Chapter 12 : Heart is Beating Loud?

65 18 2
                                    

"Darlene... Darlene, gising! Darlene! Hoy! Gumising ka na!"



Napaungot ako nang may tumanggal sa kumot ko at pilit akong hinihila para bumangon. Pilit kong kinapa ang kumot ko pero hindi ko na mahagilap kaya wala akong nagawa kundi inis na magmulat ng mga mata.



"Ahh!!" tili ko at agad na itinulak palayo ang mukha ni panget na nakatunghay sa akin. What the H?! Bakit pagmumukha niya agad ang bumungad sa akin?! Ugh! Sira na agad tuloy ang araw ko dahil sa pesteng 'to!



"Aray ko ha!" reklamo niya. Pinaulanan ko siya ng tatlong irap. "Bakit ka ba nandito?! Anong ginagawa mo dito?"



"Hoy! 'Wag ka nga diyan mag-isip ng kung ano-ano ah! Wala akong ginagawa sa'yo!"



"Wala naman akong sinasabi ah?! Ba't ang defensive mo?!"



"Tss! Bumangon ka na nga! Bibili pa tayo ng susuotin mo mamaya!"



Natigilan naman ako. "Susuotin? Bakit? Saan tayo pupunta?!" Nagulat ako ng kaunti dahil sinamaan niya ako ng tingin na para bang may sinabi akong hindi maganda. Ano bang problema niya?!



"So you actually forgot?" sarcastic niyang sabi. Napaisip naman ako bigla. "Bakit? Anong meron ngayon?"



"It's wednesday today, in case you forgot. We will be having a dinner date with my rela---"



"Oh my gosh! Anong oras na ba?! Ba't ngayon mo lang sinabi? Wah!"



Napabalikwas ako ng bangon at tumalon paalis ng kama. Tinulak-tulak ko pa si Neil na parang natulala dahil sa ginawa ko.



"Hoy!" malakas na sambit ko at napapitlag naman siya.



"B-Bakit?"



"Ay lutang ka? Sabi ko lumayas ka na at mag-reready na ako! Alis!" sigaw ko. Napakurap siya at agad namang lumabas. Para pa siyang robot habang palabas kaya nagtataka ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa makaalis na siya ng kuwarto ko. Ang weird talaga ng panget na 'yon. Tsk!



Pumasok na lang ako sa kuwarto at naligo. Nagbihis lang ako ng blue dress. Tinatamad kasi akong mag-pantalon. Pagkatapos ay lumabas na ako at nakita ko si Neil na nasa sofa nakaupo. Lumapit ako at inirapan muna siya.



"Tara na!" sabi ko. Walang imik naman siyang tumayo at nauna pa sa aking lumabas. Pati pagpasok sa kotse ay hindi niya man lang ako pinagbuksan ng pinto. Napaka-ungentleman talaga ng basahan na 'to! Hmp!



Sumakay na lang din ako at nag-cross arm. Magkatabi kami sa back seat pero pansin kong parang iniiwasan niya ako. Ni hindi rin siya tumitingin sa akin. Teka! Panget ba ang suot ko?! Napapangitan ba siya sa akin? Nababahuan? Ay wait! Bakit ba ako bothered at concious?! Duh! Maganda ako at walang panget sa akin sa mga sinusuot ko! Bahala siya diyan! Pake ko sa kanya?



Inirapan ko na lang siya kahit hindi niya naman nakita. Sumandal na lang din ako at tumingin sa labas ng bintana. Hindi naman mainit ngayon. Sa katunayan nga ay malamig pa pero hindi naman umuulan. Makulimlim din ang langit pero mukhang hindi naman uulan.


****


Buong biyahe ay wala kaming imikan na dalawa hanggang sa bumaba kami sa harapan ng mall. Hindi rin ako mapakali at nangangati na ang dila kong magtanong kung ano bang problema niya. Hindi ako concern, a. Duh.



"Panget! Oy! Doggy Neil!" tawag ko sa kanya pero nilagpasan niya lang ako at dumeretso papasok ng mall. Napanganga naman ako at napapadyak sa inis. Ano bang nangyayari sa kanya?! Nakakainis na siya ah! Ba't hindi niya ako pinapansin?! Grr!



Nakabusangot akong sumunod sa loob ng mall. Todo takbo pa ako dahil malayo na siya sa akin at malapit nang makapasok sa isang botique. Oh, edi siya na! Siya na may mahahabang legs! Kagigil, tsk!



"Ouch!" daing ko. "The F?!" Isara ba naman ang pinto kung kailan malapit na akong makapasok?! Nang-iinis ba siya?! Nauntog tuloy ang precious nose ko sa glass door. Pati yung noo ko tumama kaya ang sakit! Laking gago talaga ng Neil na 'to! Argh, I hate him!



Kuyom na kuyom ang kamaong pumasok ako ng botique at pabalibag na sinara ang glass door. Sinaway pa ako nung guard pero matalim ko lang siyang tiningnan kaya nanahimik naman siya sa takot sa akin. Mabibigat ang hakbang na lumapit ako sa isang babae na kausap si panget. Todo pa-cute pa 'yong saleslady kay Neil. Ang pabebe pa kung magsalita. Kaasar!



Sumulyap sa akin si Neil at bahagya akong inakbayan. Siniko ko naman siya. Sobra pa rin ang inis ko sa kanya. Paano na lang kung tumabingi 'yong precious nose ko dahil sa kagaguhan niya?! Edi pumanget na ang isa sa mga treasures ko!



"Ay sir, mukhang naubusan na po ng stocks para po sa mga size ng anak niyo." ani saleslady kaya napaawang ang bibig ko. A-Anak?! Gano'n na ba ako kaliit para mapagkamalan akong anak ng panget na 'to?! Atsaka! Excuse me! Ang ganda-ganda ko tapos anak ako ng basahan na katabi ko?! Bulag ba siya?!



Ngumiti naman si Neil at umiling. "She's not my daughter. She's my wife."



"E-Eh?" nasabi ng saleslady. Napangisi naman ako nang tumingin siya sa akin na parang nagulat.



Ano ka ngayon? Todo papansin ka pa sa husband ko ah!



Ay yuck! Tumigil ka nga, Darlene! Feel na feel mo ah! Tss.



Mukhang disappointed 'yong mukha ng saleslady at nagawa pa akong irapan. Well, hindi naman ako nagpatalo at inirapan din siya ng sobrang talim. Akala niya ah! Maduling sana siya. Tss! Naalala ko tuloy si Threa sa bwisit na 'to eh. Grr.



"Kung wala naman pala, edi sa iba nalang tayo. We're just wasting our time here, dealing with this freaking saleslady." sambit ko kaya inalog ako ni Neil ng kaunti. Namula naman ang mukha ng saleslady at tumingin ng masama sa akin. Papansin.



Tinanggal ko ang pagkaka-akbay sa akin ni Neil at lumabas na ng botique. Ano ba 'yan! Nakakainis! Sana hindi ko na lang kinalimutan 'yong araw ngayon at kay Maui na lang dapat ako nagpasamang bumili ng susuotin na dress sa dinner mamaya. Buong araw ko tuloy ay sira!



"Darlene, wait!" narinig ko si panget na tumatakbo pahabol sa akin at mabilis niya naman akong naabutan. Hindi ko siya hinarap at gaya ng ginawa niya kanina ay hindi ko rin siya pinansin.



"Hey, galit ka?" tanong niya. I just gave him a stare and shook my head. I'm not angry. I'm fucking pissed off. Tsk! "Uy! Magsalita ka nga." sabi niya pa.



Nagpatuloy ako sa paglalakad at napatigil lang nang hilain niya ako paharap sa kanya. Hindi ko maintindihan ang mga tingin niya. Parang nagtataka at nangungusap ang malamlam niyang mga mata. Napatitig naman ako sa mga iyon at pakiramdam ko ay bigla akong nanghina.



His stares are making me weak, shit this.



"What's the matter? May problema ba? Galit ka?" pati boses niya sobrang malumanay. 'Yong inis na nararamdaman ko kanina ay para bang nawala na lang bigla dahil sa mga titig niya. 'Yong boses niyang parang naglalambing ay pinagaan ang loob ko.



Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at mas lalo akong tinitigan. Hindi ko maialis ang tingin ko sa mga mata niya. Para akong nahihipnotismo na ewan. Tila umurong din ang dila ko at hindi ko magawang magsalita. Napalunok ako.



Kumakabog din ang dibdib ko na parang gusto lumabas ng puso ko. Mas lalo itong lumalakas nang binasa ni Neil ang ibabang labi niya at gumalaw ang adam's apple niya. Para na akong napako sa kinatatayuan ko at parang isang estatwa na nakatitig kay Neil.



What is happening? Why does my heart is beating so freaking loud? What is this feeling? Just, wtf?!

The Contract Marriage [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon