Deimos pov
Araw ng kasal ni Phobos.
Magkasama kami ngayon sa Kwarto para sa pagbibihis niya.
Ginagamot ni Dexter ang bukol nito sa ulo.
" Badtrip naman kasi eh..." reklamo niya.
" ano ba kasi ginawa mo kagabi? Ok ka pa naman bago ako umalis..."
" Oo nga Boss... sino sumapok sayo?" Dexter
" nauntog nga ako....sumakto sa side ng pintuan..."
" ang dami kasing alam... sabi ng wag ka ng sumayaw... Sumayaw ka pa..."
" Maganda kasi yung dugtog kagabi... tsaka masaya kasi... palibhasa KJ ka bro.."
" nag iiyak nga itong si Drae kaya umuwi na ako. "
Bigla niya akong hinarap.
" Alam mo Bro... hindi ko alam kung may nililihim saakin si Dexie...may nararamdaman akong meron eh "
Napahinto naman ako sa paglalagay ng kurbata ko. Napalingon ako kay Drae na kumakain ng chocolate sa sofa.
" Ano ba napapansin mo?,"
" Kasi kapag sa pinsan niyang si Elo kasama.. nawawala minsan isip niya.. "
" baka guni guni mo lang... ikaw ba naman mag ayos ng kasal niyo. Ganyan talaga pag preparation ng kasal nakaka stress..."
Tinignan naman niya ako.
" Akala mo naman naranasan mong mastress sa kasal mo... Eh kayo kayo lang naman nila Manang at Dexter."
Tinapik ko nalang ito.
" Dalian mo baka hindi ka siputin ni Dexie.. "
Hapon kasi ang kasal kaya nakatulog pa ako ng maayos kaninang umaga.
Ang pogi naman ng anak ko.
" daddy labas na ako...."
" go to Manang ok? "
" yes daddy.... "
Pagkalabas niya ay pinasundan ko siya kay Dexter.
" Lumalaking kaugali ni Draven si Gaia...." biglang sabi nito.
Aaminin ko naman na kay Gaia siya nagmana ng pagka inosente.
" si Phoebe kamukha ni Dexie.. Pero kaugali mo din naman... "
Nagtawanan kaming dalawa.
Ngayon lang ulit kami tumawa ng ganito. Never pa naming nagawa noon bumalik soya dahil busy siya sa paghahanap kay Dexie noon.
Beach wedding ang kasal
Ako ang bestman ni Phobos. Si Manang ang kasama niyang naglakad sa harap. Siya na kasi ang tinuturing namin Nanay.
BINABASA MO ANG
MY KOOKIE...... ♥️
RomanceHis words is powerful... He's arrogant attitude, ruthless and merciless to anyone... His pleasure was to see you bathed in blood... To feel the pain....begging and crying like a baby's hungry. But one day.... He met this poor lady...by accidentally...