Chapter 26 : Tragedy Has Come

49 15 3
                                    

Ilang oras na akong naglalakad at lumalalim na rin ang gabi. Hindi ko na alam kung saan ba ako patutungo dahil lumilipad ang isip ko at wala sa sarili. Pasalamat ko na lang na walang mga tambay akong nakakasalubong sa daan. Pamilyar na sa akin itong dinadaanan ko pero hindi ko alam kung nasaan na ako. Ugh. I think I'm lost. Nakakainis!



Napaigtad ako nang biglang may bumusina sa may gilid ko. Nang lumingon ako ay may nakita akong kotse na nakahinto sa gilid ko at sobrang sama ng tingin sa akin nung driver. Dang it. Saka ko lang napagtanto na nasa gitna na pala ako ng kalsada. Dali-dali akong gumilid at inirapan muna ako nung babaeng driver bago pinaharurot ang sasakyan niya. Ang sungit naman nun. 'Kala mo naman kinaganda niya 'yong pag-irap niya. Duh. Napa-rolled eyes na lang din ako at nagpatuloy sa paglalakad.



Ngayon ay naka-focus na ako sa nilalakaran ko. Baka kasi mamaya sagasaan na ako ng mga kotse oras na nasa gitna na naman ako ng kalsada. Ayoko pang mamatay na 'no. Pipigilan ko pa sina Neil ko.



Humikab ako, na sinundan nang pagkalam ng tiyan ko. Takte. Wala pa pala akong kain simula pa kanina. Ugh! Tinapik ko na lang ang sikmura ko pero agad ring napaungot nang kumirot ito dahil masakit pa rin pala. Bwisit na lalaking iyon. Oras talaga na mabawi ko si Neil ay babalikan ko siya. Ipapakatay ko siya at ipapakain ko sa mag-inang San Juan ang laman niya. Pero siyempre, joke lang. Kadiri kaya iyon.



Grabe. Nasaktan na nga ako't lahat, nagagawa ko pa ring mag-joke at magsabi ng mga kalokohan. Pinipilit ko man maging maaliwalas ang mukha ko ay hindi pa rin ako mapakali. Natatakot ako na baka mahuli ako ng dating.



Well come to think of it. Hindi pa naman pwedeng magpakasal sina Threa at Neil dahil kasal pa kami ni Neil 'di ba? At kung magfa-file naman ng annulment ang lechugas niyang auntie ay kailangan ng pirma ko. Ah! Kaya pala hindi pa rin ako pinapakawalan ng gurang na iyon. Ang talino nila, pero sorry sila. Mas tuso at mas matalino ako. Mabuti na lang at nakalayo na ako sa abandonadong lugar na iyon dahil alam kong oras na malaman ng mga bantay na nawawala ako ay tatawag 'yon panigurado sa amo nila and worst, baka mas lalo nilang madaliin ang kasal dahil nakatakas ako. Pero hindi ako nagsisising tumakas ako. Alam kong pahihirapan lang nila ako, makuha lang nila ang pirma ko.



My signature is as precious as my tears na hindi nila makukuha nang basta-basta lang. Tsk!



Huminto ako nang makarating ako sa tapat ng isang botique na tangi at nag-iisang bukas pa sa mga oras na 'to. Bumilis ang tibok ng puso ko at ewan ko ba kung bakit malakas ang pakiramdam ko na nandito sina Neil. Napatago ako bigla nang may bodyguard na tumingin sa direksiyon ko. Sinasabi ko na nga ba. Hindi ako nagkakamali. Kilala ko na ang mga bantay nila.



Muli akong sumilip at nag-isip ng plano kung paano ako makakapasok sa loob nang hindi nakikita ng mga body guards na iyon. Shit. Think, Darlene! Use your freaking my mind and think some amazing moves! Ugh!



"Need some help?" Halos mapasigaw ako sa gulat at buti na lang ay natakpan niya agad ang bibig ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Nashlee sa harapan ko. Sinenyasan niya akong huwag maingay kaya tumango lang ako. Tinanggal niya na ang hawak sa bibig ko.



"Anong ginagawa mo dito?!" mahinang sambit ko. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa mukha ko. "You look like a mess. Hard-headed girl." sabi niya at pinitik ang noo ko. Tiningnan ko naman siya ng masama.



"Ano nga pala 'yong ibig sabihin ni Maui kanina ha? Siguro may alam ka do'n 'no?! 'No?!" sabi ko at nagkibit balikat lang siya. Nakakainis! May alam ba sila tungkol sa mga nangyayari ngayon?! Kung may alam sila, bakit hindi nila sinasabi sa akin?! What the fuck?! Eto ba 'yong sinasabi ni Maui na ayaw niya akong masaktan?! Pero hindi ba nila naisip na mas lalo akong masasaktan oras na malaman kong sinesekreto nila 'to sa akin?!



The Contract Marriage [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon