Chapter 27: Bleeding

105 5 0
                                    

Gaia pov

Isang linggo na nakalipas ng magbukas kami ng karinderya sa tapat ng bahay kasama ko si Grace.

Magaling magluto si Grace ako naman ang taga serve ng mga ulam at meryenda. Dahil maganda ang mga tindera parating may bumibili saamin hanggang gabi.

" Grace andyan na asawa mo..." pagkakalabit ko sa kanya. Napatingin naman ito sa kotseng papasok sa garahe.

Hindi ko nakikita na nagbebeso ang dalawa kapag dumadating ang asawa niya... maski pag alis nito. Nahihiya kaya sila saakin?

" May ulam akong tinira sa kanya at pati meryendang spagetti..." sabi ko.

" Hindi mahilig sa spagetti ang asawa ko. Mahilig siya sa mga kakanin...." naks alam na alam talaga niya.

" Ipapasok ko na ito sa loob...pagkatapos mo ay gagawan kita ng kape"

Mahilig din kasi siya magkape. Pagkatapos namin ay kape ang gusto niya.

Paakyak palang ako ng hagdan ay agad akong naoaramdam ng sakit sa tiyan. Kaya nabitawan ko ang mga kaldero.

" Ahhh---a-ray!!!" doon na ako napapikit ng mas lalo itong kumirot sa aking tiyan.

" G-Gaia!"tawag sa akin ni Grace.

" Anong masakit sayo?" agad niya akong inalalayan .

" Hugo dalhin natin siya sa Hospital...buhatin mo na siya. "

Nakapa ko sa pagitan ko na parang may likidong umaagos.

Dugo....?

" Pakalmahin mo ang sarili mo Gaia..." Hugo na buhat buhat ko.

Binuksan naman ni Grace ang pinto ng sasakyan nila para ipasok ako. Agad na tumakbo si Grace sa loob na parang mau kinuha tsaka niya sinara ang pinto.

Nasa sasakyan palang ng nawalan na ako ng malay.

Nagising ako na puting kurtina agad ang bumungad sa aking paningin.

" Gaia...?kumusta pakiramdam mo?" Grace.

" Grace...ang a-anak ko?"

Nagkatinginan ang mag asawa.

" Grace please..."

" Ok lang ang baby mo Gaia...nagbleeding ka lang daw sabi ng Doctor sa sobrang stress. "

" Kukuha nalang tayo ng makakasama sa pagtitinda para hindi ka mapagod Gaia...baka makasama pa sa baby mo. Maselan ka daw magbuntis." Hugo.

Nabuhayan ako sa sinabi niya. Hinaplos ko ang tiyan ko.

Baby...wag mo akong iiwan ha...wag mo akong iiwan gaya ng tatay mo...

Pinagpahinga nila ako at bukas nalang daw ako pwedeng umuwi.






Deimos pov

Hindi maganda ang panaginip ko kagabi kaya naalinpungatan ako. Hindi ko na nagawang bumalik sa pagtulog. Lumabas ako ng makita kong nagtitimpla ng kape si Phobos.

" Oh di ka din makatulog?" tanong niya saakin.

" Ang sama ng panaginip ko bro...Nawala daw na parang bula ang mag ina ko."

Kumuha ito ng isang tasa at pinagtimpla din niya ako.

" Deimos ikaw ang mas matalino sa ating dalawa.....bakit mo hinayaan ang mangyari ito.? "

MY KOOKIE...... ♥️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon