Chapter 13 : Unfamiliar Feeling

60 16 1
                                    

"Sure ka, Maui? Okay na ba? Baka ang panget?" nakangiwi kong saad habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin. Nandito kami sa loob ng kuwarto ko at kasama ko si Maui dahil siya ang nag-ayos at nag-lagay saa kin ng make-up.



Ngumiti naman siya at nag-thumbs up. "You look so pretty, ghorl. Okay na iyan!"



I looked at myself again. I'm wearing a pink dress with flowers on the waist. It's a formal dress after all. My hair was perfectly braided and form into a messy bun. Maui curled my side bangs. She also put a silver clip on the side of my head. The make-up that she applied on my face was just simple yet so beautiful.



"Huwag mo nang titigan dahil super ganda mo! Sureball na mapapanganga si Neil kapag nakita ka niya." sabi niya kaya napairap ako at sumimangot. Bakit ba kailangan niyang banggitin ang pangalan ng lalaking iyon? Tss.

Simula kanina ay iniwasan ko na siya. Hindi na kasi tumigil sa kakatibok ng mabilis ang puso ko sa tuwing kasama ko siya o kaya naman sa tuwing malapit siya. Kaya nang makauwi kami galing sa mall pagkatapos bumili ay dumeretso agad ako dito sa kuwarto at hindi na lumabas. Nahihiya din ako at hindi mapakali. Just, what the actual F is happening to me? Hindi ko naman 'to nararamdaman dati. Alam ko nagsimula lang 'to noong magkasama kami sa park at ngumiti siya doon sa bata.



Argh! Stop thinking about the smile, Darlene! Tss.



"Ewan ko nga sa'yo. Wapakels naman ako sa sasabihin nun dahil talagang maganda naman ako." confident kong sambit. Ngumisi naman siya at tumawa-tawa.



"Asus. Kung gano'n, eh bakit panay tanong ka sa akin kung okay lang ba? Edi ibig sabihin nun, curious ka kung maganda ka na ba talaga. You're too obvious, Sachie." sabi niya.



"So anong sinasabi mo ngayon ha?"



"Wala naman. Pansin ko lang na super concious ka na these past few days sa hitsura mo. You keep asking me if you look ugly then if I say, Neil's name you keep saying that you're beautiful enough. Umamin ka nga sa akin..." nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya agad akong napaatras. "May gusto ka na ba kay Neil?!"



Tinulak ko ang mukha niya palayo at inirapan siya. "What the hell, Maui?! Anong klaseng tanong iyan? Malamang hindi! No! As in never! Dzuh! Ba't naman ako magkakagusto sa panget na 'yon ha?!"



"Ang defensive mo! Bahala ka, sasabihin ko kay Neil na crush mo siya!"



"What the?! Maui! Stop teasing me! Argh! Hindi ko nga siya gusto okay? So please stop."



"Okay, okay. Hihintayin ko na lang 'yong araw na ikaw naman ang lalapit sa akin at sasabihin mong gusto mo na si Neil at---"



"Maui! Hindi mangyayari iyan! Itaga mo 'yan sa noo ni Sven! Humph!" putol ko sa sinasabi niya at tumalikod na sa kanya. Well, uh. Half of what she said is true. Nitong mga nakaraang araw kasi ay lagi akong nacoconcious sa hitsura ko. Lagi na rin akong nagpapaganda kaya pati siya ay nagtataka na sa ikinikilos ko. Mas lalo naman ako. Tapos kapag malapit si panget hindi ako mapakali. Parang timang lang.



"Basta ghorl, sure akong kakainin mo rin lahat ng sinabi mo. Trust me. Iyang mga kinikilos mo na hindi mo alam ang ibig sabihin ay naranasan ko na iyan. I'm not going to tell you kung ano 'yang unfamiliar feeling na nararamdaman mo kasi hahayaan kong marealize mo ang hindi mo pa narerealize ngayon." nakangiting sabi ni Maui. "What do you mean?"



"Let's just say, na-experience ko na din 'yang nararamdaman mo. Been there, done that. And you're not going to believe me if I told you na maloloka ka oras na malaman mo na kung ano iyang nafefeel mong super weird towards someone."


The Contract Marriage [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon