CHAPTER 27

3 0 0
                                    

Kasalukuyan kaming nasa hospital ngayon, binabantayan ko si addyson habang mahibing itong natutulog, pinauwi ko muna si nanang para maka kuha ng gamit namin.



Sabi ng doctor magiging maayos ang kalagayan nya at kailangan niya lang niya ng tulog. Pumunta din kamakailan ang psychologist ni addyson yung pinagche-checkupan namin sakanya noon at nag bilin saakin ng mga salita.





"Your sister really needs attention and care." Sabi ni doc chy pagkatapos niyang suriin si addyson na walang malay. Di ko siya sinagot dahil alam ko kung saan ito patungo.





"Kung patatagalin mo pa ito, maaring hindi lang ito ang gagawin niya." Bumuntong hininga siya bago tumingin sakin.



"Pag-iisipan ko po doc." Sabi ko.




"Hanggang kailangan? Since the first day of your check-up matamlay na talaga siya, and I can see that she is suicidal so she really needs you and your decision." Sabi ni doc.




"Di ko alam doc. God knows how much I want her to heal, pero ayoko din na malayo ako sa kanya. I don't want to be left alone, doc." di mapigilan ang pag tulo ng luha ko.





"You are a strong person, I know you can do it. It's you and your decision, think fast before it's too late." Hinawakan niya ang mahkabilang balikat ko para makaharap sakanya. "I'll settle up everything once you agree, just call me." Binigyan niya ako ng ngiti saka siya umalis.




I don't know what to feel. I don't know how to decide, para akong batang sapilitang nagmamamture dahil sa kapabayaan ng magulang. I feel so dumb at this moment. But I have to face things up, para matapos na to.

________________________



"Ate, saan ka pupunta?" Sabi ni addy. Dalawang araw na rin ang lumipas nang mahospital sya. Napatingin ako sakanya, napansin kong namamayat siya tsaka medyo maputla.



"Mag g-grocery lang." Sabi ko habang sinusuot ang sapatos ko.




"Pupunta ba tayo sa sabado?" Natigil ako sa pag suot ng sabihin niya yon.




"Diba gusto mo sila makita? Edi pupunta tayo." Seryoso kong sagot. Sa mga nagdaang araw napuno ng galit ang buong sistema ko, kinasusuklaman ko sila, ayaw ko na silang makita tutal sinanay naman nila kaming mamuhay ng wala sila.




Naringig kong bumtong hininga si addyson. "Sige." Yung lang ang sinabi niya saka umakyat sa taas. Bumuga ako ng malalim saka tinawag si nanang.




"Nanang, paki bantayan po si addy, nasa cabinet po yung gamot niya painumin nyo po pagkatapos kumain." Baling ko kay nanang na naghahanda ng pagkain.




"Sige ,hija. Ikaw, hindi ka ba kakain?" Tanong ni nanang.




"Pagbalik ko nalang po, salamat."





Umikot-ikot ako sa loob ng grocery store para ma hanap ang mga kailangan ko,kumuha ako ng mga pagkaing paborito ni addy kabilang na doon ang fererro rocher  na chocolate at slice bread, bumili na rin ako ng sea foods na pwede naming lutuin at kung iba pa.




Pagkatapos kong bilhin lahat ng pangangailangan namin ay dumiretso na ako sa counter kung saan ako magbabayad pero di paman ako tuluyang ma punta sa linya ay may bigla nalang bumangga sa balikat ko!




Tiningan ko ang bumungo sa akin at bahagyang kumunot ang noo pero nang makita ko kung sino ay napalitan ito ng kaba at takot, nanginginig ang buong katawan ko ng mahagip ang nakangising lalaki na noon palang sumusunod sakin.




Love at First Warrant of Arrest (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon