CHAPTER 10

16 0 0
                                    

Kinaumagahan, ay hindi nga kami pumasok sa umaga, wala si mama at papa sa bahay sinabi lang nila na sa hapon nalang kami papasok at may pupuntaha silang importante at babalik daw sila agad kaya si nanang muna ang magbabantay saamin habang wala sila.


"Addy, ally magaalmusal na." Pagtawag ni nanang, bumaba naman kami kaagad pagkatapos naming maligo't mag bihis.


Sa kalagitnaan ng kainan namin ay may may biglang nag doorbell kaya pinuntahan naman ni nanang iyon para tignan kung sino ang nandon, pero ilang saglit lang ay di padin pumapasok si nanang kaya bahagya akong tumayo sa kinauupuan ko at lumapit sa may doorknob para silipin si nanang, habang siya naman ay naa sa may gate at may kausap na lalaki.


'Teka parang pamilyar saakin ang lalaking iyan.'


Nagisip muna ako kung saan ko ito huling nakita at..


'Tama! Siya yung lalaking kausap ni nanang nung madaling araw!'


Maypagka langitngit ang ulap noon pero kitang kita ko na siya talaga yun, yung lalaking nakausap ni nanang nung madaling araw.


Akma nang pagtatapos ng kanilang paguusap at sasaraduhan na ni nanang ang gate, kaya nag mamadali akong bumalik sa hapag kainan at umupo doon.


"Sino daw?" Tanong ni addy na nasa tabi ko habang kumakain.


"Di ko kilala." Ikling sabi ko, ayaw ko nang sabihin na nakita ko na siya dati dahil baka dadami lang ang tanong nito, nakakatamad pa naman sa umaga.


Nang tumunog ang door knob at nakapasok na si nanang, agad namang nag tanong si addy nito. "Nanang who's that?" Tinuro pa nito ang labasan.


"Wala, delivery boy lang, nagtatanong." Pagsisinungaling pa nito.


'Delivery boy? Pano naging delivery boy, madaling araw delivery parin? Nagsisinungaling si nanang.'


"Wehhhh, baka lover boy mo yan nanang ahh" pang-aasar pa ni addy, nakita ko naman ang pag iiba ng reakson ni nanang kaya siniko ko si addy sa tagiliran.


"Ouch!" Hawak ang tagiliran niya.


"OA naman neto! Ang hina lang nun!" Pagdidipensa ko.


"Ikaw kaya sikohin ko!" Resbak niya.


"Mama mo siko!" Pang aasar ko pabalik sakanya.  Kaya napikon siya dahil alam naman niyang hindi niya ako matatalo pagdating sa ganito.


"Sumbong kita kay mama!" Sasabunutan niya sana ako kung di lang pumagitna si nanang saming dalawa.


"Tama na yan, tigilan niyo na ang asaran." Napatigil nang patigilin kami ni nanang at nag tuloy nalang sa pagkain.

Love at First Warrant of Arrest (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon