Chapter 03 : First Kiss?!

116 20 6
                                    

Kinaumagahan, ay tanghali na ako nagising. Sobrang sarap kasi matulog dahil malamig. Ni hindi ko na kailangang, i-on 'yong aircon dito sa loob ng kuwarto eh.



Matapos kong mag-ayos ay lumabas na ako para mag-almusal. Naabutan ko naman ang hudas kong kasama na umiinom ng kape at nag-cecellphone. Mapaso ka sana.



Kumuha rin ako ng tasa sa lalagyan at kumuha ng kape sa vending machine. Buti na lang at pinalagyan nila ng vending machine rito para hindi ko na kailangan pang mag-timpla. Naupo ako sa katapat na upuan ni Neil habang hinihipan ang kape ko.



"Hey. May pupuntahan tayong party later. Mom called and ipapasundo niya raw tayo mamaya." sabi niya. Napatango na lamang ako. Wala ako sa mood ngayon para makipag-sagutan sa kanya kaya ipagpapahinga ko muna ang bibig ko.



My phone rang and when I checked, it was Maui who's calling. Oo nga pala, nakalimutan ko siyang tawagan kahapon. Ni wala nga rin akong maalala kahapon except do'n sa pinagsarhan ako ni Neil.



"Hello?" bati ko. "Hey! Good morning! Ano na?! Ba't hindi mo'ko tinawagan kahapon?" As expected, mag-rarant na naman siya sa akin. Tsk.



"Look, I'm sorry. Nakalimutan na kitang tawagan kasi naging busy ako sa pag-aayos." pagdadahilan ko na lang. "Humph!" I playfully rolled my eyes.



"Tsk. Ano ba ang gusto mong gawin ko para makabawi ha?" sambit ko. Ngayon pa lang ay naiimagine ko na ang nakangisi niyang mukha na laging may naiisip na kalokohan.



"Samahan mo'ko mag-mall!" bulalas niya.



"Okay. I'll just fix myself." sagot ko at ibinaba na ang tawag. Tumayo na ako at maglalakad na sana palayo nang magsalita si Neil.



"Saan ka pupunta?" tanong niya. "Why do you ask?" I asked back, while raising my right eyebrow. He shrugged. "Nothing."



Aalis na sana ako nang marinig ko pa ang sinabi niya.



"By the way, wear some bra next time if you're going to face me. It's not like, I'm tempted, but if you're going to seduce me, try a little harder." turan niya na ikinalaglag ng panga ko at dali-daling binaba ang tingin sa aking dibdib.



Shit! Nakalimutan kong magsuot ng bra! Urgh!



Namula ang pisngi ko sa labis na hiya at inis. Hinubad ko ang suot kong tsinelas at binato sa kanya. Nasalo niya naman habang tumatawa pa.



"Pervert!" I shouted before running towards my room. Damn it! Hindi naman masyadong halata na wala akong suot na bra pero paano niya nalaman na wala nga akong suot?! Tsk! Palibhasa, playboy ang mukhang aso na iyon kaya alam na alam niya! Grr!


*****


"Oh girl, look at your face. Your eyebrows are so furrowed. Kulang na lang ay magdikitan na iyang dalawa forever." kantyaw ni Maui. Inirapan ko siya.



Nandito kami sa isang food court sa mall. Sa sobrang pagod ko kakasunod sa kanya ay nagyaya akong kumain muna. Ang tindi talaga ng babaeng 'to. Halos dalawang oras na kami nag-sho-shopping pero mukhang hindi man lang siya napapagod kakaikot-ikot. Nakakahilo kaya!



"Come on, huwag mo na isipin 'yong sinabi sa'yo ni Neil. Kung tutuusin nga, asawa mo naman siya eh." sabi niya pa kaya binato ko siya ng tissue na nirolyo ko.



The Contract Marriage [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon