Chapter 28 : The Contract Has Ended

61 15 1
                                    

Naalala ko dati 'yong mga sinasabi sa akin ni lola. Na sa oras na magmahal na daw ang isang tao ay maraming magbabago. Iyon daw kasi ang na-experience niya noong na-inlove siya kay lolo ko. Maraming nagbago sa kanya. Siguro gano'n talaga. Maraming nagbabago oras na matuto ka nang magmahal.



Hindi ko rin nakakalimutan ang sinabi ni lola dati na kapag nagmahal, syempre hindi maiiwasang hindi ka masaktan. Pero 'yong sakit raw ay panandalian lang. 'Yong mga problema at pagsubok raw na dumadating sa buhay ay isa iyong challenge kung malalagpasan niyo ba iyon ng magkasama o maghihiwalay lang kayo sa huli.



Pero kung pagsubok nga lang talaga sa amin ang lahat ng nangyari, ay bakit umabot sa lahat ang ganito? Bakit umabot sa puntong sobra muna akong nasaktan na halos namanhid na ang puso ko ay hindi pa rin namin malagpasan ang pagsubok?



Ilang araw na ang nakakalipas simula nang mangyari ang lahat sa botique. Pero sariwa pa rin ang lahat sa isipan ko. 'Yong mga sinabi sa akin ni Neil ay hinding-hindi ko iyon nakakalimutan. Para bang nakatatak na iyon sa isip ko at lagi akong pinaaalalahanan na wala na at tapos na talaga kami ni Neil.



Nagdesisyon na rin akong umalis ng bahay at pinilit ko sina daddy na ibigay na sa akin ang condo kahit October palang at hindi pa December. Nagmakaawa ako sa kanila at sa awa naman nila ay sinunod nila ang hinihiling ko. Nalaman na rin nila ang tungkol sa nangyari sa amin ni Neil subalit wala akong sinabi o pinakitang emosyon sa kanila. Blangko lang ang mukha ko at pakiramdam ko'y nawalan ako ng kakayahang magsalita.



"Sachie? Are you sure you're really okay? Do you want me to accompany you there?" nag-aalalang sabi ni Maui mula sa kabilang linya. I shooked my head as if she can see me. "No thanks. I'm okay." maikli kong sagot. I heard her sigh. I know she's still worried. Lagi naman.


Sa mga nakalipas rin na araw ay pansin ko ang pagbabago ng pakikitungo at pakikiusap ko sa kanila. Pakiramdam ko nga ay bumalik ako sa dating ako. 'Yong Darlene na laging walang pakialam sa paligid. 'Yong Darlene na malamig kung makitungo at makiusap. 'Yong Darlene na walang ibang iniisip kundi ang sarili niya. 'Yong Darlene na immune at manhid na sa sakit. 'Yong Darlene na laging ilag sa mga taong nakapaligid sa kanya. 'Yong Darlene na hindi na marunong magmahal. This is really me. The old me. Ilang beses ko ng hiniling na sana ay bumalik pa ako sa dating ako. And now, it happened.



Nag-usap pa kami at sinabi niyang bibisitahin niya raw ako kasama si Nash. Wala naman akong sinabi dahil okay lang naman sa akin iyon. Boring pa rin naman dito sa loob ng condo. Aside kasi sa wala akong kasama ay laging napapalibutan ng malungkot na atmosphere ang buong condo. Kaya oras na pumasok ka sa loob ay makakaramdam ka agad ng lungkot.



Siguro dahil iyon ang nararamdaman ko sa araw-araw. I feel so sad and lonely. I felt so lost in the middle of a forest.



I'll admit. I may be acting okay but the pain is still there. Hindi naman iyon nawawala. Laging kumikirot ang puso ko sa tuwing inaalala ang mga nangyari. I know that I'm torturing my own self, reminiscing those painful days, but what can I do? It keeps on flashing in my mind. Hanggang sa namamalayan ko na lang na umiiyak na ako habang tulala at nakatitig sa kawalan.



I'm always thinking of, what if I didn't fall in love with Neil? Masasaktan pa rin ba ako ng ganito? What if I didn't confessed and let him know that I love him? May mag-iiba kaya? Hindi kaya ako masasaktan ng sobra-sobra kagaya ngayon? But if you're going to ask me if I regret everything, I would answer, NO.



I didn't regret that I confessed to him. I didn't regret that I fall in love with him. Because, if it's not because of him, I wouldn't change and learn how to love again. Hindi ko sana mararamdaman 'yong araw-araw na laging niyang pinaparamdam sa akin na mahal na mahal niya ako. Sa tuwing naaalala ko ang mga araw na iyon, wala akong ibang magawa kundi ngumiti at lumuha. I miss those days that we were still together. Even though, he's always busy, he always make time just to be with me. I miss his smiles, his laughs, his pouting face, his scent and his everything. I miss him so much.



The Contract Marriage [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon