ah, ikaw na nga sinundo ikaw pa galit tsaka sabay din tayo uuwi mamaya hehe." Ganti ng lalaki at di rin ako nagkakamali ng makapasok ito, si jiven nga.




"Mas makapal kubal mo, ulol. Eh sa ayoko nga pumasok ng maag---" naputol ang sasabihin ni claire ng magtama ang mata namin nakita ko pa ang pagka gulat ni jiven ng makita din niya ako.



Nakasuot ng pink oversized hoodie si claire at nakapailalim na uniform bahagyang naka two bun ponytail pa. Habang si jiven naman ay naka adidas black jacket na nakapailalim din ng uniform lag-lag din ang buhok nito habang bitbit ang kani-kanilang bag.


Ngumiti ako sakanila at bago ko pa mapagtantong tumayo at magpaliwanag ay niyakap na ako ni claire.



"Ang tagal mong di nagparamdam bruha ka." Nangingiyak niyang sabi, tumawa lang ako saka siya niyakap pabalik, bumitaw din naman siya at ang dami nang sinasabi pero di ko naiintindihan.




Nang tumingin ako kay jiven ay tila sinusuri niya ako kung ok lang ba talaga ako, binigyan ko naman siya ng isang ngiti na nagpapahiwatig na maayos lang ako, sinuklian niya din ako ng tipid na ngiti saka tumango tsaka nag fighting sign pa.




Mula sa flag ceremony hanggang sa break time ay di sila masyadong umiimik. Alam kong iniiwasan lang nilang magtanong sakin at tungkol sa pamilya ko dahil ito ay kalat na.




Kilala sila mama at papa bilang charity holders, tumutulong sila sa mahihirap (atleast yun ang alam ko.) Umaattend din sila ng mga parties at charity ball bilang maimpliwensyang taong tumutulong sa kapwa. Nagawa narin nilang bigyan ng bahay ang mga taong nasa kalsada lang at walang matirhan. Ngunit bumaliktad lahat ng malaman ko kung saan galing ang perang winaldas nila.




Kumain na lamang kami hanggang sa muling tumunog ang bell na pinapahiwatig na tapos na ang break time. Napansin ko rin na pinaguusapan ako ng mga tao habang pabalik kami sa classroom.




"Wag mo silang pansinin, insecure lang sila, just keep going and keep swimming swimming." Pakanta niya sa huling salita bago hulakhak.



Habang nagkaklase at ramdam kong may kanina pa tumitingin sakin kaya tumingin ako sa paligid habang nakatalikod pa ang teacher, nanlaki ang mata ko ng matagpuan nang aking mata si jasmine, umiwas siya ng tingin ng magtagpo ang mata namin. Tila mapula siya ngayon, ang mata niya ay hulog tila walang tulog at kakagaling lang sa pag-iyak.



"Ms. Alvarez, what are you looking at the back?" Suway ng teacher namin kaya napaayos ako ng upo at nakinig nalang.




Nagsapit ang dissmisal ay agad akong pumunta sa faculty para I pasa lahat ng projects ko at sinamahan naman ako nila jiven at claire.




Hanggang sa mag dissmisal ay pinaguusapan parin ako ng mga tao sa paligid ko pero di ko hinayaang malubog ako sa pangungutya nila dahil nandito ang mga kaibigan ko at silay pinagkakatiwalaan ko.



Hanggang sa maka sakay ako ng jeep papauwi saamin ay hinatid parin nila ako na akala moy akoy bata. Nagrereklamo ako sa kanila pero kahit anong sabihin ko ay di nila ako inalintanang pakinggan, doon laman sila umalis nang nasa tapat na kami ng gate namin.



"Oh? Pwede na ba'to? Makaka-alis na kayo." Pagtataboy ko sakanila, alam kong medyo harsh pero ayoko munang makita nila ang sitwasyon sa loob at tila nalalantang gulay, at isa pa ayokong makita nila si addyson dahil sa kalagayan niya.



Di naman sila umangal dahil umalis din sila at tuluyang nagpaalam, medyo naging close din sila sa katunayan, medyo fishy lang pero may tiwala naman ako may jiven.


'kahit na mukhang serial killer'


Mapayapa akong pumasok sa aming tahanan pero napatigil ako sa sala nang may napansin akong envelope na hawak ni nanang.


Lumapit ako sakanya upang malaman kung ano iyon at sa pag sulyap ko ay ang tumambad sakin ay ang brown envelope, sa likod ng envelope may nakalagay na 'Invitation to attend the trial'.


Tila di ako makagalaw sa kintatayuan ko, namamanhid ang buong katawan ko, kahit na di ko ito basahin ay alam ko kung ano ang pinapahiwatig nito. Napagtantong nabasa na rin yun ni addy dahil hanggang ngayon ay naka upo siya sa tabi ni nanang at tahimik na humahagulhol.



Simula pa nung nakulong sila ay di ko na inisip na daluhan sila, kasi maskit parin saakin ang ginawa nila, may nararamdaman akong awa at sinasabi ng puso ko na wala silang kasalanan kasi tumutulong naman sila sa mga mahihirap... pero mali parin eh. Wala na akong magagawa I also promised addy to let her see mama and papa.

All along, the hero that I am praising back since I was a child is a criminal.
I finally faught to seek the truth that the hero I thought that could save my life has put me in danger.











🥀11:11

Love at First Warrant of Arrest (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon