Episode 11

148 11 5
                                    

"Marie huwag mo akong takutin, sinasabi ko sayo bata ka hindi maganda yan, mag- gagabi pa naman na." Saad ni Mila nagsisimula na ring kilabutan ito.

"Ate Mila, hindi po, hindi po Kita tinatakot. Narinig niyo naman po yung kalabog diba?" Pamimilit ni Marie.

"Baka pusa lang yun na may hinahabol na daga." Paglilihis ni Mila matakutin din ito kaya ayaw niya ang ganitong mga pangyayari

"Paano naman po mangyayaring pusa iyon eh mahigpit na ipinagbabawal ang ibang hayop sa farm yun ngang asong alaga mo naandun lang sa tabi ng guard house. At isa pa po ate rinig na rinig ko po na tinatawag ang pangalan ko, kaya momo talaga yun."Dagdag na paliwanag ni Marie.

"Baka nag meow meow lang yung pusa. Magkatunog naman meow at Marie. Ah Basta sinasabi ko sa iyo walang multo dito, eh sa tagal ko ba naman na naninilbihan dito sa farm wala akong nakikitang multo. Imahinasyon mo lng iyon, yan kasi ang napapala mo sa kakapanood ng horror movies." Kumbinsidong sagot ni Mila dahil siya man ay nakakaramdam na rin ng takot pero hindi lang nito pinapahalata sa dalaga.

"Ate Mila, sige na po samahan niyo na po ako, gusto ko na pong magpalit ng damit nangangamoy pawis na po ako, pagod na po ako." Pagsusumamo ni Marie.

"siya sige na nga pero tapusin ko na muna ito at hindi ko pwede iwan itong Pera na nakabuyangyang lang dito." Saad ni Mila.

Nang matapos si Mila sa pagkwenta ay sinamahan na niya ang dalaga na pumanhik sa taas, nasa likuran ni Mila si Marie at nakahawak sa manggas ng damit nito.

"Nako Marie, mahuhulog tayo sa hagdan kung ganyan ka aakyat. Pumarini ka nga sa tabi ko huwag ka nang matakot at kasama mo na ako." Assured Mila.

"Switch on mo na lahat ng ilaw, kaya naman pala eh kung ano ano na lang ang pumapasok sa isip mo eh etong sala lang pala ang may ilaw? Napahalakhak si Mila at pinasindi ang lahat ng ilaw ng buong floor. Nagliwanag ang buong lugar.

"Eh kasi naman po medyo maliwanag pa nung pumanhik ako, eh ang tagal mo kayang nagkwenta." Palusot pa ni Marie.

"Ay ewan ko sa iyong bata ka." Napailing nalang si Mila habang natatawa sa kilos ng dalaga.

"Sinuyod nila ang buong lugar, mula sa dalawang banyo, sala, at maging ang ibang bukas na kwarto, ay hindi nila pinalagpas, pinahuli nila ang terrace at nang masiguro na wala ngang tao at walang anumang kababalaghan ay nagpaalam na si Mila.

"O siya sige iha, babalik na ako sa baba at magluluto pa ako ng hapunan ni Sir Dalton, mapagalitan pa tayo nun, alam mo naman iyong amo natin kapag ka trabaho, trabaho." Saad ni Mila.

"Ate ni hindi pa nga natin sinilip ang kwarto ko." Hinihila ni Marie ang laylayan ng damit ni Mila.

"Naku, naku Marie umayos ka nga diyan, nakita mo na walang multo, guni-guni mo lang yun at isa pa pinailawan ko na lahat, ipapalam ko din sa kanila na huwag patayin ang mga ilaw dito. Tigilan mo na ang kakapanood ng horror." Panenermon ni Mila.

"Marie, magdasal ka okay!" Pahabol ni Mila habang pababa ng hagdan.

"Opo ate," Napakamot nalang ng ulo si Marie, wala na siyang magagawa pa, tumango nalang ito, kahit paano naibsan na rin ang takot na nararamdaman niya kanina. Nauna nang bumaba si Mila para makapagluto. Naiwan si Marie sa may sala ng quarters.

"Bakit naman kasi ako matakutin ayan tuloy hindi na ako makakapanood ng horror na palabas pero paano na ngayon yan next pa naman sa listahan ko ang Train to Busan ang gwapo pa naman ng my labs ko." Nagsasalitang mag-isa si Marie habang patungo ng kwarto niya. Kinikilig pa ito habang iniimagine ang bida ng palabas. Binuksan ni Marie ang ang pinto, at pinindot ang switch ng ilaw.

One Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon