CHAPTER 13

3 0 0
                                    



Sumapit ang lunes paulit-ulit ko parin kinikwestion ang sarili ko sa mga nangyari kahapon.

'Anong kasalanan?'

'Sapat bang tawagin niyang demonyo ang pamilya ko?'

'Anong ginawa ng pamilya ko kay nanang?'

'Ang sabi ni nanang pinagtabuyan siya nito para pumunta sa ibang bansa.'

'Bakit hindi nalang umuwi si nanang?'

'Paano naging kriminal, magnanakaw, at sakim ang pamilya ko?'

'Anong mga ibig niyang sabihin?'

'Kailangan kong malaman ang totoo, naguguluhan na ako!'

"Huy!! Nakikinig ka ba?" Doon bumalik ako sa huwisyo at nabaling ang paningin ko kay claire. Nandito kami ngayon sa library para mag hanap ng article's tungkol sa ibat-ibang bansa dahil may reporting kami sa Araling Panlipunan.

"Ha? Ahhh Oo, Oo, sige.." pagkukunwaring pagsasangayon ko kahit wala naman akong naiintindihan.

"Anong Oo, Oo, sige? Pinag usapan natin kung ano ang pwede natin gamitin sa report kung power point ba or cartolina nalang." Si claire ang napili naming leader dahil siya naman ang matalino saamin. Hindi namin naka grupo si jasmine dahil dapat daw tatlo lang daw sabi ni Ms. Mendoza, kaya ka partner ko sina claire at jiven.

"Ahhh ganon ba, mas maganda kung mag power point nalang tayo para madali." Suhestyon ko.

"Agree, mas maganda pag power point para ma copy paste nalang natin sa google, I'm sure magugustuhan yon ni Ms. Mendoza, lalo na pag maganda ang designs ng slides." Singit ni jiven.

"Sige, power point it is." Sinulat iyon ni claire sa papel niya. "So, magbigay kayo ng ten countries na gusto niyong puntahan."

"Dubai!" Si jiven

"South Korea." Sabi ko

"America!"

"Thailand."

"Japan! Yemete ugh!" Napatingin ang ibang kaklase namin sa lakas ng pagkasabi ni jiven sa bawat salita niya kaya napa peace sign nalang siya dito at tinakpan ang bibig.

"Sige, lima pa." Habang sinusulat ni claire ang mga lugar na sinabi namin.

"France."

"Greece."

"Spain."

"China, brad. Gusto ko pumunta doon at gusto ko isigaw na 'SAAMIN ANG WEST PHILIPPINE SEA!!" Umakto pa ito at ipinatong ang isa niyang paa sa lamesa at tinaas ang dalawang kamao sa ere, kaya sabay kaming tumawang tatlo kabilang ang kaklase naming nakaupo malapit saamin.

"Dong, you are not allowed to make noises at the library and also put your feet up the table. You, go out ." Napatawa kami ulit ng palihim ng pagsabihan siya ng masungit naming librarian.

"Oh ayan, anong napala mo? Ha? Napahiya ka dun, hahahaha." Pang aasar ni claire.

"Tss, kj lang yung matandang yun." Pag dedepensa ni ven.

Love at First Warrant of Arrest (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon