Chapter 21 : Officially Together

63 15 1
                                    

It's been days since Neil confessed to me. Those days felt so unreal for me. Hindi pa rin ako lubos makapaniwala na mahal niya din ako at mas matagal niya na raw akong minamahal. I'm so damn happy.



After that night, our feelings became mutual. Pero may kinaiinisan ako ngayon. Hindi ko pa rin kasi alam kung ano na ba talaga kami. O kung meron na nga bang 'kami.' Hindi niya kasi nililinaw. Panay, 'I love you' siya sa akin pero wala pa rin kaming label.



"What are you thinking?" I came back from my senses when he suddenly rested his head on my lap. Narito kami ngayon sa may sala at nanonood ng action movie. Ngumuso naman ako at umiling. Hinaplos ko ang buhok niya at pumikit naman siya. Napasimangot na naman ako. Ang sweet-sweet namin sa isa't-isa pero wala pa ring---urgh. Darlene, 'wag ka masyadong atat. Hayaan mong siya ang magsabi no'n.



Pero ayoko na. Magtatanong na ako. "Neil?" I called him. "Hmm?"



"A-Ano... Ahm." Ba't ako kinakabahan?! Shuta! "Ano?"



"Ano na ba tayo?" Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Napaiwas ako ng tingin lalo pa nang magmulat siya ng mga mata at tumingin sa akin. I can feel his stares and smile. Hindi ko alam pero naiinis ako! Parang timang naman kasi, e! Grr!



Nang sulyapan ko siya ng bahagya ay nakita kong nakangiti siya ng malaki habang kagat ang ibabang labi. What the---?! Is he seducing me?! Oh god! Ano bang iniisip mong isip ka?! Bastos mo, a! Humph!



"Why are you grinning like that?" naiirita kong tanong. He hold my hand and kissed the back of it. Halos maglupasay naman ang kaluluwa ko sa kilig dahil sa ginawa niya. Nandito pa rin 'yong parang kuryente sa katawan ko sa tuwing nagdidikit ang balat naming dalawa.




"You're blushing." sabi niya kaya mas lalo akong namula. Nagwawala na naman ang puso ko dahil sa mga ngiti at ginagawa niya. "Tse!"



"Pero seryoso nga? Ano na nga ba tayo?" pag-uulit ko sa tanong ko. Tumigil naman siya sa pagpisil ng kamay ko at tumingin ng diretso sa mga mata ko. Napalunok naman tuloy ako. Bakit ako kinakabahan?



"Ano na nga? Ano? Tititigan mo lang ako? Uso sabihin kung may label na ba tayo o wala." may bahid ng kaunting inis ang boses ko. Kasi naman! Tumititig lang siya sa akin pero hindi naman nagsasalita. Ano 'yon? Sobrang ganda ko ba? Baka nga. Mala-anghel pa naman ang mukha ko kaya hindi na nakapagtatakang ma-starstruck siya sa akin. Swerte niya talaga. Siya na si doggy Neil before, mahal na mahal ngayon ng isang Darlene Sachzna Gomez? Hah!



"Ano ba---"




"You're mine and I am yours. I love you and you love me. I guess that's enough right? Atsaka, mag-asawa naman na tayo. Kaya akin ka na sa simula't sapul 'di ba?" nakangisi niyang sagot. Napairap naman ako kasi kinikilig ako sa sinabi niya. Pero, hindi pa rin ako convinced. Medyo malabo kasi 'yong sagot niya. Gusto ko kasing marinig 'yong talagang sagot kung ano na ba talaga kami.




"Humph! So ano 'yon, speed? Porke mag-asawa na tayo, 'di mo'ko liligawan?" nakangusong sambit ko. Natawa naman siya at muling hinalikan ang likod ng palad ko.




"Handa akong ligawan ka, kahit araw-araw pa."



Marahan kong pinitik ang noo niya. Bwisit talaga 'to. He didn't fail on making me flutter and fall for him even more. Wala tuloy mapaglagyan ang nararamdaman kong saya ngayon. Akala ko talaga nananaginip lang ako, dahil kung sakali mang oo, ay ayoko nang magising. Ayokong mawala ang sayang nararamdaman ko ngayon.



"Okay ka lang? Ba't natulala ka?" nag-aalalang tanong niya. Napailing naman ako at ngumiti. "Wala. May naisip lang ako."



"Ano 'yon?" curious niyang tanong. Titig na titig siya sa akin at parang hinihintay ang sasabihin ko.



The Contract Marriage [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon