CHAPTER 15

6 0 0
                                    

"Anong kailangan mo?" Walang emosyong sabi ko.


Pinigilan ko ang sarili kong ma tuwa dahil kahit naman nag aaway kami namimiss ko parin siya, tsaka masyadong mababaw naman ata ng dahilan ko para pagawayan namin.

"Pwede ba tayong mag usap?"

"Nag uusap na tayo." Pinigilan ko ang totoon emosyon ko.

"Sorry.." doon na tumulo ang butil ng luha niya.

'bat naman siya nag sosorry?'

"Alam ko namang siya yung dahilan ng pagaaway natin. Di ko sinasadya, wag na sana nating pag-awayan."

'Nakokonsensya tuloy ako sa mga inakto ko sakanya, ayoko namang maging kontrabida, pero kasi.... kasi naman ehh...'

"Gusto mo ba siya?" Deretsahan tanong ko na ikinatigil niya. Pinunasan muna niya ang ilang ilang butil ng luha niya bago nagsalita.

"Hindi."

'Sinungaling!'

"Ok."

"Please mag bati na tayo?"

"Sige." Sabi ko ng ikinaliwanag ng mukha niya. "Sa isang kondisyon."

"Ano yun? Kahit ano gagawin ko, wag ka lang magalit sakin." Desperado talaga siya sa sinasabi niya.

Tinignan ko muna siya ng maigi tsaka bumuntong hininga. "Ayaw ko ng nakikita kayong magkasama ni drake."

"S-sige."

Tinignan ko siyang maigi na siyang ikinatakot niya, makalipas ang ilang segundo humalakhak ako na siyang ikinabigla niya.

"Joke lang!" Patuloy parin ako sa pag tawa habang siya naman ay kunot nuong naguguluhan.

"Huh?" Tila naguguluhan siya.

"Sabi ko nagbibiro lang ako, sorry din kasi ganon ang naging pakikitungo ko sayo, may pinoproblema lang kasi ako sa bahay eh, kaya siguro sayo ko binuhos ang galit ko nun, tsaka ang babaw naman ng dahilan ko para sirain ang pagkakaibigan natin."

"T-talaga? Bati na tayo?"

"Syempre naman! Dun ka muna kela jiven at claire, may hihintayin lang ako." Tumango naman siya at sumunod patungo sa table kung saan naroon si jiven at claire.

Aktong lalabas na sana ako ng bumukas ang sliding door ng canteen at iniluwa doon si drake, dala dala ang project niya.

"Bat mo kinuha yan, dapat sa dismissal mo na kinuha."

"Mahirap na baka pag laruan ng mga bata sa labas ng faculty, ang hirap pa naman gawin toh. Tara doon na tayo, libre kita." Sabay kaming bumalik sa table namin, ng ilapag ni drake ang project na kanina.niya pang dinadala ay umalis siya sagkit para umorder.

Di ko alam ang mararamdaman ko, may parte saakin na natutuwa sa mga kinikilos pero may parte din saakin na lagtataka dahil biglaan naman ata ang pagiging active niya sa pakikipag usap sakin ng ganito.

Samantalang sa kabilang table nakita ko si claire na panay ang cheer saakin sa likod, napailing nalang ako at na tawa sa inakto niya.

"Ok class, proceed to your place with your partner." Pagkasabi ng teacher namin agad naman namin iyong sinunod.

Love at First Warrant of Arrest (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon