CHAPTER 2

16 0 0
                                    

S U N D A Y
(Family Day)

Nagising ako kinaumagahan ng namalayan ko ako pa palang ang gising, tinanaw ko ang orasan tapos pagka kita 4:49 Am palang, minsan lang ako gumigising ng ganito kaya ng hindi na ako makatulog sumilip ako may bintana kung saan nandoon ang veranda, kaya nung pagkalabas ko may napansin ako.


Isang lalaki!


Tapos... teka...


Nanang...??



.......

6:40 am


Nagising ako sa alarm clock ni addyson pero siya nganga parin.


Di ko parin makalimutan ang nakita ko kaninang madaling araw, at isa lang ang kinequestion ng utak ko


'Sino ang lalaking yung kausap ni nanang...?'


Sandali akong tumitig sa kisame at nag stretching, tapos tumayo para maligo. Nang matapos akong maligo pagkalabas ko ng banyo ay ayun parin si addyson tulog.


'Tsk! Palagi naman'


Kaya may na isip ako NYAHAHAHA


Dinampot ko ang isang bolster sa higaan ko tapos marahan na lumapit sakanya at..


BOGGSSHHH!!


MALAKAS NA HINAMPAS KO SAKANYA! at bahagya pa siyang nabigla at minulat kaagad ang kanyang mata na ngayon ay naka upo na sa kiahihigaan niya habol habol ang hininga. TUMINGIN SIYA SAKIN NA PARANG ALIGAGANG MANOK.


'At inaamin kong mukha siyang TANGA'


Syempre ako na matalino hinagis ko muna ang bolster bago pa siya nag mulat sa katangahan.


"HUY! Ano nangyari sayo??" kunwaring pag-aalalang tinig ko


"A-ano....." Utal niyang sabi at tulala nang nakatitig sakin.


"Nananaginip ka huy!" Sabi ko pa "Kaya ginising kita." dagdag ko.


"A-ano nangyari...??" Tulala parin siyang dilat na dilat ang mata sakin.


'WAHAHAHAHAHA TANGA!'


Gustong gusto ko na tumawa sa ka seryoso ng mukha niya, wala siyang ka alam alam.


"Binabangungot ka ata, eto oh tubig inumin mo." Sabay abot sakanya ng tubig.


Love at First Warrant of Arrest (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon