CHAPTER 14

4 0 0
                                    

Pagkadating ko ng bahay binati agad ako ni nanang at sabing wala daw sila mama at papa dahil may importante silang nilakad.

'Tss.. palagi naman'

"Mabuti pang kumain ka na muna hija, nauna nang kumain si addyson, half day lang daw sila kanina sabi niya."

"Ahh, ganon po ba. Maliligo po puna ako nanang."

Pagkatapos ko maligo ay bumaba kaagad ako para kumain at pagkatapos umakyat na rin sa taas para matulog.

Pagod ako sa kakaisip ko ngayong araw na to, dumagdag pa yung kay nanang, sa project namin, at pati ba naman kay jasmine.

Bahala na...

Sanadali pang nakalipas ay nakatulog rin ako. Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa liwanag na naaninag ng mata ko.

"Hoy bangon na, bangon! Sleeping ugly bangon na malalate na tayo!"

"Ano ba, addy! Isara mo ang bintana!" Pamamaktol ko habang naka pikit parin ang mata ko.

"Anong oras na malalate na tayo!" Minulat ko ang mata ko at tumingin sa orasan. Napabalikwas ako ng bangon nang makita kong 6:40 na! Dali dali akong naligo at bumaba na para magmadali rin kumain at naabutan ko naman si mama na tinutulungan si nanang at papa na nagbabasa ng diyaryo sa hapag kainan.

"Ma, pa. Kailan kayo dumating?" Tanong ko sa kanila. Nang tuluyan kaming makalapit samanila ay binigyan nila kami ng halik sa pisngi.

"Good morning. Kaninang madaling araw, tulog na kayo nun pag pasok namin sa kwarto niyo." Sagot ni mama.

"Halinat kumain na kayong dalawa at baka ma late kayo." Sa sinabi ni papa ay umupo naman kami at kumain. Pagkatapos as usual ay hinatid kami ni papa.

Nang makapasok na ako sa campus di ko naman maiwasang mag isip kung ano na naman ang mangyayari sa araw na to, at sa di ko namalayang nasa quadrangle na ako papalapit na sa classroom.

Pumasok sa isip ko si jasmine...
'Pumasok kaya siya ngayon?.... Ano kayang iniisip niya tungkol sakin?... Iniisip niya parin ba yung sinabi ko kahapon?..'

Sa gitna ng pagmumuni muni at pagiisip ko may bigla nalang sumingit sa likod ko.

"Good morning." Bati niya pero sa nilamon ako ng pagiisip ko, di ko si pinansin. Pero hinawakan niya yung braso ko at na siyang ikinainis ko!

"Ano ba!! Wag mo ko hawa--- Drake!" Nagulat ako at napa kurap ng ilang beses nang tuluyan akong maka harap sa kanya.

"Good morning." Hayop na ngiti niyang sabi, pero sa halip na tugunan niya ay....

"Bakit ba kasi bigla bigla nalang nanghahawak!"

Tumawa muna siya bago niya ako sinagot. "Sungit mo." Tumawa naman siya ulit tsaka seryosong ngumiti "Sorry."

'Good mood ata to ngayon'

"Mmm." Tanging sagot ko nalang sakanya, tumingin naman ako sa kamay kong hanggang ngayon ay hawak pa din niya at napansin niya ako yun kaya binitawan niya naman kaagad yun.

Pero sa di inaasahang imbes na ma lungok ako ay bigla nalang niya akong inakbayan! Kaya napatingin ako sakanya na naka ngisi na ngayo.

"Sabay na tayong pumasok." Ngiti parin niyang sabi. Kaya walang salisalitang pumasok kami... Ng magkaakbay!

Love at First Warrant of Arrest (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon