Shakira pov
Umaga na pala, tinatamad akong bumangon medyo nahihilo ako.
Bigla akong nakaramdam ng pagsusuka... agad akong tumakbo sa banyo.
Parang bumabaliktad ang sikmura ko, wala naman akong mailabas kundi tubig lang.
Kinabahan ako...napahaplos ako sa tiyan ko.
Dalawang buwan nmahigit na hindi ako nadatnan.
Hindi kaya???
Nanghina ako ng maisip ang bagay na iyon.
Elliott...
Bukas na ng umaga magaganap ang kasal. Tutol man ako ay wala akong magagawa pa.
Bumaba ako para kumain. Nang maamoy ko ang amoy ng hotdog para akong nagalit.
" Yaya... paki alis nga yang hotdog sa mesa... ayoko niyan.! pakuha ako ng. Buko pie..."
Napatingin naman saakin si Daddy.
" Shakira... are you ok? bakit bigla ayaw mo ng hotdog? Hindi ba isa yan sa breakfast mo na hindi dapat mawala?"
Natigilan ako... Oo nga ano? Bakit biglang ayoko ng amoy niya?
" Nagsawa na kasi ako dad... "
" sabi ng Mommy mo hindi ka munang lumabas.... magpahinga ka daw para maganda ka bukas sa kasal mo"
" Ok dad..."
Buko pie lang talaga gusto kong kainin ngayon.
Nang maubos ko halos isang buong buko pie doon na nagduda si dad.
Maghapon niya akong pinagmamasdan. Nasa Garden lang ako umuupo at kain ng kain ng Mangga na ang saw sawan ay soy na may asukal.
Bigla niya akong inabutan ng maliiy na paperbag.
" What is this Dad?"
Umupo ito sa tabi ko. Bumuntong hininga at nagsalita ulit.
" nasa tamang edad ka na Shakira, hindi ka na isip bata... buksan mo yan."
Binuksan ko nga.
Pregnancy Test.?
" Dad....?"
" Anak hindi ako magagalit sayo at alam ko na minahal mo ang lalaking yun... sa nagdaang buwan nakikita kitang pinamamasdan mo ang phone mo. Alam ko na litrato niyong dalawa yun..."
Niyakap ko si Daddy.
Yun nga ginawa ko ang dapat. Lumabas ako ng banyo.
Hinihintay pala niya ako.
" Dad...? "
Maluha luha akong lumapit sa kanya at pinakita sa kanya.
Dalawang linya. Ibigsabihin ay buntis nga ako.
Niyakap niya ako.
" I'm proud of you Shakira..."
" Dad paano pag nalaman ni Mommy na buntis ako?"
" Sasabihin natin sakanya ang totoo-----"
"ANONG TOTOO??"
Pareho kaming napalingon ni daddy sa pinto.
Mommy...
Lumapit siya saakin at inagaw ang hawak kong pregnancy test.
Isang sampal ang natanggap ko muli sa kanya. Sinabunutan niya ako at pinagsasampal ng ilang beses.
BINABASA MO ANG
MY KOOKIE...... ♥️
RomanceHis words is powerful... He's arrogant attitude, ruthless and merciless to anyone... His pleasure was to see you bathed in blood... To feel the pain....begging and crying like a baby's hungry. But one day.... He met this poor lady...by accidentally...