Episode 3 (First Encounter)

94 12 3
                                    

Habang binabagtas ni Marie ang daan papuntang waiting shed.

"Hala sya, uulan na naman ba! Ayan na nga ba sinasabi ko eh, Di bale blessing daw to kapag ka ganito, pero lord huwag naman sana mahirap pa namang makasakay kapag ganitong panahon nagmamadali pa naman ako." Saad niya habang binubuksan ang kanyang dalang payong dahil medyo umaambon na

"Haist ang dami ko pa man ding bitbit, hay nako gobyerno ayusin niyo na kasi ang daan bakit nyo ba kasi pinauso itong parang sungkaan na daan! Marie ganyan talaga ang buhay probinsya di ka pa ba sanay bilisan mo nalang ang lakad mo para makarating ka na sa waiting shed bago pa lumakas ang ulan." Lakad takbo habang kinakausap niya ang sarili nya.

Honk! Honk! Honk!

"Ay pistulang karaan!!!" gulat na napasigaw si Marie nang may bumusina mula sa kanyang likuran.

"Marie, sakay na baka maabutan ka pa ng malakas na ulan bihira pa naman nadaan dito na tricycle." Tawag ni Alex habang hininto neto ang kanyang Ford Ranger na sasakyan.

"Grabe naman tong taong papatayin mo ata ako sa nerbiyos niyan eh!" She open the door and hopped in sa passengers seat.

"Saan ba ang punta mo at medyo umayos ang get-up natin today, huwag mong sabihing may ka-date ka? and also at this time of the day? magseselos talaga ako niyan!" Pang-aasar ni Alex sa dalaga.

"Eh ano ngayon if may Ka date ako ha! May problema ba? I'm single though and ready to mingle! At isa pa mabuti nga yung maaga kesa sa inumaga!"sabay tawa ni Marie

"Sino na naman ba kasi ang nabiktima mo kagabi at inumaga ka na naman ng uwi, taga San Sebastian ba yan ha?" Pangungulit ni Marie sa binata.

"Eto kung makatanong parang NBI." At sabay silang napatawa.

Nang makarating sila sa waiting shed ay bumaba na si Marie.

"Are you sure that you don't want me to take you to your interview location?" Tanong ni Alex sa dalaga.

"No I'm fine, dito nalang ako  marami namang Jeep and multicab ang nadaan dito and isa pa ayoko na maabala ka pa kalahating oras din kaya masasayang sa oras mo, alam ko kasing busy ka these days, salamat sa ride, sige bye for now!" Pamamaalam neto habang pababa ng sasakyan.

Kinawayan niya eto at sinenyasan na umalis na. He waved back at him at napaharorot na ng takbo si Alex.

Habang naghihintay ang dalaga she reminisce the time that she got to know Alex.

Marie's POV:

Alexander Veloso he is the Son of Doctor Paul and Dra. Patricia Veloso, nagmamay-ari ng isa sa mga hospital sa bayan Ng San Sebastian. Matangkad, Moreno, matipuno ang pangangatawan, may mga mabibilog at nangungusap na mga mata at higit sa lahat ay ang dalawang malalim na dimples niya pisngi na lalong nakadagdag ng appeal nito.

 Matangkad, Moreno, matipuno ang pangangatawan, may mga mabibilog at nangungusap na mga mata at higit sa lahat ay ang dalawang malalim na dimples niya pisngi na lalong nakadagdag ng appeal nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
One Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon