CHAPTER 9

6 0 0
                                    


The next class di parin pumasok si claire, rinig ko ang magkabilang chismisan room dahil wala pang kahit sinong pumapatol kay Ms. Hipon kabilang na sa mga teachers maliban nga lang kay claire.


"Nasan na ba yung busongot na butiti na yon?" Tumingin ako kay jiven na nagsalita at kanina pa kalmado na parang walang nangyari kaya di ko maiwasang magtanong.



"Alam mo, napansin ko lang kanina ka pa kalmado diyan, di ka ba natatakot baka tawagin ka sa recitation kanina?" Sabi ko.



"As if naman nag pasa ako ng index card." Yun ang sabi niya bago yumuko para matulog. Ilang beses ko prinoseso yun bago ko na gets ang ibig niyang sabihin, di ko ma pigilang mabigla!



"Siraulo ka talaga!" Sabi ko sakanya at hinahampas hampas ang balikat niya, tinawanan lang din niya naman ako.



'Baliw! Pano kung malaman ni Ms. Ocampo yun? Sigurado akong mapapahiya tong mokong na toh.'



Natapos nalang ang buong klase hindi parin bumabalik si claire, kaya nung nag dismiss na ang adviser namin sinubukan namin siyang hanapin ni jiven sa iba't ibang bahagi ng campus. Di na rin makasabay saamin si jasmine maaga daw siyang uuwi ngayon. Sa garden, sa waiting area, computer lab, sa library, sa clinic, sa guard house, sa Basketball court, at sa CR wala pa ding claire na lumitaw hanggang sa naisipan na namin puntahan ang huling option.



"Aha!! Andyan ka lang palang butiti ka kanina ka pa namin hinahanap!!" Nakita namin siyang nakaupo sa dulong upuan sa loob ng canteen na may nakahatak pang mga pagkain sa harap. Malaki ang canteen sa loob nito ay marami ding upuan. Napatingin naman si claire saamin nang marinig niya ang sigaw ni jiven.


"Ang pangit ng ugali mo legit! Di ka man lang nag aya! Bumili ka pa ng mango float!" Singhal ni jiven. Kitang kita naman ang nagkalat na lalagyan ng mango float at sari-sari pang mga pagkain.


"Sige na sige na libre ko na rin kayo." Siguro nairita na siya sa boses ni jiven kaya di na siya nakipagtalo.



At di nag tagal nilibre nalang din kami ni claire sa labas kasi bawal na daw mag tambay sa canteen sabi ng guard.  Kumain kami ng street foods, si jiven may hawak ng dalawang isaw sa magkabilang kamay, habang ako naman ay nakahawak ng isang basong kwek-kwek, kinukwento naman ni claire ang nangyari kanina. Sabi niya na pikon lang daw siya pero nanginginig at pinagsisisihan niya ang ginawa niya, maski siya hindi niya namalayan ang mga sinasabi niya at na guilty siya doon kaya tumambay nalang siya sa canteen hanggang ma tapos ang klase.

Nag maghiwalay na kami pa uwi ay naglakad na rin ako para maka budget na rin sa gastos total maaga pa naman kaya di masyadong madilim ang daan.


Nang papalapit na ako sa subdivision napansin ko na parang may sumusunod sakin pero pag tumitingin ako sa likod ay wala namang tao. Kaya binilis bilisan ko ang pag lakad at napapansin ko paring nakasunod ito sakin kaya di ko maiwasang tumakbo hanggang sa makarating ako sa gate ng subdivision lumingon ako ulit sa dinaanan ko at nakita kong nasa likod ito ng isang mahabang tanim ngunit nakikita parin siya dahil naka itim ito at tila napapamilyaran ko ang tindig niya, nang biglang..



"Ma'am sino po tinitignan niyo diyan?" Nabigla ako sa sinabi ng security guard na tagabantay ng gate ng subdivision.


"W-wala po kuya.." yun lang ang sinabi ko at nagmamadling pumasok pero may nagtulak sakin na linunin ko ulit kung saan yung taong sumusunod sakin kanina ngunit nung pag lingon ko ay wala nang tao..

Pumasok ako sa loo

b ng bahay at nadatnan ko sa loob sina mama at papa, mukhang di parin nakauwi si addyson, kaya umakyat muna ako sa taas para magbihis at bumaba kaagad para kumain, sakto namang bumukas ang pinto at bumungad si addyson, di na siya nagabalang magbihis dahil naihanda na ni nanang pagkain sa mesa. Tahimik lang ang kainan namin so I decided to start a conversation.


"Ma, pa, I saw this guy na sumusunod sakin kanina habang papauwi ako." Napa tigil naman sa pagkain sina mama at papa pati na rin si addyson, tinignan nila ako at focus ang mata nila sakin, nag senyas na ipagpatuloy ko.


"Uhm...  It's wearing all black and I think it's a 'he'. I think I saw him somewhere before. Sinusundan niya ako hangang makapasok ako sa gate ng subdivision." Pagpatuloy ko.


"Ok ka lang ba? Are you hurt? Sinaktan ka ba niya?" Sunod-sunod na tanong ni mama.


"Hindi po" umiling ako at pinagpatuloy ang pagkain. 


"Kami na ng mama mo ang bahala doon, tapusin niyo na ang pagkain at umakyat na sa taas." Seryosong sabi ni papa.


Gaya ng sinabi nito tinapos namin ang pagkain at umakyat sa taas, pinadalhan na rin kami ng gatas ni nanang.


Nagbihis muna si addyson bago siya umupo sa gilid ng kama niya para inumin ang gatas.

"Akala ko ako lang." Mahinang sabi ni addyson pero naririnig ko parin kaya nabigla ako sa sinabi niya at muntik na matapon ang gatas na hawak ko.


"Ikaw rin?!" Tumango nama n siya sa tanong ko. "Bakit di mo sinabi kay papa?!"


"Balewala lang naman yun sakin eh, kasi sabi ko sa isip ko baka fans ko lang yun, di ko naman kasalanan kung bakit ganito ako ka ganda." malungkot niyang sabi at halata namang naninira lang siya ng mood. Tinalikuran ko nalang siya ng maubos ko ang gatas, nilapag ko yun sa tabi ng lamp shade at humiga na.


Ilang saglit lang ay parang hindi ako makatulog, sinilip ko muna si addy napansin kong tulog na ito, kaya lumabas nalang ako para kumuha ng tubig na maiinom, pero pababa na sana ako ng marinig ko ang sagutan ni mama at papa sa loob ng kwarto.



"Natatakot ako art! Nandito na sila... Minaman-manan na nila ang mga bata." Humihikbi si mama habang sinasabi yun.


"Alam ko... Alam ko...wag kang mag-alala, ako na ang bahala dito." Boses yun ni papa.


"Art... Ang mga bata...." Mas lalong humikbi si mama habang paulit-ulit niyang sinasabi yun.


Bumuga ng malalim na hininga si papa bago nagsalita. "Shhhh..Tahan na....wag mo muna papasukin ang mga bata sa umaga, ako na ang bahala dito."

Love at First Warrant of Arrest (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon