Chapter 11 : Back to Normal

77 18 1
                                    

"What have you done this time, Darlene Sachzna Gomez?!" isang malakas na sigaw mula kay daddy ang natanggap ko pagkapasok niya pa lang ng bahay namin. Wala naman akong reaksiyon at tahimik lang na nakatayo sa harapan niya.



Kasama niya si mommy na nag-aalalang nakatingin sa akin. Katabi ko naman si Neil na tahimik lang at parang nakikiramdam. Nasa likuran ko din ang isa niyang kamay na para bang pinapakalma ako kahit wala pa naman akong ginagawa.



"Bakit hindi ka sumasagot?! Bakit mo ginawa iyon kay Mrs. San Juan?!" dagdag niya pa. Nangangalaiti siya sa galit at hindi ko alam kung bakit. Gano'n ba talaga ka-big deal iyon para sa kanya? Alam ko naman na makapangyarihang tao ang mga San Juan pero bakit ganito kung maka-react si daddy? Dahil nga lang ba talaga sa pagiging makapangyarihan ng mga ito o dahil dati niyang babae ang gurang na iyon?



Nakatingin lang ako sa kanya gamit ang malalamig kong mga mata. Again, hindi ako sumagot. Baka kasi oras na sumagot ako ay hindi niya magustuhan ang mga salitang lalabas sa bibig ko kapag nagkataon. Wala pa naman ako sa katinuan ngayon dahil nasasaktan pa rin ako sa mga sinabi ni Mrs. San Juan kanina. Nakakabwisit.



"Hon, calm down. I'm sure may dahilan naman si Sachie kung bakit niya ginawa iyon." sabat ni mommy at hinawakan ang braso ni daddy pero nagulat kami pareho nang iwakli iyon ni daddy.



"Huwag mo ngang pinagtatanggol ang batang ito! Lagi na lang siyang ganito! Akala ko ba ay nagbago ka na ha, Darlene? Bakit bumabalik ka na naman sa dati?" Napatawa ako ng mapakla. Parang ilang sandali na lang ay maiiyak na naman ako.



Nagbago? Ako? Hindi ako magbabago kung hindi dahil sayo daddy.



"Bakit? You're asking me why, dad? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung bakit nga ba ako nagbago?" balik-tanong ko at nginisihan pa siya. Natigilan naman siya at nakita ko naman ang mga mata ni mommy na parang nagmamakaawa na huwag na akong sumagot pa. Hinawakan rin ni Neil ng mahigpit ang isa kong kamay.



"Kita mo na, Sol?! Sawayin mo mga ang anak mo!" baling niya kay mommy.



"Sachie, pumunta ka na muna sa kwarto mo. Neil, pakisamahan siya. Mag-uusap lang kami ng daddy mo." ani Mom sa malumanay na boses. Napalunok ako dahil parang nakita ko na naman ang dating mommy ko sa tuwing nag-aaway sila ni daddy noon.



"Tandaan mo 'to, Darlene. Oras na wala akong makuhang magandang dahilan mula sa'yo kung bakit mo 'yon ginawa, ay hindi mo makukuha ang condo mo this december!" pahabol ni daddy. Edi, hindi. Lagi naman, e.



Pumasok na lang ako sa kuwarto ko at isasara na sana nang pumasok din si Neil. Tiningnan ko siya ng nagtatanong pero wala naman siyang sinabi at siya na ang nagsara ng pintuan. Gusto ko sana siyang palabasin pero huwag na lang siguro.



I sighed and walked towards the window of my room. Naninikip na naman ang dibdib ko at parang mamaya ay maiiyak na naman ako kaya kailangan kong pigilan ang sarili ko. Nakakahiya naman kung iiyak na naman ako sa harap ni panget. E, hindi naman kami close. Duh.



"Okay ka lang?" tanong niya at sumandal sa tabi ko. Tumaas naman ang kilay ko.



"Malamang. Bakit naman ako hindi magiging okay?" mataray kong sagot. Ngumiti naman siya. "Wala lang. Mabuti naman at okay ka. Mataray ka na ulit, e."



"Tss. Wateber, doggy Neil!" sambit ko. Napakunot noo naman siya.



"What? You're calling me doggy Neil again? Ang guwapo ko namang aso." sabi niya, na halatang nagyayabang.



The Contract Marriage [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon