Chapter 10 : Her Tears

82 18 1
                                    

I am now sitting on the swing while staring from nowhere. Madalas ko ring sinusulyapan ang mga batang masayang nag-lalaro sa park. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng inggit sa kanila.



Bata pa lang ako noon, nang ma-witness ko kung paano magtalo ang mommy at daddy ko dahil sa isang babae. My mom told me that dad is having an affair with another woman. Hindi ako naniniwala noong una pero habang tumatagal sila sa pagtatalo ay naniwala na ako. I saw how dad yelled at my mom and the first time I saw her slap mom on the face. Dahil sa murang edad ay wala lang iyon sa akin pero alam ko sa sarili ko na masakit makitang gano'n ang parents ko.



Sa tuwing pumapasok ako sa school ay mga maids and drivers ang naghahatid-sundo sa akin. Kaya rin siguro ako madaling mag-tiwala at mapalapit sa iba dahil kahit kailan hindi ko naranasang mahal ako ng sarili kong mga magulang. Napaka-inosente ko noon at kahit kani-kanino naniniwala. Madali rin akong mauto at may mga pinapagawa silang bagay na ikakasama ko lang naman pala sa huli.



I become an attention seeker because of that. Gusto ko lahat ng atensiyon ay nasa sa akin. Malakas rin ang loob ko na mambully dahil mayaman naman ako. Masaya ako at maldita sa school samantalang iyakin at malungkutin ako sa bahay. Araw-araw nag-aaway pa rin sina mommy dahil sa iisang dahilan.



Kaya noong mag-highschool ako ay ginawa ko ang lahat para hulihin si daddy at malaman ko kung sino ba ang babae niya. Doon ko nakilala si Mrs. San Juan. Simula noong makilala ko siya ay kumulo na agad ang dugo ko. Hindi sa galit at inis dahil sa ginawa niyang pag-landi sa daddy ko kundi dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan.



I started searching some things about her and that's when I found out that she was a prostitute at kung sino-sinong lalaki na ang naikama siya. That's why sinasabi ko na laspag na siya. Puro mayayaman ang tinitira niya at kahit nasasaktan siya sa huli ay balewala lang 'yon sa kanya basta, magkaroon siya ng pera. Doon ako mas lalong nagalit sa kanya dahil pineperahan niya ang daddy ko.



Sinabi ko lahat nang nalaman ko kay mommy at doon na siya nagbalak na umalis na sa bahay at iwan na namin si daddy. At dahil siguro doon ay natauhan bigla ang daddy ko. He said, he can't afford to lose us kaya ang ginawa niya ay tinigil niya na ang pakikipagkita doon kay Mrs. San Juan at kahit kailan ay hindi na siya nambabae pa.



Bumalik man kami sa dati ay naroon pa rin ang galit sa puso ko at hanggang ngayon ay naririto pa rin. Matagal ko ng gustong awayin at pagsalitaan ng kung ano ano si Mrs. San Juan pero hindi ko ginagawa dahil kahit papaano ay nirerespeto ko pa rin siya. Pero dahil sa ginawa niya ngayon ay hindi na ako nakapagpigil at napatulan ko na siya. Alam kong mali dahil oras na makarating 'to kina mommy at daddy ay siguradong magagalit sila sa akin and worst, baka hindi na nila ituloy ang pagbili sa akin ng condo.



I wiped the tears that escaped from my eyes when someone called my name.



"Darlene..." Hindi ako lumingon dahil kilala ko na siya agad sa boses pa lang. I don't want him to see how miserable I am pero wala na akong magagawa. Nakita niya na eh.



"Tatawa ka? Sige lang. Laugh at me hanggang gusto mo. Hindi kita aawayin. O baka naman susumbatan mo rin ako at kakampihan si Mrs. San Juan. Do it, I'll accept them." malamig na sabi ko. "Tutal naman totoo ang lahat ng 'yon 'di ba? I'm a seeker of love from my parents, 'di ba? Bastos ako, walang modo. Isang bitch na---" hindi ko natapos ang sinasabi ko nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.



Hindi agad ako nakapag-react at parang naestatwa sa kinauupuan ko. Patuloy na rin sa pag-agos ang mga luha ko na parang wala ng katapusan.



"I'm not going to laugh at you nor be angry at you. Just let it out, Darlene. I promise hindi kita tatawanan and I'll pretend that I didn't see anything. After that, let's talk, okay?" mahinahon niyang sambit at sobrang gaan sa pakiramdam na pakinggan ang boses niya.



Niyakap ko siya pabalik at nagsimula ng humikbi. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na umiyak nang umiyak. Tutal nangako naman siya, e. Subukan niya lang na wag tuparin 'yon at makakatikim siya sa akin ng sapak.



Panay naman ang hagod niya sa likod ko at hinahalikan pa ang tuktok ng ulo ko na parang pinapakalma ako and I admit, it calms me down. 'Yong galit na nararamdaman ko ay bigla napawi. Sobrang nakaka-relax ang ginagawa niya.



Nanatili kami sa ganoong posisyon at sampung minuto na siguro ang lumilipas ay hindi ko pa rin siya binibitawan at gano'n din siya. Patuloy pa rin siya sa paghagod sa likod ko. Gusto ko nga sanang gano'n na lang kami forever pero hindi pwede. Baka mag-assume na naman 'to at lumaki ang ulo, e. Psh.



Bumitaw na ako at huminga ng malalim. Naupo na rin siya sa kabilang swing at tumitig sa akin.



"Gusto mo ng ice cream?" tanong niya. Napaharap naman ako sa kanya and I saw how he is staring at me so deeply. Medyo nakakailang rin kaya tumango na lang ako. Tumayo naman siya at bago lumapit sa nagtitinda ng ice cream ay nilingon niya muna ako at nginitian ng tipid.


****


"Ayaw ko nga niyan! Gusto ko mango!" tanggi ko at panay tulak sa kanya ng chocolate ice cream na binibigay niya sa akin. Laking bobo naman kasi. Sana naman tinanong niya muna ako kung ano gusto ko bago siya bumili. Eh ngayon tuloy ay nagtatalo pa kami.



Isang mango at chocolate ice cream kasi ang binili niya. Tapos mango pala ang gusto niya, eh 'yon din ang gusto ko, e.



"Ih. Akin 'tong mango. Sa'yo na 'tong chocolate." pilit niya pa pero hindi ko pa rin kinuha at nag-cross arm. "Ayaw. Humph."



Napabuntong hininga siya at binigay na sa akin ang mango kaya napangiti naman ako ng malaki na agad kong binawi. Masyado na yata akong ngumingiti kapag kasama siya ah.



"Thanks." sabi ko at sinimulan ng kainin 'yong ice cream na medyo tunaw na dahil sa pagtatalo namin. Tahimik lang kami at as in super awkward. Pareho kaming busy sa pagkain---



"Nasaan na yung sa'yo?!" naitanong ko nang makitang wala siyang hawak na ice cream nang humarap ako sa kanya. Ngumiti siya. "Binigay ko do'n sa bata." sagot niya. Napatingin naman ako doon sa tinitingnan niya. Isang batang lalaki na marungis ang kumaway sa amin.



"Pero bakit?" tanong ko nang humarap ulit sa kanya pero hindi siya tumingin sa akin. May ngiti pa rin sa labi niya na nag-eenjoy akong pagmasdan. Hoy! Wala 'yang ibang meaning ah! At hindi ako defensive! Tsk!



"Wala lang. Nakakatuwa kasi silang makita na nakangiti tapos masayang kumakain ng binigay mo. I know I might sound like a gay pero nakakapanlambot ng puso na makita 'yong mga ngiti nila." sagot niya. Bigla namang kumabog ang dibdib ko habang nakatitig sa naka-side view niyang mukha. Anong nangyayari sa akin? Aatikihin ba ako sa puso?



Gusto kong alisin ang titig sa kanya pero hindi ko magawa. Ang gwapo niyang tingnan habang nililipad ng hangin ang buhok niyang medyo magulo. Abala ako sa pagtitig sa kanya kaya hindi ko na napansin na nakaharap na pala siya sa akin.



Kung hindi pa siya sumigaw ay hindi pa ako matatauhan ng tuluyan.



"Darlene, 'yong ice cream mo!" bulalas niya at doon ko lang naramdaman ang malamig na bagay na pumapatak sa kamay ko. "Shit." sabi ko nang makitang tunaw na ang mango ice cream ko. Napanguso na lang ako at binigyan niya naman ako ng panyo na agad kong tinanggap.



Shit ka talaga, Darlene! 'Yan kasi titig pa! Mamaya niyan mag-assume na naman 'yan dahil sa kagagahan mo. Psh!

The Contract Marriage [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon