Chapter 31 : Million Tears

56 15 4
                                    

Sa tuwing nasasaktan ako, never akong umiiyak. Lagi lang akong nakatulala sa kawalan at pilit iwinawaksi sa aking isipan ang masasakit na pangyayaring maaaring maging dahilan ng pag-iyak ko.



Sa tanang buhay ko, walang sinuman ang nagligtas at nagparamdam sa akin na importante ako sa kanila. Maliban sa mommy ko na sobrang mahal ako. Pero maliban sa kanya, ay wala na. 'Yong tipong nasa bingit na ako ng kamatayan pero walang sinuman ang gustong magbuwis ng buhay para iligtas ako. Kaya noon, hindi ako natatakot mamatay. Lagi akong nakahanda sa magiging katapusan ko kung saka-sakali man. Takot na nga si kamatayan na lumapit sa akin dahil lagi ko siyang hinahamon.



Natuto akong protektahan ang sarili ko. Na akala ko kaya ko na. Akala ko handa na talaga akong mamatay. Akala ko mamamatay ako nang wala man lang susubok na ibuwis ang buhay nila para iligtas ako. Pero nagkamali ako.



Sa kauna-unahang pagkakataon, may isang taong handang ibuwis ang kanyang buhay para lang maprotektahan ako. Malapit na sa akin si kamatayan, pero dahil sa kanya ay lumayo na naman sa akin ang kukuha ng buhay ko. Niligtas niya ako. Siya ang dumanas ng sakit na ako dapat ang makakaranas. Siya ang sumalo ng bala na siyang tatapos sana sa buhay ko.



Balisa at wala ako sa sarili habang nakatingin sa pinto ng ER kung saan ipinasok ang duguang katawan ng lalaking mahal na mahal ko. Patuloy sa panginginig ang buong katawan ko at tuloy-tuloy ang pag-agos ng saganang luha sa aking mga mata.



Ilang minuto na ang nakakalipas matapos mangyari ang bagay na hinding-hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko. Parang kayakap ko lang siya kanina tapos sumulpot bigla si Threa na may dalang baril. Pagkatapos, babarilin niya sana ako pero si Neil ang tinamaan imbes na ako. Sinalo niya ang balang iyon. Ako dapat ang tatamaan, e. Ako.



"You fool, bakit mo ginawa iyon?!" bulong ko habang umiiyak.



Gustong-gusto ko siyang singhalan at pagalitan dahil sa ginawa niya. Tinamaan na nga siya ng bala't lahat, nagawa niya pa ring ngumiti sa akin na para bang hindi man lang siya nasasaktan. Hindi mawala sa isipan ko ang ngiti niya. 'Yong ngiti niya na parang namamaalam na sa akin. Pero kahit anong gusto kong sigawan siya ay hindi ko magawa. Para akong naubusan ng lakas nang bumagsak ang katawan niya sa basang kalsada. Wala akong nagawa kundi humagulhol ng iyak at pilit na ginigising ang walang malay niyang katawan. Dumating na sina tita Joy at nagkagulo na pero nakasalampak lang ako sa lupa habang mahigpit ang hawak sa kamay niya.



"He will be okay, Hon... Be strong... He's a strong man after all..." narinig kong pagpapatahan ni tito Ramen kay tita Joy na katulad ko rin ay patuloy sa pag-iyak. Malakas ang pag-iyak niya pero tahimik naman ako. Para akong tinakasan ng bait. Hindi mawala-wala ang sakit at labis na pag-aalala sa loob ko. Nakita ko pa si Auntie Jeniva na tulala habang patuloy sa pagwawala at pinapahanap sa mga tauhan nila si Threa na matapos mabaril si Neil ay nagtatakbo na lang paalis. Hindi ko na siya pinakialaman kanina dahil na kay Neil lang ang buong atensiyon ko.



Hindi ko maiwasang hindi magalit kay Threa at kay auntie Jeniva. Gusto ko silang singhalan dahil kung hindi siya pumayag sa plano ng baliw na mag-inang iyon na pilitin si Neil na pakasalan si Threa ay hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Hindi aabot sa puntong mababaril at mag-aagaw buhay ang pinakamamahal niyang pamangkin.



Pero tulad nga kanina ay wala na akong lakas. Hinang-hina na ako. Hindi ako mapakali at gustong-gusto kong tumakbo papasok sa ER pero hindi maaari. Makakaistorbo lang ako do'n kung gagawa pa ako ng eksena. Mas pinili ko na lang na maghintay at maupo sa upuan. Nasapo ko ang aking mukha at tahimik na humikbi. Ang sakit-sakit. Wala akong ibang magawa kundi umiyak.



The Contract Marriage [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon