Pagkatapos ng nangyari sa mall, nabawasan na ang pag-aalala ni Marie, hindi niya inaasahan na mapa-aga ang hustisyang hinihiling niya. Sa tulong ni Dalton ay nakapagsampa na siya ng kaso laban sa kanyang Amain. Laking pasasalamat din niya sa binata at hindi siya nito pinabayaan, maging sa gastusin sa pagkuha ng abugado ay inako na din ito ng binata.
Nasa gazebo siya ngayon kasi inaayos niya ang halaman sa paligid nito, hindi nila ito natrim noong inayos nila ang daan dahil sunod sunod na din ang trabaho nila sa loob ng farm at dahil na rin sa personal niyang problema na nakadagdag pa sa kanyang inasikaso. Nabigla siya ng mula sa kanyang likuran ay may yumakap sa kanya."Marie! I'm so sorry! I'm really so sorry I wasn't there to protect you." Mahigpit na yakap ang nagpabalik ng diwa ni Marie.
Hinarap ito ni Marie at hindi niya naiwasang maging emotional.
"Kuya Alex! Kuya, salamat at dumating ka." Parang batang nakahanap ng kakampi si Marie yumakap siya dito and cried her heart out.
"Shhh.. enough Marie, I'm here now kaya tahan na, I'll never let something like that happen to you again." pang aalo ni Alex while tapping Marie's back.
"I never thought na mangayayari sa akin iyon, I hate him, I hate him so much and I couldn't forgive him for what he did to me." Humahagolgol habang nagsasalita si Marie.
Naikuyom ni Alex ang kamao nito, galit ang nararamdaman niya ngayon para sa Amain ni Marie, he won't forgive him if may masamang nangyari sa kanya. Seeing her this miserable now breaks his heart. She doesn't deserve this. He doesn't know how to console her. He felt guilty dahil he wasn't there when she needs him the most. Pinabayaan nalang ng binata na mailabas ni Marie ang lahat ng sama ng loob nito. Lumuwang ang pagkakayakap ni Marie at hinarap siya nito.
"Kuya naman kasi eh saan ka ba kasi nagpupunta, tawag ako ng tawag sa iyo, eh naka-switch off naman mobile mo, naka ilang message din ako hindi mo man lang ako sinasagot ni Hi ni Ho wala." Humiwalay na ito sa pagkakayakap at hinarap ang binata na sisinghot singhot pa rin.
"Oo na sorry na nga, may convention kasi kami sa Davao, hindi ako nakapag-paalam kasi madalian yun, wala kasing magprerepresent ng hospital namin doon since naka bakasyon yung head Doctor. Kaya ako ang pinapunta nina mama. At isa pa nanakaw ang phone ko while going back to our hotel from the convention center. " Pagpapaliwanag ng binata.
"Wait farm ba itong pinuntahan ko or police precinct." Pang-aasar ni Alex sa nakanguso pa ring dalaga.
"Abay nang-aasar pa to ang sabihin mo nalasing ka na at di mo na alam na nawala na ang phone mo." Pagmamaktol ng dalaga.
"At isa pa kinalimutan mo talaga ako, porket maraming mga magagandang doctors doon na aalialigid sayo. hmmmp. hindi mo man lang ba naisip na may mag-hahanap sa iyo." Dagdag pa ng dalaga
Napahalakhak si Alex sa pagtatantrums ni Marie.
"Asus halika ka nga dito bata ka, how many times do I have to tell you that you'll be the first person to know if I'll be having a girlfriend. Usapan kaya natin yan diba, kaya maghanda-handa na ang mga manliligaw mo at dadaan pa yan sa akin." Pulling Marie into a hug, he kissed her forehead and they stayed that way for a couple of minutes.
"Aheem! Excuse me." Napalingon ang dalawa.
Biglang bumitaw si Marie nang mapagsino ang taong dumating."S-Sir kayo po pala. K-kanina pa po ba kayo diyan" Marie stammered.
"Sorry to disturb you both! -Dalton
"No Sir Dalton, okay lang po Yun, binisita lang po niya ako. Sir, kilala niyo na naman po si Alex di po ba?" Siniko ni Marie si Alex.
"Oh sorry I haven't formally introduced myself to you, by the way I'm Alex, Alexander Veloso." Inilahad nito ang kanang kamay kay Dalton.
"Nice to meet you Alex, or should I say Dr. Alex. I'm Dalton, Dalton Yamamoto." Sabay abot nito sa kamay na inilahad ni Alex.
BINABASA MO ANG
One Great Love
Romansa"We fall in and out of love but how will we know that he/she is the one? Does destiny really exist? Paano ba magmahal kung pilit kayong pinaghihiwalay ng pagkakataon at nang mga taong nakapaligid sa inyo. Kailangan mo pa bang aasa o kailangan mo na...