CHAPTER 22

3 0 0
                                    

ALLYSON'S POV

Di muna ako pumasok ng bahay dahil napagisipisipan kong sobrang aga pa para umuwi, at nakaramdam ako ng gutom kaya kahit naka evening gown at takong ako pumunta ako sa malapit na seven eleven sa labas ng subdivision para bumili ng asadong siopao at maiinom.


Minsan ang sarap din sa pakiramdam na magisa, yung eneejoy mo ang gabi habang nilalanghap ang malamig na simoy ng hanggin, idagdag mo pa sa magandang tanawin ft. Pagkain.



Ilang minutong lumipas ng tumambay ko dito nang may nakita akong dalawang sasakyan ng pulisya papasok sa subdivision, pero di ko na inalala yun dahil mas iniisip ko pa kung paano ako haharap sa klase dahil sa nangyari.



'I should distance myself from drake too, galit siya sakin, ako ang pinagbintangan niya, di niya ako hinayaang makapag explain, then so be it.'



'May ego din naman ako ah, at ayaw kong maapakan yun.'



'Ang for his information crush ko lang naman siya... ng ilang taon.'




Nang mapansin ko ang oras ay nagsimula na rin akong mag lakad papasok ng subdivision binati ko pa si kuya guard nung pag pasok ko.



"Ahh ma'am, may naghahanap po kanina sa magulang niyo." Hinarap ko si kuya guard ng pagkasabi niya.



"Sino po?" Tanong ko.



"Mga pulis po ma'am."



Bahagya akong na gulat pero agad ding naka agap. "Ano ho ang sadya nila?" Tanong ko ulit.



"Naku ma'am di ko po alam, tinanong ko naman po pero ang sabi lang nila confidential daw po." Pagpaliwanag pa niya.



"Ahh, ganon po ba. Sige po salamat po sasabihan ko nalang po sina mama at papa." Pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako at nagtuloy sa paglalakad.




Napagtanto ko na wala palang tao sa bahay, buti nalang di agad ako umuwi dun dahil ayokong ma bored tsaka baka mamaya ako pala yung huhulihin ng mga pulis sa mga kalokohan ko nun.




Nang akmang pag pasok ko ay naaninag ko ang sasakyan namin papalapit sa kinaroroonan ko ay iniluwa doon si mama, papa tsaka si addyson.



"Aba may shopping bag! Andaya nyo naman!" Bungad ko.




"Sorry anak, eto kasing kapatid mo nagpapabili ng art materials para daw sa project tapos ngayong gabi lang sinabi, kaya nung nandun kami bumili na rin kami ng gamit at groceries." Hinihimas himas pa ni mama ang buhok ko.



I don't know but I just feel safe whenever she do that. Parang pinapahiwatig niya na aalagaan niya ako sa abot ng kanyang makakaya.



Back when I was a child, I was super close with mama to the point I even told her my crush without hesitation.




Papasok kami ng bahay ng patuloy pa rin ang paguusap.




"Kamusa ang grad ball? Nag enjoy ka ba?" Tanong ni mama.



Ayokong mag sinungaling at wala rin akong balak sabihin sakanila ang mga nangyari kaya kahit labag man sa loob ko ay ngumiti ako sabing. "Opo! Nag enjoy po ako!" Sobrang nag enjoy.... I mentally added sarcastically.




"Susunduin ka sana namin doon, pero wala ka." Sabi naman naman ni papa ng masarado niya ang pinto. "Ang sabi ng kaibigan mo yung anak ng nagmamayari ng Roxas agency----"




Love at First Warrant of Arrest (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon