Chapter 34 : Hold On, I Still Love You

57 15 3
                                    

Simula nang mag-kamalay si Neil, marami na ulit nagbago. Ang malungkot na mga mukha namin ay napalitan ng saya at tawanan. Mabilis din ang kanyang paggaling kaya makalipas ang tatlong araw ay na-discharge at nakalabas na siya sa ospital.



And little by little, we are going back on what we were used to be.



Pero tulad ng dati, malabo pa rin ang relasyon namin. I admit, I still love him. Mahal na mahal. Subalit wala siyang sinasabi sa akin tungkol sa nararamdaman niya. Hindi ko nga rin sigurado kung may katotohanan nga ba 'yong sinabi niya noong araw ng kasal nila ni Threa na naudlot, na mahal niya pa rin ako. Though, ayoko namang umasa na naman. Willing akong maghintay kung kailan niya lilinawin ang tungkol sa amin. Hindi naman kailangan magmadali siguro, ano?



Hindi rin mawala sa isipan ko ang sinabi niya dati nang magising siya. He said he's going to marry me again. Para akong nabudburan ng asin no'n at gustong maglupasay ng kaluluwa ko sa kilig. Para akong timang nang lumabas ako sa kuwarto niya para bumili ng makakain. Ayun na lang ang ginawa kong rason para hindi niya makita ang nangangamatis kong mukha. Kainis talaga siya. Tsk.



Wala tuloy mapaglagyan ang sayang nararamdaman ko. Hinihiling ko na sana magtutuloy na ito. Hindi man laging masaya pero atleast, hindi na gaanong karaming problema.



Sa ngayon, abala ako sa pag-aayos ng condo ko. Ngayon ko lang kasi napansin na super plain at boring ng condo ko. Hindi ko kasi 'to napapansin dati dahil nga wala naman akong ibang ginawa dito kundi umiyak at magmukmok. Basta na lang ako naglagay ng mga gamit dito noong ibigay 'to sa akin nina daddy. Kasama ko ngayon si Maui dahil tutulong daw siya.



"Ang saya natin ngayon, a?" puna niya at nakangisi sa akin ng nakaloloko. Inirapan ko siya.



"Heh. Kung ano-ano na naman napapansin mo." sabi ko. Tumawa siya at pabirong hinila ang buhok ko. I tsked.



"Ikaw, a! Ano na balita sa inyo ni bebe Neil mo?!" aniya. What the---?! Bebe talaga? Siraulo talagang babaeng 'to.



"Gaga! Walang balita at hindi ko siya bebe!" sagot ko.



"Hindi raw! E, ang sweet-sweet niyo nga dati sa ospital, e!" pang-aasar niya.



"Nyenye. Shut up!" sabi ko at binato siya ng hawak kong plastic na may lamang cottons. Panay tawa naman siya. Kabwisit. Kurutin ko diyan tiyan niya, e. Joke.



"Pero seryoso nga! Kamusta na ba kayo? Kayo na ba ulit?" tanong niya. Ngumuso ako at nagkibit balikat.



"Ewan ko. Waley naman siya sinasabi, e." sagot ko. Totoo naman kasi. Hindi ko nga alam kung kami na ba ulit o ewan ko lang talaga. Halos hindi rin kasi kami nagkikita nitong nakaraan dahil busy siya sa mga trabaho na naiwan niya dati. Ayaw pa nga sana siyang pagtrabauhin nina tita pero mapilit siya. Kailangan niya daw tapusin ang mga iyon para 'kuno' sa future, wala na siyang gagawin at makaka-focus na siya para sa amin. Oh 'di ba? Ang labo pa rin.



"Nga pala, girl. May appointment ako later pero hindi ako makaka-attend kasi may date kami ni Nash," aniya. Tumaas naman ang kilay ko. "Pwede bang ikaw na lang ang pumunta?" Sabi ko na nga ba. Loka talaga ang babaeng 'to. Uunahin pa ang date kaysa sa appointment niya.



Umirap ako. "Anong appointment ba?"



"Appointment! May kikitain dapat akong you know, guy later about sa bussiness nina mommy," wika niya. Oo nga pala. Nang malaman ng mga magulang niya na buntis siya ay pinag-resign na siya ng mga ito sa dati niyang trabaho at doon na siya sa kompanya nila pinagtrabaho. Tinutulungan naman siya ni Nash kaya wala namang problema.



The Contract Marriage [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon